V. ANOTHER ONE (part 2)

722 21 0
                                    

Inayos ng mabuti ni Maruja ang mga nakakalat niyang mga damit.  Katatapos lang niyang pumili ng pinakamagandang damit na gagamitin niya para sa pakikipagchat niya sa kanyang mystery chat mate.  Sa pakiramdam niya ay unti-unti na siyang na-iinlove dito.  Matatamis na salita ang lagi niyang nababasa sa computer screen kapag ka-chat niya ito.  Kaya unti-unting nahuhulog na ang loob niya rito.  May konting guilt lang sa puso niya dahil ito rin ang chat mate ni Gretchen noon.  Hindi naman talaga siya interesado rito noong una.  Nacurious lang siya sa username nitong cursed_chatmate.  At nang makita niya ang larawang ipinadala nito kay Gretchen, bagama’t pinagtatakhan niya kung bakit buhok lamang ang kita sa larawang iyon, sinubukan na niyang makipagmeet dito.

Mula sa nakita niyang buhok ng chat mate niya sa larawan, she is guessing that this cursed_chatmate is really their handsome and intelligent classmate Gilles Simon, na mas kilala ng lahat sa nickname nitong Lou.  Hindi niya maiwasang mag-imagine na nagtatapat na ito ng pag-ibig sa kanya.  She quickly stopped imagining nang maalala niya kung paano siya sinupladuhan ni Lou nang itanong niya kung ito ba ang ka-chat ni Gretchen.  But maybe he is just keeping his real identity a secret because he is protecting his reputation.

Maruja could feel the sincerity in cursed_chatmate’s messages.  Ngayon nga ay sobrang excited na siyang makita kung ano ang itsura nito.  Kung si Lou man ito o hindi, isang bagay lang ang nasisiguro ni Maruja.  She is in love with this mystery guy!

Tumingin muna siya sa salamin bago tuluyang naggayak palabas ng bahay.  Pero bago pa siya makalabas, biglang tumunog ang message alert tone ng cellphone niya.

(pls dnt go out of ur house.its vry dangerous.)

Binura lang niya ang message at inisip niyang may nagtitrip lang sa kanya.  Ngunit biglang nag-ring muli ang cellphone niya.  May tumatawag sa kanya na isang unregistered number!  Hindi niya sinagot ang tawag dahil nagmamadali siyang makarating sa internet café para makita na niya ang misteryosong ka-chat niya.  Iniwan niya nag cellphone niya para walang makaistorbo sa pagchachat nila.

---

~ Lou’s journal ~

“So you’re telling us that you think may kinalaman ang e-mail na sinend ng mom mo sa pagpatay sa kanya?” tanong ko kay Nastja.  Kasama niya si Fille nang puntahan niya ako sa paborito kong tambayan sa school.  Naglalaro ako ng online game nang dumating sila.

“Yes.  Otherwise, I guess it wouldn’t just get in my head all of a sudden,” Nastja answered.

“May ka-chat ang mom mo?” nagulumihanang tanong ko.

“Siguro,” she answered, hesitantly.

“Nasa ibang bansa raw ang Dad niya,” saad ni Fille.

*And I think her mom had another guy, she continued in my mind.

“It’s hard to believe, pero… pero sa tingin ko may ibang lalaki ang mom ko.  And he killed her…” pagkukwento ni Nastja.

“Sabi mo nag-send siya ng picture diba?” tanong ni Fille kay Nastja.  “At hinihintay niyang magsend rin ng picture ang ka-chat niya.  So it’s possible that this guy was just a chatmate and they never met.  How could he kill her then?”

Naisip kong may point si Fille do’n.  Paano nga namang mapapatay ang mom ni Nastja ng lalaking hindi pa nito namimeet?  Then, it dawned on me.

“Maybe this guy really knew your mom.  Pero duwag siya, kaya nagtatago siya sa isang chat name,” I told them.  “The only thing that we should find out is why and how did he kill your mom.”

Nastja started sobbing.  It started softly, then it grew louder and louder.

“Why did you make her cry, retards?” nagulat kaming lahat nang may biglang magsalita.  Si Mondael ‘yon, na hindi ko man lang namalayang nasa likuran na pala namin.  What?  Did he just call us retards? 

His next gesture caught us by surprise.  Ipinampunas niya sa luha ni Nastja ang T-shirt niya.  Then he stared at Fille.  Fiercely.

“Don’t stare at her like that!” iritableng sigaw ko.  I knew I sounded like I was picking a fight, but I didn’t care.

“Yes.  You indeed sound like you want a fight. Hindi kita uurungan!” sigaw ni Mondael sa akin. What the…?  He’s really a mind-hearer!

#I think he could hear me, sabi ko kay Fille sa isip.

“Stop it, best.  They’re just trying to help me,” pag-awat ni Nastja sa naghahamong si Mondael.

*He is so mean.  Fille talked back in my mind.

“Don’t ask for help from these intruders, Nastja.  I’m willing to help you,” sabi ni Mondael.

“Hindi mo naiintindihan, Dayel.  Please.  Just leave,” Nastja said.

Mondael stared at me.  He gave me a very piercing look.  “Just take care of this plain-looking woman at wag ka ng makialam sa ibang bagay!  Let’s go, Nastja,” sabi ni Mondael.  He walked away.  Pero hindi sumunod si Nastja sa kanya.  Pagtingin ko ulit kay Fille, may namumuong luha na sa mga mata niya.  Tatawanan ko pa sana siya nang bigla siyang mag-walk out.

“Go ahead, Lou.  Sundan mo siya,” biglang sabi ni Nastja sa akin. “I know you’re concerned.  It’s written on your forehead.”

“Yeah, concerned ako.  But not with her.  What has just happened?  Kaanu-ano mo ba ang maangas na Mondael na ‘yon?” tanong ko sa kanya.

“I told you before diba?  He’s my best friend.  Sorry sa inasal niya.  Hindi naman siya dating gano’n,” paliwanag ni Nastja.

“Bestfriend mo?  Siya ‘yong… leaper?” I asked her, surprised.

“Leaper?” Nastja seemed confused.  “Oo, natalon niya noon ang bintana ng kwarto ko na nasa second floor, pero… hindi pa namin napapag-usapan ang tungkol do’n.”

A leaper and a mind hearer?  That’s incredible!  He could help us in a lot of cases.  Pwede siyang maging member ng CMG.  On the other hand… No way!  Ayoko sa Mondael na ‘yon.  Wala ng mas aangas pa sa kanya!

---

CRIMES AND MYSTERIES 3: AKO SAPATOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon