I. DOPPELGANGER (Nastja's diary)

939 22 1
                                    

--Nastja’s diary--

I woke up with a real bad dream today.  It was like a nightmare.  I ran out of breath.  Paggising ko, I was screaming at the top of my lungs.  But I don’t really remember what my dream was about.  Kaya pinunasan ko na agad ang pawis ko, kasi pag nakita ako ng best kong si Mondael, tutuksuhin na naman niya akong lechon paksiw.  Madalas niya kasi akong tuksuhing lechon paksiw kapag pinapawisan ako.  Mondael is really the quiet type most of the time, pero dahil nagkapalagayang loob na kami, hindi na siya pumepreno kapag inaasar niya ako.  Isang taon pa lang kaming magkakilala pero magaan na ang loob ko sa kanya, dahil kahit may itsura siya, hindi siya mahilig mang-chicks kagaya ng ibang lalaki.  Madalas lang siyang nag-oonline, iyon lang ang past time niya.  I met him in a bizarre way.  Mag-isa lang kasi ako non sa bahay, at nahuli ko siyang pasilip-silip sa bahay namin.  Siyempre at first inisip ko, baka rapist, o magnanakaw, pero nang maikwento niya sa akin ang buhay niya, naging magkaibigan na kami.

As I was taking a bath, kinabahan ako dahil nakarinig ako ng kaluskos.

“Mondael?  Ikaw ba ‘yan?” kinakabahang tawag ko sa kanya.  Walang sumagot.  Kaya nagmadali ako sa pagligo.  Paglabas ko sa shower, I saw my mom standing right at the door.

“Mom?  Aren’t you off to work today?” I asked her in surprise.  She just stared at me.  Pagkatapos ay umakyat na siya sa hagdan.  Kinabahan ako sa inasal ng mom ko.  Pakiramdam ko ay may kasalanan ako sa kanya kaya silent treatment siya sa akin.  I called Mondael up.

“Talk,” I said nang sagutin niya ang phone.  Never pa siyang nag-hello kapag sumasagot ng phone.

“What?” tanong niya.

“I think I upset my mom, best.  May nagsumbong ata na nilagyan ko ng pulang tinta ang palda ni Ma’am kahapon.  Patay ako,” sabi ko.

“Pupunta ako diyan?” tanong niya.

“Siyempre ‘no.  Kapag hindi ka nagpunta ngayon, lalamunin ako ng sermon,” sabi ko sa kanya.

“Coming,” sabi niya.  Then, incredibly, in just about five minutes, he came.

“Lechon paksiw,” bati niya sa akin.

“Hindi ‘no?  Kakaligo ko lang,” sabi ko.  Ginamit niya ang T-shirt niya pampunas sa basa kong mukha.  I always feel weird everytime he does that.  I don’t know why.

“So, ano ang gusto mo, sasabihin ko sa mom mo na ako ang naglagay ng tinta?” tanong niya, habang pinupunasan ang mukha ko.

“Yep, and make it convincing,” I told him.  Nirehearse namin ang sasabihin niya sa mom ko.  Nang ma-convince na ako sa flawless acting niya, tinawag ko na ang mom ko.

“M-mom?” I stammered.  He told me to relax.  Hindi pa din bumaba ang mom ko.  “Lagot talaga, best, galit siya sa akin…”

“Come on, akyat na tayo.  But don’t forget my best actor trophy, okay?” he said then smiled sheepishly.

Umakyat na kami sa taas.  He motioned me to knock on the door.

“Mom?” tawag ko.  “Mondael’s here…”

Normally, kapag narinig ng mom ko ang pangalan ni Mondael, bumababa na agad ito.  Needless to say, she is very fond of him, but is also very suspicious like most moms.  Dahil babae ako at lalaki si Mondael, madalas ay pinapaamin niya ako kung may relasyon ba kami ni Mondael.  One time, muntik na siyang himatayin when Mondael answered her na may relasyon nga kami… which is friendship.  Mom likes him also because they are both fond of clues, crosswords, at lahat na ng larong pangmatatalino.  Siniko ko na si Mondael na magsalita nang hindi pa rin buksan ng mom ko ang kwarto niya.  He was about to speak nang biglang mag-ring ang cellphone ko…

“Anastasija Sevastova?” tanong ng caller.

“Yep,” I answered, surprised.

“Ikaw ang anak ni Mrs. Edina Sevastova, tama ba?”

“Yup,” muling sagot ko.

“Well, I’m really sorry to tell you this but your mom just committed suicide.”

The words didn’t immediately register in my mind.  No way that’s gonna happen because I just saw my mom walk upstairs.

“What?” tanong ni Mondael sa akin.  I was too shocked to answer. 

“Mom… mom, please, open up…” nagmamakaawa kong pagkatok sa pintuan ng kwarto ng mom ko.

“What’s wrong, Nastja?  Tell me…” Mondael insisted.

“Something happened… to my mom,” I said.  I was about to cry nang magsalita muli ang caller.

“I know this would be really hard for you girl, but please accept my condolences.  Nagpakamatay ang nanay mo dito pa sa office namin.  She must be really depressed,” dugtong nito.

Wait, sa office?  But my mom is in her room, paano siya mapupunta sa office?

“What happened to your mom?  You’re sweating…” Mondael asked.

“Buksan mo ang pintong yan, Dayel, bilis,” utos ko.  I was praying na sana hindi totoo ang sinabi sa akin ng tumawag.

He forcefully opened the door by kicking it hard.  Then it opened.  My mom wasn’t there at all…

CRIMES AND MYSTERIES 3: AKO SAPATOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon