II. SUICIDE
~Lou’s journal~
I really couldn’t imagine kung nasaan si Cainglet. Gabi na ay hindi pa siya umuuwi. Sa totoo lang ay nag-aalala na ako, dahil alam kong disaster-prone ang taong ‘yon. I smoked. Pero kahit nang makalimang stick na ako ay hindi pa siya dumadating. Itetext ko na sana si Kei, but I received a text message from Jessy that says:
(Heya Lou. I’ve got bad news and good news for u. what d’ya wanna know 1st?)
I texted back, saying I wanna hear the bad news first.
(A woman named Edina Sevastova just committed suicide, the daughter was really shocked. La siyang alam na dahilan kung bakit magpapakamatay ang mom niya. This just means one thing. This isn’t just a suicide case, I bet there’s more to this, I promised the girl we’ll help her.)
(Alright. Wats the good news then?) I texted.
(I just found out na sina Anjo at Fille na)
Damn! What the…? I guess I have to stop bago ko pa masabi ang lahat ng mura. How the hell did they end up together?
(Hey Lou. Still there? bakit la ka ng reply?)
She’s really cheap. Parang ganun ganun na lang nakalimutan na niya si Erno, at pinatulan na niya si Anjo? I was really fuming mad nang makabangga ko na naman ang isang babae. It was the same girl. Dalawang beses sa isang araw ko na siyang nakabangga? That’s weird. No, that’s stupid. She’s stupid. I continued on my way until I felt something different. Sa tingin ko ay may nakatingin sa akin, kaya lumingon ako. She was staring at me. Hindi ko na siya pinansin at muli akong naglakad.
Nang magkita-kita na ang CMG para pag-usapan ang nangyaring suicide, wala pa rin ako sa sarili.
“Guys, this is Nastja,” pagpapakilala ni Jessy sa babaeng nakatulala.
“Natanong na namin siya,” sabi ni Robin, “Wala daw siyang alam na nakaaway o kung ano mang mabigat na problema ng nanay niya bago iyon nagpakamatay.”
“Oo nga, ka-jerjer, at nakita pa raw niya ang nanay niya na umakyat sa kwarto, pero sa office raw natagpuan ang bangkay nito. Kaya nga sa tingin ko, nakakita ng doppelganger ‘to,” pagbibigay opinyon ni Anjo.
Like I care what he thinks. Eh kung jerjerin ko kaya ang mukha niya?
“Ano Lou, wala ka bang opinyon tungkol sa kasong ‘to?” tanong ni Fille sa akin.
“Shut up, Cainglet. Nag-iisip ako ng possible reasons for the suicide,” sabi ko.
Suicide with no reason? That’s crazy.
“Paano nagpakamatay?” tanong ko, trying to concentrate on the mystery at hand.
“Nagbigti, atsaka may laslas iyong pulso, sinulatan ng I can’t handle this anymore,” sagot ni Robin.
“Grabe iyong bangkay, talagang luwa na iyong mata ng babae,” sabi ni Kei.
“Scary,” Jessy added.
Tiningnan ko ang babaeng nakatulala. May namumuo ng luha sa mga mata nito. Nangangatal pa ang mga labi niya.
“Calm down, Miss,” sabi ko.
*She doesn’t really wanna talk about what happened, Lou. (Fille talked in my mind)
#Tell them to go away and I’ll talk to the girl alone. (I answered)
*I’ll stay. (Fille)
#You don’t wanna miss a precious moment with your new boyfriend, do you? (Me)
*I wanna help the girl, not you. (Fille)
# She doesn’t need your help. (Me)
Nang marinig ko na ang paghikbi ng babae, saka lamang ako muling lumingon sa kanya.
“We’re here to help you, Miss…” I assured her.
“Guys, tara na muna,” sabi ni Fille. “Let’s give them time.” Naglabasan ang iba ko pang mga kasama. Then I talked to the girl again.
“Miss, bago siya nagpakamatay, did you notice something different?”
“No,” she answered softly.
“Ano ang mga pinagkakaabalahan niya? At saan siya madalas magpunta?”
“Wala. Sa bahay lang. Lagi siyang busy sa mga office works niya.”
“I see. Anything else you wanna tell me?” tanong ko.
“Yeah, I don’t believe she committed suicide. I think she was killed…”
---
--Nastja’s diary--
I know the guy, and the rest of the CMG group wanted to help me, but I just can’t accept the fact that Mom’s gone. Pag-uwi ko sa bahay pagkatapos ng pakikipag-usap ko sa CMG group, wala akong ginawa kundi umiyak. Sa sobrang lungkot ko, hindi ko namalayan na pumasok na pala sa bahay namin si Mondael. Pinunasan niya na naman ng T-shirt niya ang mga luha ko.
“We’ll give her justice, I promise you that…” bulong niya, habang sinusuklay-suklay ang buhok ko ng mga daliri niya.
“You don’t believe it’s… suicide?” I asked.
“No,” he said shortly.
He let me sleep in his chest.
---
Walang kamalay-malay si Nastja na kahit ng makatulog na siya ay nanatiling gising si Mondael. Kahit na nakahiga siya sa lap nito, Mondael was busy searching in his laptop. He opened a site and typed in a woman’s name. He found the account and he opened it. The status says that she’s in a relationship with someone. He stayed up really late just looking at her pictures. Limang oras na siyang nakatitig dito. Hindi na niya nakontrol ang pagtulo ng mga luha niya. Mag-uumaga na ng dalawin siya ng antok. Inihiga na niya si Nastja sa kama at tinabihan. Alam niyang hindi niya dapat hayaang mapalapit na namang muli ang sarili niya sa ibang tao because sooner or later, he has to say goodbye, pero iba si Nastja. She was almost like a sister to him. Kakapikit pa lamang niya nang magmulat ng mga mata si Nastja. He had no choice but to stay awake.
“Dayel, best, andito ka?”
“Oo…” sabi ni Mondael.
“Thanks. I dreamt about Mom. She was sending an e-mail to somebody. I don’t know what does it mean,” pagkukuwento ni Nastja. In just a split second, Mondael offered her a glass of water.
“O, best, san mo nakuha ‘to?” nagtatakang tanong ni Nastja.
“I’m always ready,” bulong ni Mondael. “Kaya tama na ang sobrang pag-iyak ha, baka mamaya, concealer na ang ibigay ko sa ‘yo.” Nastja smiled.
“Please don’t ever leave me, best. You’re all that’s left to me now,” sabi ni Nastja. Mondael flinched but didn’t allow her to see it. That line was too familiar. He had said that line to somebody before. And it hurt thinking about that somebody. Alam ng Diyos kung ga’no niya tinangkang kalimutan ang taong iyon, but he just can’t. He knows that she would need him someday.
---
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES 3: AKO SAPATOS
ParanormalIsang taon matapos makaligtas ang ilang estudyante sa tiyak na kamatayan, isa na namang panibagong kaso ang maglalagay sa buhay nila sa alanganin. Ano nga ba ang kinalaman ng pakikipagchat sa internet sa mga kasong dapat nilang lutasin? May magpap...