Chapter 28

688 19 16
                                    

🫀
Chapter 28




"Ate Bei," nakangiting paglapit sa akin ni Jaycel. Tahimik lang ako while I waited for her na makaupo.



"What do you want to order, Jayz?" kaswal kong tanong dito kahit ang totoo ay gustong-gusto ko na siyang kausapin.



Hinintay naming dumating ang inorder naming iced coffee namin bago ako nakahanap ng tiyempo. I really want to talk to her about what happened that night. Gusto kong malaman kung may alam ba siya and how much information she knows.


"Nakapag-ayos na ba kayo ng gamit ni Caitlin?" tanong nito nang mapansing nakatingin lang ako sa kanya.



We're flying the whole team to Japan as a reward for their hard work. The team will stay there for a month. We'll give them a week to rest and para makapasyal rin sila, the remaining weeks will be for their training.



"I was there." I told her directly. It left her stunned a few seconds.


"There?"


"Sa garden, Jayz. I was there too."


Tikom ang bibig niya at naging seryoso ito. She even put her drink down on the table. "Don't worry, ate Bei. I assure you na whatever it is na nalaman ko, hindi ko 'yon nalaman kay Dad."



Kahit papaano ay gumaan ang dibdib ko at nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi nito. I can't bear to have someone around me I can't trust.


"Remember when we went out for lunch kasi nagkausap na kayo ni Dad about sa flash drive?"



Tumango ako at binitawan na rin ang hawak kong inumin. Ramdam at rinig ko rin ang malakas na pagtibok ng puso ko.



"When we came back from lunch that day, papunta dapat tayo sa office mo but along the way tinawag ka ng isang student council kaya pinauna mo na ako para hintayin ka doon.. I was looking for a charger on your desk tapos nakita ko sa screen ng laptop mo 'yung files.."



Nanginginig ang mga kamay ko habang kinukurot ko ang hita ko sa ilalim ng mesa. "All of it? N-Nakita.. mo.. lahat?"



She bit her lip and looked down. Alam ko na ang sagot nito the moment na yumuko siya sa harap ko. "Hindi ko naman talaga dapat papansinin 'yon, eh.. pero there was a picture of a bank account on the background na nakapangalan kay--"



"Stop right there, Jayz." pagpapahinto ko sa kanya. I stood up dahil gusto ko nang umalis pero hinawakan agad ni Jayz ang braso ko pagkatayo niya.



"Iyon lang naman ang nakita ko, ate Bei. Pero bakit sinabi mo sa akin na hindi mo binuksan yung drive? You didn't have to lie naman about it."



Lumingon ako sa paligid.. "Let's not talk about it here." I told her coldly bago ko inalis ang kamay niyang pumipigil sa akin.



Dumiretso kami sa aking sasakyan at doon ay tahimik lang kaming nakaupo. Pinapaniwala ko sa sarili ko na I am just waiting for her to speak up but the truth is puno na ng kaba ang puso ko dahil sa katotohanang hindi na lang kami ni tito James ang nakakaalam. Natatakot ako na hindi magtatagal ay lalabas rin ito. Ayokong dumami ang makaalam ng naging imbestigasyon namin. I don't want to hurt Cait's family lalong-lalo na siya.




Home For A Cloudless SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon