PROLOGUE

3K 37 0
                                    

PROLOGUE

Isang taon na ang lumipas mula nang mamatay ang napakaraming estudyante sa School of Excellence.  Ang mga survivors na sina Fille Cainglet, Lou Simon, Kei Nishikori, Anjo Caram, Robin Roño, at Jessy Mendiola ay nagbigay ng kanilang sworn statements na ang school na ito ay hindi pangkaraniwang school.  Pinili ang mga estudyante roon para mamatay sa mga nakamamatay na challenges.  Pero nang imbestigahan iyon ng mga pulis, walang gusali sa lugar kung saan sinasabi nilang nakatayo ang School of Excellence.  Dahil dito ay ibinasura ang kaso.  Bilang alaala sa mga namatay nilang kasama, bumuo ang mga nabanggit na estudyante ng CMG o Crimes and Mysteries Group.  Ang grupong ito ay naglalayong matulungan ang mga iba pang taong magiging biktima ng anumang krimen o kababalaghan.  They all transferred to a different university.  Ilang kaso na rin naman ang nalutas nila at ilang mga pamilya na rin ang natulungan nila.  Karamihan sa mga natulungan nila ay mga biktima ng hit and run, rape, o di kaya ay homicide.  Ang ulilang lubos na si Fille na wala ng matuluyan ay kinupkop ni Lou.  Sa bahay na ni Lou siya tumutuloy. 

Sa loob ng isang taon ay naging sobrang close sila ni Anjo, hanggang sa sagutin na niya ito noon lamang nakaraang linggo.  Hindi pa nila iyon ipinapaalam sa mga kaibigan nila.  Umiiwas kasi si Fille sa mga tsismis.  Gaganapin ang sportsfest noon sa unibersidad nila kaya ginabi sila sa school sa pagdedecorate para sa sportfest.  Pagud na pagod si Fille nang gabing iyon kaya paghiga niya pa lang sa kama, nakatulog na siya agad.  Napanaginipan niya ang kasintahang si Anjo.  Nagdi-dinner date daw sila nito at kagaya ng madalas nitong ginagawa, pinapatawa na naman siya nito.  Kahit pa nasa isang mamahaling restawran sila, hindi niya napigilang tumawa ng malakas sa mga hirit nito, tila nawalan siya ng poise.  Ngunit biglang nagbago ang takbo ng panaginip niya nang biglang makarinig siya ng boses sa isip.

+Sometimes goodbye doesn’t really mean that a person doesn’t care about you anymore.  In my case, I am saying goodbye because I love you way too much.  I hope you will never forget me.

Kahit isang taon na ang lumipas mula nang huli niyang marinig ang boses na iyon, hindi niya makakalimutan ang nagmamay-ari ng boses na iyon.  Si Erno, ang nagligtas sa kanila sa tiyak na pagkamatay sa mga kamay ni Oliver.  He may be dead for a year now, pero hindi niya ito makakalimutan kailanman.

Pupungas-pungas siyang nagising mula sa kanyang panaginip…

CRIMES AND MYSTERIES 3: AKO SAPATOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon