Chapter 18

972 32 20
                                    

🫀
Chapter 18






I closed my laptop in front of me and relaxed for a bit. I even massaged my temple dahil sa pagod ko buong maghapon. Habang nagpapahinga ay agad namang tumunog ang phone ko kaya sinagot ko when I saw Sofia's name popped into the screen.



"Hey.." I casually greeted.



What happened between Cait and I that night made me become more aware of the situation I am in. Sobrang importante sa akin ni Sofia and I don't think na kakayanin ko kapag nawala siya. Siya lang ang nakaintindi sa akin during those times na akala ko mag-isa lang ako. May guilt na bumabalot sa sistema ko ngayon..



I'm scared. Because I know that it's my fault. I was too vulnerable that time. Aaminin ko na there's always this space in my heart I've kept for Caitlin. I'm still waiting for a chance para makapag-usap kami ni Sofia dahil ayokong may ganito akong tinatago sa kanya.




"Sorry, babe. Too busy for the graduation, ni hindi man lang kita masabayan for lunch."



Naiintindihan ko siya.. She's too busy preparing herself for their graduation. Marami silang requirements na kailangang habulin, idagdag mo pa na sinasama siya palagi ng family niya to attend some business events.



"Isang linggo na kitang hindi nakakasama mag-lunch.. Please make bawi. Let's have a dinner tonight."



She chuckled from the other line. "Okay! Pick me up at 6."



Mabilis rin namang natapos ang tawag ni Sofia kaya agad na bumalik ako sa pagtatrabaho. I guess, I'll be eating na lang later after checking all these documents about sa meeting kanina.



Well, that's what I thought... When someone knocked outside my office.



It was Caitlin. She's smiling and holding a folder.



"Need ko ng sign mo for this para maipasa ko na sa management. Or are you on lunch break?"



Umiling ako bago tinuro ang upuan para makaupo na siya. Agad na pumirma ako nang iabot niya sa akin ang isinadya niya rito.



"Thank you.. Uhm.. It's past lunch already, kumain ka na?" tanong nito.



"Hindi pa. May tinatapos pa kasi ako." diretso kong sagot.




Tumango-tango ito bago ko inabot sa kanya ang pinirmahan ko. "Is there anything else that you need from me?" tanong ko agad sa kanya.



She pursed her lips and cleared her throat. "Uhm.. Where's Sofia? Hindi ka ba niya.. sasabayang kumain?"



Tinigil ko sandali ang ginagawa ko at matagal siyang tinitigan.



"No. So, kung pwede lang sana.. Just let me do my job here in peace?" trying to shoo her away.



"Bakit ba parang naiinis ka naman agad d'yan? Nakakunot na lang lagi noo mo kapag ako kausap mo, eh. Ang unfair." reklamo niya.



Halos matawa ako sa inis sa loob-loob ko dahil nauubos na rin ang pasensya ko. "I don't have time to fuck around, Miss Viray."



Home For A Cloudless SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon