🫀
Chapter 39"What the fuck? What about Bea, Caitlin?!"
Her grip on my arm stung, it marked red then a scratch on my skin slowly revealed. I guess, hindi niya napansin ang naging reaksyon ko because of her anger.
"Do I even have a choice, ate?" halos tumaas na ang boses ko, it was filled with frustration and disappointment. "Would you like to trade places with me instead? Gusto mo bang ikaw na lang ang tumulong kina dad?" Dahil kung gusto mo then ikaw na lang dito!
She pursed her lips, pero alam kong naiinis na rin ito sa naging sagot ko sa kanya. "I'm just saying na you should tell her about this, Caitlin. Girlfriend mo 'yung tao."
Alam ko! Pero paano?! Ayokong saktan si Bea. Natatakot akong saktan siya. Hindi ko alam kung kakayanin ng puso ko na saktan siya. I promised Bea na hindi ko ipaparanas ulit sa kanya 'yung sakit na naramdaman niya when she was left alone.
Paano ko sasabihin sa kanya na their company is accusing my parents for embezzling money? Paano ko sasabihin na we wouldn't even stand a chance kung hindi kami tutulungan ng mga Guzman? Paano ko sasabihin na 'yung tulong nila sa pamilya namin ay may kapalit na pangako? Or paano kung siya ang mag-alok ng tulong at malaman ng kapatid niya? It will just create another chaos.
"Love, I'm sorry. Hindi kasi ako pinayagan ni kuya dahil baka ma-stuck ako sa traffic dahil magpapasko."
"O-Okay lang. Hindi mo naman kailangang pumunta dito, eh. It's better if you spend your holidays din with your kuya."
Narinig ko ang malalim na paghinga nito, malamang ay nakasimangot na siya. I know her. Too well.
"Don't worry, love. I'll make sure na we're going to spend Christmas together next year. And another more after that."
Palihim akong napangiti pero mabilis din iyong nawala. Wala akong karapatang umasa ngayon na aabot kami ng ganoong katagal. Hindi ko alam pero I feel like our love will be ending soon. And my heart breaks a little too much. I don't want us to end.
"Uhm.. Bea, I need to go na. Marami pa kasi kaming gagawin sa kusina."
Sinungaling! Ayoko lang na mas tumagal pa 'tong pag-uusap namin dahil alam kong bibigay at bibigay lang ang loob ko. Baka bigla na lang magbago 'yung isip ko. Ayokong iwan ang family ko sa ganitong sitwasyon.
"Oh.. Ganoon ba?" halata sa boses niya ang lungkot at pagkadismaya. "Then, I'll call you tonight. Okay lang ba?"
Nag-umpisa na namang sumikip ang dibdib ko. Nagtatanong na siya kung pwede siyang tumawag mamaya when I know na nakasanayan na talaga niyang tumawag even without asking me. Alam kong nakakaramdan siya..
"Sure... Bea." Shit. I wasn't even sure what to call her anymore.
She didn't respond so I thought the call ended na pero hindi pa pala. Hinintay kong magsalita siya pero wala na akong narinig.
"Bye, love." mabigat sa loob kong pagpapaalam bago tuluyang tinapos ang tawag namin.
Bihira na lang akong lumabas sa kwarto kaya minsan si dad na lang ang umaakyat para bisitahin ako, minsan naman si mom. Narinig ko naman ang mararahang pagkatok sa aking pinto pero hinayaan ko lang hanggang sa mapagod sila. It's not even locked anyway, para makakapasok pa rin ang mga kasambahay namin kapag magdadala sila ng pagkain o kahit ano.
BINABASA MO ANG
Home For A Cloudless Sky
FanfictionUAAP Pride Series #4 A CaitBea Fanfic. Love was just a game but.. What if you suddenly fall for someone you're not ready to fall for, and it makes you question everything you thought you knew about yourself and realize that the person you thought wa...