Fille was busy joking around with Kei and Jhake nang makita niyang papalapit na sa kanya si Anjo na kani-kanina lang ay nagpaalam na magsi-CR. Hindi niya inaasahan ang gagawin nito nang makalapit na sa kanya. Agad siya nitong niyakap.
“I miss you. I miss you. I miss you,” sunud-sunod na bulong nito sa tenga niya.
“Nagpunta ka lang ng restroom, namiss mo na agad ako?” natatawang tanong ni Fille.
“I love you, Fille. I love you so much,” muling sabi nito. Fille blushed.
“My God, Anjo, what is wrong with you? Sumobra yata ang tamis mo ngayon ah,” sabi ni Fille. Hinawakan nito ang mga kamay niya.
“Is everything okay with you? May masakit ba sa ‘yo?” tanong nitong muli. He kissed her finger, then her forehead. Naputol lang ang moment nila nang biglang mag-ring ang cellphone nito. Fille heard a sound of a clicking camera, pero wala siyang idea kung saan nanggaling ‘yon. She must’ve imagined the sound.
“I have to go. I love you. Forever.” Kumindat pa ito sa kanya at nag-V sign. Fille was too shocked by the gesture. Si Erno ang madalas na magpakita ng V-sign sa kanya noon na ayon mismo kay Erno ang ibig sabihin daw ay “cute ako.”
Bakit kailangan pang ipaalala ni Anjo ang gesture na ‘yon? Pagkatapos niyang mag-effort na kalimutan na ng tuluyan si Erno ay ganun ganun na lang na ipapaalala ito ni Anjo. Pinigilan niyang umiyak kahit sa pagkakataong ‘yon ay gustung-gusto na niyang ilabas ang tunay niyang nararamdaman sa pagkawala ni Erno.
He never wanted me to feel like this. He died trying to protect me. To protect us. Erno. My personal superhero. Fille thought.
“Hey, Fille. Let’s proceed to the plan. Lasing na si Jeremy,” bulong ni Jessy sa kanya. Most of JR’s friends call him JR, but Jessy preferred his real name, Jeremy. Fille was still lost in thought to say a word.
“Fille… Fille…” niyugyog na ni Jessy ang kaibigan.
“Ba… bakit?” saka pa lamang natauhan si Fille. “Ano’ng sabi mo?”
“I said Robin and Kei got the e-mail address. I have it. Let’s hack the account now,” paliwanag ni Jessy.
Naroroon na rin ang iba pang miyembro ng CMG.
“Nasaan si Nastja?” tanong ni Robin.
“At saka si Lou?” tanong ni Fille, nang mapansing wala rin sa umpukan si Lou.
“Ewan sa dalawang ‘yon. Pero ayun ang lap top ni Nastja oh. Nasa mesa,” sabi ni Kei.
“Where could they be? We should really proceed with the plan as soon as possible. Baka makatulog na sa kalasingan si Jeremy,” sabi ni Jessy.
Binuksan na agad ni Robin ang naiwang laptop. He typed the e-mail address. Jessy quickly approached JR. “Kambal, halika…”
“What?” a tipsy JR asked groggily.
“I – dare you to – to open a private account,” Jessy stammered.
“Sure thing. What’s this private account?”
Dinala ito ni Jessy sa kinaroroonan ng mga kasama. Bukod kina Lou at Nastja na missing in action, nakatulog na rin sa isang mesa ang lasing na si Jhake. Wala na itong kaalam-alam sa mga nangyayari. Everything they were investigating about the suicide cases depended on JR’s hacking ability. Nobody seemed to be breathing when JR sat in front of the lap top.
“It’s hacking time!” JR grinned. But the moment that he touched the laptop, may kung anong pangyayari ang biglang nagflash sa isip niya. “Damn!” napamurang sigaw ni JR, taking his hand off the laptop.
“Bakit, ka-jerjer?” tanong ni Kei.
“Wala,” agad na sagot ni JR. Muli sanang susubok si JR na magtype ng password. But as soon as he touched the key, something, a scene, flashed in his mind again.
The scene happened so fast in his head, but he could vividly picture it. May isang babaeng nagpapadala ng larawan thru an e-mail. Pagkatapos ay nakatanggap rin ito ng e-mail message na meron ring attached picture. Nang buksan ng babae ang attached picture, she was clearly amazed looking at the picture of a guy, a very handsome guy. She kept staring at the picture. Then something unexpected happened. Hindi na maalis ng babae ang mga mata niya sa pagkakatitig sa larawan. Kahit ano’ng gawin niya, hindi na maalis ang pagkakatitig niya rito. What was happening? Kahit ang kumurap ay hindi na niya magawa. Unti-unti ay parang may humihila na sa mga mata niya. Ah, waaaag, sigaw ng babae. Ngunit tuluy-tuloy pa rin ang tila paghila sa mga mata niya nang hindi matiyak na pwersa. Her eyes were slowly being removed from its socket. Waaag! patuloy na sigaw ng babae. Bahagya ng nakaluwa ang mga mata nito nang makaisip ito ng paraan para matigil na ang paghihirap niya. Kinuha niya ang lubid mula sa drawer. Pumunit rin siya ng kapirasong papel mula sa files sa desk niya. Isinulat niya ang mga salitang “I can’t handle this anymore.” Pagkatapos ay nagbigti siya…
“Aaaahhh!” napasigaw si JR pagkatapos ng eksenang nasaksihan. Nagpatay-bukas ang laptop na gagamitin sana nila sa paghahack ng account.
“Anong nangyari?” tanong ni Fille.
“Masakit… masakit ang ulo ko. Mabuti pa magsayaw na lang tayo,” sagot ni JR.
“I think the dead girl doesn’t want us here anymore. It’s time we find another place to – hack,” Jessy said nervously, glancing at the on again, off again power of the laptop.
“To hack? I thought we came here to celebrate our win?” JR demanded.
“Yeah, bar-hopping,” pagsang-ayon ni Robin.
They went to a bar without Lou, Nastja and Jhake. They decided the hacking thing could wait. Inihatid na nila si Jhake sa bahay nito samantalang sina Lou at Nastja naman ay hindi talaga sumasagot sa anumang tawag o text nila. Fille and Anjo agreed that maybe the two were “busy with their own thing” kaya hindi na ito hinanap pa ng iba pa.
Sa bar ay nagpartneran na sa dance floor ang magkakasintahan. Fille and Anjo danced, pati na din sina Robin at Jessy. Sina Kei at JR din ay nakigulo sa dance floor kahit wala silang mga kapartner.
“I thought your friend will come and celebrate with us, Jess? Nasaan na? I would understand kung hindi siya nakapunta kanina sa bahay ni Maruja, but what about now?” reklamo ni JR.
“Yeah. Papunta na raw siya,” Jessy answered.
Napalingon ang lahat ng mga nagsisipagsayaw nang pumasok ang dalawang babae.
“That’s Michaela, my friend. And the other girl is… well, I don’t know her,” sabi ni Jessy.
Lumapit ang hindi pamilyar na babae kay Robin ngunit hindi ito nagsalita. Simple lamang ang ganda ng babaeng ito at kung tutuusin ay marami pang mas maganda rito sa loob ng bar na iyon ngunit kataka-takang ang lahat ng lalaki ay pawang nakatingin dito.
Everyone was shocked when Robin suddenly kissed the girl. Kitang-kita iyon ni Jessy. Tila ayaw pang magpaawat ni Robin nang walang sabi-sabing hinila na siya ni Jessy at sinampal ng ubod lakas. Then she walked out of the bar. All her friends followed her out.
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES 3: AKO SAPATOS
ParanormalIsang taon matapos makaligtas ang ilang estudyante sa tiyak na kamatayan, isa na namang panibagong kaso ang maglalagay sa buhay nila sa alanganin. Ano nga ba ang kinalaman ng pakikipagchat sa internet sa mga kasong dapat nilang lutasin? May magpap...