Chapter 22

620 21 7
                                    

🫀
Chapter 22





"But.. my graduation is in two weeks, love." malungkot nitong sabi.



Kahit naman ako ay nafufrustrate. Bakit ba nagkataong may seminar? Dapat si kuya ang a-attend doon, eh. But he said na may mas importante pa siyang aasikasuhin kaya ako ang inutusan niya, na para bang kasinglapit lang ng kusina namin 'yung Australia.




"Didiretso ako agad sa graduation mo, okay? I'll try to come home as soon as I can, besides it's just a seven-hour flight. I just hope there will be no delayed flights though."


I really don't want to miss this kind of celebration lalo na napakaimportante rin nito sa kanya.



"Ma'am, saan ko po ihahatid 'tong mga gamit niyo? Sa bahay niyo na po ba o sa condo niyo?"



I instructed Manong, our driver, about my new condo kung saan kami nakatira ngayon ni Caitlin na doon niya dalhin ang mga gamit ko. Ihahatid muna ako ni Manong papuntang Univ tapos ay dadalhin ang sasakyan ko papunta dito. Sana ay makahabol ako dahil kanina pang ala una ang huling chat sa akin ni Cait. Alas tres magsisimula ang ceremony.



From: Keyt🫀
Mom and Dad are here. Where are you? Ikaw na lang kulang. I'll be sad if hindi kita makakasama today. :(



I immediately searched her from the crowd pero dahil sa dami ng tao ay hindi ko agad siya nakita.



From: Keyt🫀
I see you! 🥹 Is that for me?



Hindi ko mapigilang ngumiti at lumingon-lingon sa paligid ko hanggang sa nakita ko nang palapit sa akin si Cait. She stood in front of me as her eyes were shining.



"For you, love. Congratulations.. I'm so proud of you." bati ko dito nang iabot ko sa kanya ang napakalaking pumpon ng bulaklak.



She embraced me. "Akala ko hindi ka makakahabol. Thank you, love." sabi nito while she's staring at me na para bang hindi talaga siya makapaniwalang nasa harap niya ako.



Hinawakan ko ang kanyang pisngi at hinayaang magpahinga sandali habang nakatitig ako sa kanyang mukha. Hinawakan naman niya ang kamay ko at hinila ako.



"Sama ka kina dad--"



I stopped. "Uhm.. Love, sorry but there will be a designated seat for me. I'll join you after, okay?"



Sumimangot naman ito bago tumango.



"I think.. Okay lang naman siguro kung babatiin ko sila?" sabi ko dito kahit ang totoo ay hindi ako mapakali.



Hindi matigil ang pagtibok ng malakas ang puso ko hanggang sa nakita ko na agad ang pamilyar na mukha ng parents ni Cait. We were still holding hands nang makarating kami sa harap nila. May gulat sa kanilang ekspresyon ngunit agad ding nawala at napalitan iyon ng tipid na ngiti. Alam kong hindi pa rin nila nakakalimutan ang nangyari under our company kaya nga hanggang ngayon ay pinagsisikapan kong ilabas ang totoo.



"Kamusta, hija?" pangangamusta ni tito Billy while tita Frances was just watching us silently.



"Maayos naman po, tito. I took over the Univ some couple of months ago.. Kayo po? Kamusta? Si Pau po?" sunod-sunod kong tanong dito.



Home For A Cloudless SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon