III. THE EMOTION READER (PART 1)

781 20 0
                                    

III. THE EMOTION READER

--Nastja’s diary--

Hindi ko man lang namalayan na halos isang buwan na ang lumipas mula nang magpakamatay ang mom ko.  Isang buwan na, pero wala pa ring nangyayari sa imbestigasyon.  Kahit kailan ay hindi ako maniniwala na magagawa niyang magpakamatay.

“Lechon paksiw, kumain ka na,” sabi ni Mondael sa akin.  “Pag palagi kang walang gana sa pagkain, magiging tingting ka na niyan.”

Si Mondael na lang ang stable pa rin sa buhay ko, dahil mula nang mamatay ang mom ko, kinuha ako ng masungit kong tita at pinatira sa kanila.  Walang araw na hindi siya galit sa akin.  Minsan nga ay iniisip ko kung bakit pa niya ako kinupkop kung parang masama naman sa loob niya.  Hindi din dapat ako sasama sa kanya, pero nang mangako si Mondael sa akin na araw-araw pa rin niya akong dadalawin sa bago kong titirhan, ay pumayag na ako.  And so far, he has kept his promise.  Nang makita kong basa ng pawis ang T-shirt niya, pinunasan ko agad ang luha ko.  Palagi niya kasing ipinupunas ang T-shirt niya sa mukha ko kapag nakikita niya akong umiiyak.  Ayoko naman na maipunas niya sa mukha ko ang T-shirt niyang puno ng pawis.

“Dayel, saan ka nga pala galing?” tanong ko.  “Bakit grabe ang pawis mo?”

“May pinuntahan lang ako sa dati naming bahay.  Naglakad lang ako eh.”

“Naglakad?  Ang layo kaya non.  Bakit hindi ka na lang sumakay?” nagtatakang tanong ko.

Iniabot niya sa akin ang isang bar ng chocolate.  “Ibinili kasi kita nito, kasi napansin kong pumapayat ka na.”  Kahit malungkot ako non ay hindi ko napigilang matawa sa sinabi niya.

“Sorry, Dayel, pero wala talaga akong ganang kumain,” sabi ko.

“Okay.  Ako nga rin eh.  Hindi na rin ako kakain hangga’t hindi ka kumakain,” sabi niya.

“Huwag ka namang ganyan, best,” sabi ko sa kanya.

“Deal na ‘yon,” pagtatapos niya sa usapan.  I had no choice but to open the chocolate.  Kinagatan ko iyon.  “O ayan na, kumain ka na rin.”

Biglang pumasok sa kwarto ang tita ko.

“Hoy Anastasija!  Ano pa’ng ginagawa mo diyan?  Dayel, bakit nandito ka pa?   Hindi ka ba hinahanap sa inyo?” galit na bulyaw nito sa amin.  My aunt and I were both shocked when Mondael jumped out of my room’s window.  My room is in the second floor.  Nang lingunin namin siya sa bintana, he was smiling at me.  Naka-V sign pa siya.

“Ano ba ‘yang kaibigan mo, Nastja?  Akyat-bahay ba ‘yan?  Ni hindi man lang nasaktan eh second floor ang tinalunan niya.  Aatakihin ako sa puso sa batang iyon.”

Bagama’t nagtaka ako at humanga sa ginawa ni Mondael ay hindi na ako nagsalita.

“Maghanda ka na.  Naayos ko na lahat ng mga papers mo.  Naihanap na kita ng school.  Pwede ka ng pumasok ngayon,” sabi ng tita ko.

Wala akong kagana-gana nang samahan ako ng tita ko sa bago kong school.  I told Mondael about my new school by texting him.  It’s so sad not to have him as a schoolmate.  Nang pumasok ako sa classroom, I saw familiar faces in the room.  Sila ang mga miyembro ng CMG group na nagtangkang tumulong sa akin noon.  Nawalan nga lang ako ng gana na makipag-ugnayan pa sa kanila.  At ngayon, mukhang wala na akong choice dahil mga kaklase ko na sila.  Si Lou agad ang nagpatabi sa akin sa upuan.

“Kamusta ka na?  Bakit hindi ka na nagparamdam sa amin?  I tried contacting you,” bulong niya sa akin pagkaupo ko.

Hindi ako nagsalita.  It was very painful to remember my mom.

“Ano na ang nangyari sa kaso ng nanay mo?” tanong niya. Muli ay hindi ako sumagot.  Pakiramdam ko ay barado ang lalamunan ko.

Nang lingunin kong muli si Lou, I almost screamed when I saw something written on his forehead.  It says. “WORRIED”.

“What?” he asked.  “I know this is very hard for you pero kailangan mong sagutin ang mga tanong ko para matulungan ka namin.”

“There’s something written on your… your…” I passed out without finishing what I have to say.

---

“Kinausap mo lang hinimatay na, ka-jerjer?” tanong ni Kei kay Lou.  “Grabe naman.  Nag-toothbrush ka ba?”  Tinitigan ito ng masama ni Lou.

“Kamamatay lang ng mom niya,” konklusyon ni Jessy.  “Maybe she hasn’t recovered yet.”

“Teka, lumabas nga muna yung iba.  Hinimatay yung babae, kailangan niya ng hangin,” utos ni Lou.  Pinapaypayan nina Anjo at Fille ang walang malay na si Nastja.

“Sige, mga ka-jerjer ha, alis muna ako,” maya-maya pa ay pagpapaalam ni Anjo.  “May laro kami ngayon sa sportsfest eh.  First game kami.”

“Good luck, Anjo,” Fille said, blushing.  Tumingin ng masama sa kanila si Lou pero hindi nila iyon napansin.  Hanggang sa bigla na lang silang nakarinig ng isang tili.  It was Nastja.

“Don’t worry, Nastja.  Calm down,” pagpapakalma ni Jessy.  “No one’s gonna hurt you.”  Nakatingin si Nastja kay Lou pero sa itsura niya ay para siyang nakakita ng multo.

“Jealous.  It says jealous,” sabi ni Nastja habang itinuturo si Lou.

“What?” sabay-sabay na tanong ng lahat.  Binigyan siya ng isang basong tubig ni Jessy.  “Jealous.  It’s written all over his face,” pagpapatuloy ni Nastja matapos itong makainom ng tubig.  Itinuturo niya si Lou.  Natawa si Kei.  “Mukha ka raw nagseselos, ka-jerjer,” sabi niya kay Lou.  Nagtawanan ang lahat.

“Akina nga yang tubig,” utos ni Lou.  Nang iabot iyon sa kanya ni Kei ay walang sabi-sabing ibinuhos niya iyon kay Kei.

---

CRIMES AND MYSTERIES 3: AKO SAPATOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon