III. THE EMOTION READER (part 2)

757 21 0
                                    

~Lou’s journal~

“What do you mean by jealous is written all over my face?” tanong ko kay Nastja nang makaalis na ang lahat sa school clinic.

“Literally may nakasulat talaga sa forehead mo na jealous.  Tapos kanina, may nabasa din akong worried.  I thought I was hallucinating, that’s why I passed out,” sagot niya.

“So you’re an emotion reader?” kaswal kong tanong sa kanya.  Sanay na ako sa mga supernatural sa dami ba naman ng mga na-experience ko.

“Emotion reader?” tanong niya.

“Oo.  Sa maniwala ka’t sa hindi, may mga taong sadyang ipinanganak na may special talent,” I told her.  “Maybe you can use that in solving your mom’s case.  Nobody could lie to you because you could read their emotions.”   She just stared at me.  “Kaya ngayon, Nastja, all you have to do is observe the people around you, the people close to your mom, dahil mababasa mo naman ang emosyon nila kapag kaharap o kausap mo sila.  At kapag meron na tayong suspects, pwede na nating subaybayan ang bawat kilos nila.  Anyway, I think I shouldn’t be stressing you.  Magpahinga ka na.”

She nodded.  “Lou, iyong babae, si Fille, do you like her?”

“Ayokong pag-usapan ‘yon,” sabi ko.  She laughed.  Ngunit bago ko pa siya matanong kung ano ang tinatawanan niya, agad siyang nagpaliwanag.  “Your face says bitter.”

Bad trip ah.  Hindi ko alam kung talagang may nabasa siyang ganon o inaasar niya lang ako.

“You remind me of my bestfriend, Lou,” pagkukuwento niya.  “His name is Mondael.  Sayang nga lang dahil hindi siya dito nag-aaral.  Alam mo ba, nung sinabi mo sa akin na may mga tao talagang pinanganak na may special ability, siya ang naisip ko.  Alam mo ba, natalon niya ang second floor ng bahay namin ng wala man lang siyang kagalus-galos…”

A leaper, naisip ko.  Just like Fille.

“Hey Lou,” tawag niya.  “I can read something in your face.  It says reminiscing.  Sino ang naaalala mo?”

Damn!  She could really read emotions!  “Ah, wala.  Naalala ko lang ang… kaibigan ko na kagaya ng kaibigan mo.  Nakakatalon din sa matataas na lugar.”

“Talaga?  Eh ikaw, Lou?  Ano’ng special ability mo?”

I didn’t know why but my instinct told me not to tell her.  I have learned not to trust a stranger.

“Wala.  Wala akong special ability,” sagot ko.  Nakita ko sa mukha niya na hindi siya naniwala sa sinabi ko.  But she didn’t tell me anyway.

Nang makatulog na siya, I proceeded to the gym dahil sportsfest namin.  Naisip ko na naman tuloy si Tantan, na mahilig sa basketball, na namatay just because he trusted and loved an enemy all his life.  I suddenly thought of Oliver and Dominika.  Sila ang may pakana ng lahat ng mga nangyari sa amin sa School of Excellence.  Hundreds died in that cursed place.  It is still hard to accept na ang mismong mga taong pinagkatiwalaan pa namin ang nasa likod ng lahat ng krimen.  That’s why I learned not to trust easily.  It’s painful thinking about Erno, a guy I love and hate at the same time.  Kaibigan namin siya and he stopped whatever was doomed to happen to us in that place.  I don’t know how, pero bigla na lang nawala si Oliver at biglang nabuksan ang exit door, kasabay din ng biglaang pagkawala niya.  We never saw him again after that night, pero hindi na rin kami muling ginambala pa nina Oliver at ng kasabwat niyang si Dominika.  That’s why I am almost sure that Erno died taking both of them down.  Maybe he really sacrificed his life for us to survive.  Siya dati ang ka-M.U. ni Fille.   I don’t blame Fille for trying to be happy again after Erno’s mysterious disappearance, dahil alam kong kung masakit man para sa akin na tanggapin ang pagkawala ni Erno, mas masakit ito para sa kanya.  But now, I don’t see her even remembering Erno, at mas gusto ko iyon.  She’s been through a lot of hard times.  She deserves to be happy anyway.

As I was watching the basketball game, isang kaklase namin ang lumapit sa akin.  Si Maruja, ang best friend ni Gretchen.

“Um… Gilles Simon?” tawag niya sa akin sa buo kong pangalan.  Lumingon ako, clearly annoyed.

“What?”

“Ah… wala.  Ano ba ang account mo sa… sa YM?” tanong niya.  Is she expecting me to tell her that?  She’s got to be kidding!

Hindi ko siya pinansin.  “Pinakialaman ko kasi ang account ni Gretch.  Alam ko kasi ang password niya.  Yung ka-chat niya kasi… um… nagpadala ng picture, pero buhok lang ang kita.  Para kasing… ikaw eh.”

“No, that wasn’t me,” I told her.  She went away, embarrassed.  I focused on the game.  JR was doing all the scoring.  Lahat ng trashtalks niya at mga pagmumura ay dinig na dinig ng mga nanonood.  Too bad dahil kakampi niya si Anjo.  I wanted their team to lose.  Pero sino lang ba ang kalaban nila?  Ang team ng lampang si Kei at ng may mapurol na utak na si ka-jerjer Jhake.  There was no chance that they will lose to that team.  But after JR made another shot, biglang umeksena ang P.E. teacher namin na si Sir Breen.  “Teka, teka nga.  Hoy Nishikori,” tinawag niya agad si Kei.  Lumapit naman agad ito sa kanya.

“Bakit, Sir?  Magpapameryenda ka ba?” tanong ni Kei.

“Hubarin mo muna yang jersey mo, Nishikori,” utos ni Mr. Breen.

“Sir huwag.  Huwag dito,” sabi ni Kei.

“Sub ka muna.  May paglalaruin lang ako kapalit mo.  Nagkakalat ka na diyan.”

Biglang tinawag nito ang estudyanteng noon ko lamang nakita.  “Stop the game, ref,” sabi niya sa referee.  Nabaling ang atensyon ng lahat sa kasama nitong estudyante.  “Ito nga pala si Mondael Kavacis, bagong estudyante siya dito” pagpapakilala dito ni Mr. Breen.  “Mondael, kunin mo muna ang jersey ni Nishikori.  Ikaw na ang maglaro.”  Napatingin ako sa bagong estudyante.  Mondael?  Haven’t I heard that name before?

Mukhang nakakita ng artista ang mga babae sa gym pagkakita kay Mondael.  Pati si Fille na kanina pa tumitili ng “Go, Anjo.”  Tahimik ang Mondael na ‘yon. Nang magsimula ng maglaro si Mondael, napanganga na ang lahat.  Astig kasi, napakagaling maglaro.  Walang konsensya.  Pati ang mayabang na si JR napanganga sa ipinakita niyang galing.  Speechless ang halos lahat ng mga nanonood, pati ako.  Lamang na ang team ni Mondael.  Halos nawawalan na ng pag-asa ang team nina JR.  Then Fille suddenly started cheering for her bf.  “Go, Anjo, bawi kayo…” Tahimik ang paligid non kaya dinig na dinig ang pagchecheer niya.  Napalingon sa kanya si Mondael at parang napako ang paningin nito sa kanya.  Natawagan tuloy ang team nila ng shotclock violation dahil hawak lang niya ang bola habang umaandar ang shot clock.

“Bakit ganyan ka makatingin sa girlfriend ko?” mapanghamong tanong ni Anjo na mukhang naghahanap ng gulo.

“Girlfriend mo ba yun?” balik-tanong ni Mondael.

“Oo, bakit?”

“I’ve never seen such a plain-looking woman in my entire life,” sagot ni Mondael na ikinatawa ng lahat ng mga players sa court.  Fille heard his remark and she walked out.

CRIMES AND MYSTERIES 3: AKO SAPATOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon