I. DOPPELGANGER (Lou's journal)

1.2K 22 1
                                    

I. DOPPELGANGER

~Lou’s journal~

Ginising ko ang nananaginip na si Fille.  Ewan ko dun kung anong kababalaghan na ang napapanaginipan kaya sigaw ng sigaw.  Niyugyog ko na siya para magising kasi wala akong balak magpa-late sa school.

“Hoy, Cainglet, anong milagro na naman ang napapanaginipan mo?  Gising na!”

Pero hindi pa rin siya nagigising.  Kaya sumubok ako ng ibang tactic.  I talked through her head.  Sa hindi maipaliwanag na dahilan, may kakayahan kami ni Fille na gawin iyon.  Useful sa akin ang ability na iyon.  Ginagamit ko kasi iyon sa dalawang uri ng sitwasyon.  Una, sa mga emergency.  Kapag kailangan naming mag-usap ng kami lang ang dapat makarinig.  Pangalawa, kapag inaasar ko siya ng mga malulupit kong pang-asar.  This time, mukhang kailangan kong gamitin ang tactic na iyon para lang magising siya.

#Hindi ka na nga kagandahan, kulang ka pang paligo.  Gumising ka na, tanghali na, bakekang…

Umungol siyang muli at saka pa lamang dumilat.

“Ano ba, Lou, ang aga-aga naninira ka ng araw!” nakasimangot niyang sabi.  Natawa tuloy ako sa itsura niya.  Kamukha kasi niya si Sadako.

“Baka naman gusto mo ng bumangon diyan.  Male-late na tayo!” sabi ko sa kanya.  Pinandilatan pa niya ako.  Lalo tuloy niyang naging kamukha si Sadako.  “Nananaginip ka ba Cainglet?”

“Ah.  H-hindi.  Napagod lang siguro ako.  Ang dami kasi nating ginawa kagabi sa school eh,” sagot ni Fille.  Lumabas na ako para bigyan siya ng time na maligo at mag-ayos, kung talagang may iaayos pa siya.  Pag tinitingnan ko kasi ang mukha niya, parang sagad na, parang wala ng igaganda pa.

Isang taon na rin kaming magkasama ni Fille sa iisang bahay.  Wala akong choice kasi wala na rin naman siyang ibang matutuluyan.  Danger-prone kasi si Fille.  Siya iyong tipo na kahit saan yata magpunta sinusundan ng panganib.  Kaya palagi kong iniingatang huwag malingat sa kanya dahil baka mapakurap lang ako, madisgrasya na siya.  Living with her is like living in heaven and hell at the same time.  Masaya ako kapag inaalaska ko siya, pero bad trip naman ako palagi kapag dumadalaw sa flat namin si Anjo Caram, ang pinakamasugid niyang manliligaw na kagrupo din namin sa CMG.  Siya iyong kayang tumunaw ng kahit anong bagay and he could also melt into droplets of water.  Pero bukod don, wala na akong ibang makitang dahilan kung bakit wiling-wili at mukhang masayang-masaya si Fille kapag magkausap sila.  Joker siya pero corny ang mga jokes niya madalas, at kapag nakikitawa ako ay hindi totoong tawa.  Binabanggit ko lang ang mga salitang “hahaha” o “hehehe” para lang maisip niyang natatawa rin ako.

Paglabas ni Fille pagkatapos makaligo at makapagbihis, mukhang maganda ang mood niya at nakangiti pa siya sa kawalan.

“Hoy, tara na.  Para kang high diyan,” sabi ko sa kanya.

“Ha?” parang natauhang sabi niya.  “Ah, yes, let’s go…”

Pasakay na sana kami sa antique kong kotse nang biglang mag-ring ang cellphone niya na may ringtone na ‘Nobody.’

“O, bakit?  Eto, paalis pa lang… Ah okay, sige.  Yeah, it’s okay.  Sige, ingat ka.  Bye!  Same here,” sunud-sunod na sabi niya sa kausap niya sa phone.

“Sino ‘yon?” nagtatakang tanong ko.

“Um… wala.  Ah, Lou, sige na, mauna ka na sa school.  May pupuntahan pa ako,” nakangiting sabi niya.  I love her sweet smile pero parang may iba sa mga ngiti niya.

“Saan ka pupunta?” tanong kong nagsususpetsa.

“Wala lang.  Bakit mo tinatanong?  Sasama ka?  Sige ka, lalo kang male-late,” sabi niyang nakangiti pa rin.

#Ako sasama sayo? Kadiri to the thousand power, sabi ko sa kanya sa isip.

“Umalis ka na nga, Lou.  Late ka na,” pagtataboy niya sa akin.    

Kahit nasa classroom na ako, iniisip ko pa rin kung bakit mukhang ang ganda ng gising ni Fille samantalang ungol pa siya ng ungol kaninang umaga na parang nananaginip.  I sat at my favorite seat at the back.  Sa unahan ko ay naririnig ko pa ang daldalan ng classmates kong sina JR, Jhake, at Kei habang nagdi-discuss si Ma’am Peekes.  Kunsabagay, buong klase naman hindi nakikinig sa kanya kaya hindi na niya napapansin na mas malakas pa ang boses ni Kei kaysa sa kanya.

“Mas maganda ‘yung Kia.  Kahit mumurahin lang iyon, astig iyon mga ka-jerjer,” narinig kong sabi ni Kei.  Ka-jerjer na kasi ang uso sa school namin, hindi na ‘tol o kaya dude.  

“Kia?  Bulok na bulok na iyong model na ‘yon,” sabi ni JR.  “Kung ako, Kia lang ang kotse ko, magco-commute na lang ako kaysa magkotse.”

Usapang kotse pala sila.  Ang sarap batukan.  Parang pinaparinggan iyong antique kong kotse.

“Class, by the way, bayad na ba kayo para sa mga uniform niyo sa sportsfest?” tanong ni Ms. Peekes.  Noon pa lang siya pinakinggan ng klase.  “Isang buwan na lang sportsfest niyo na.”

“Patataubin namin ang mahihina sa basketball, Ma’am,” sigaw ni JR.

Sigawan ang iba naming kaklase ng “Yeah, men!” at ang iba naman “Boo” ang sinisigaw.  Si JR ang mayabang na kakambal ni Jessy.  Kung hindi lang siya kakambal ni Jessy, matagal ko ng pinadugo ang ilong niya.  Kanya-kanyang kuwentuhan na ang buong klase tungkol sa magaganap na sportsfest.  Parang wala kaming teacher dahil kanya-kanya na ng topic ang lahat.  Hindi ako masyadong excited sa basketball sa sportsfest, and I don’t really get it why most of the guys my age love playing it.  Mas gusto ko ang individual sports, like tennis and chess.  Isa pa ay wala ako sa mood dahil absent si Fille at hindi ko man lang alam kung ano ang tunay na dahilan.  I was determined to find out kaya pagtunog ng bell, agad akong lumabas ng classroom.  Naglalakad ako sa corridor, iniisip kung bakit absent si Fille nang makabangga ko ang isang babaeng nakasalamin.  Nahulog ang lahat ng mga bitbit niyang gamit.  Hindi ko siya tinulungan at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.  Nakita pala nina JR, Jhake at Kei ang nangyari.  Agad na lumapit sa akin si Kei.

“Nasaan si Fille?” tanong niya.  I shrugged my shoulders.

“Ka-jerjer, bakit naman hindi mo pinulot ang gamit ni Ms. Tapia?” nang-aasar na sabi ni JR.

Tumawa si Jhake sa pagtawag ni JR ng Ms. Tapia sa babaeng nakasalamin na nakabangga ko.    “Ang sama mo naman, ka-jerjer,” sabi niya.  “Maganda naman iyon, maglugay lang at saka magtanggal ng salamin.  At saka, hindi Ms. Tapia ang pangalan no’n.  Gretchen, ka-jerjer.”

“So you’re checking her out?” tanong ko kay Jhake.  Nag-dirty finger siya sa akin.  And I returned the favor.  Too bad dahil ako ang nahuli ni Ma’am.  Bago pa man nagsalita si Ma’am, sa masungit niyang anyo, alam ko na agad ang sasabihin niya, isang tumataginting na “Detentioooooooooon!”  Bago pa ako sumunod kay Ma’am, binulungan ako ni JR.  “I think Gretchen is staring at you like she is about to eat you alive…”

CRIMES AND MYSTERIES 3: AKO SAPATOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon