IV. THE NEW STUDENT
--Nastja’s diary--
I was really happy when Mondael texted me that he’s gonna study in my new school. But I was really shocked with what he remarked upon seeing Fille, who was one of the CMG members. Alam kong gwapo si Mondael, expressive ang mga mata niya. He has nice lips. He’s the boy-next-door type. Pero never niyang ipinaramdam sa akin na plain-looking ako kahit alam ko sa sarili ko na mas plain pa ako sa plain rice. He has always been so nice to me kaya never akong nanliit kahit madalas kong kasama ang isa sa mga pinakagwapong lalaking nakilala ko. Pero nang asarin niya si Fille, I felt weird. Anyway, pagkagaling niya sa dugout, nagmamadali siyang umalis at hindi ko na siya nahabol sa sobrang bilis niyang maglakad.
“Nastja, bakit nandito ka?” tanong ni Anjo na lumabas din galing sa dugout. “Kaibigan mo ba yung mayabang na iyon?”
It felt so weird to hear someone describing Mondael as mayabang. He has always been so nice to me.
“Um, Anjo, pasensiya ka na sa kanya ha. Siguro… siguro part lang iyon ng… pagtatrashtalk niya sa team niyo. Alam mo na, diba…”
“Warn him not to make fun of my girlfriend again, okay?” Anjo said. I read on his face the words, “REALLY MAD”. So I hurriedly went out of his way. Tinext ko si Mondael kung nasaan na siya. Pero hindi siya nagreply…
~ Lou’s journal ~
Sa buong sportsfest week, I was busy on two matters. Una, kay Nastja, dahil hanggang ngayon ay wala pa ring linaw sa suicide case ng nanay niya. Pangalawa, sa bagong estudyanteng si Mondael. I don’t know why, but I really find him mysterious. Not just because he’s good in basketball. I think there’s something more.
“Ka-jerjer…” bati sa akin ni Kei nang makasalubong niya ako sa school corridor. Hinarangan niya ang daraanan ko. “Sali ka muna sa pustahan. Pagkakaperahan ‘to.”
Tsk! Kamukha na talaga ni Rizal si Kei. Mukha na siyang pera. “Saan ba ‘yan?” tanong ko.
“Sa basketball, ka-jerjer. Pumusta ka kung sino ang magchachampion sa sportsfest. Team namin o team nina JR,” paliwanag ni Kei.
“Sa inyo ako pupusta,” sabi ko.
“Ayos! Magkano ang pusta mo? Gawin mo ng isandaan, ka-jerjer…” pagkumbinsi niya.
“Oo na. Basta galingan niyo. Kapag natalo kayo, sisingilin kita ng isandaan,” nayaaymot na banta ko sa kanya.
“Oo ba,” sabi ni Kei. I quickly turned away, pero narinig ko pa rin ang reklamo niya.
“Teka, ka-jerjer, bakit ako magbabayad ng isandaan? Lugi ako dun ah. Hoy teka…” Hindi ko na siya muling nilingon.
Then, unexpectedly, I saw Nastja talking to Mondael. Magkakilala sila? Nagtago ako mula sa di-kalayuan at mataman kong pinakinggan ang pag-uusap nila…
“Best, what’s wrong? Bakit palagi mong iniinsulto si Fille? She’s my friend, too. You should respect her,” si Nastja ‘yon.
Great! So hindi na lang pala ako ang palaging nang-iinsulto kay Fille ngayon? This Mondael guy is really something.
“Magsalita ka naman diyan, Dayel…”
“May nakikinig sa pag-uusap natin ngayon,” kaswal na sabi ni Mondael.
Damn! Nakikita ba niya ako mula sa pinagtataguan ko? That’s impossible!
“And he thinks it’s impossible that I know he’s eavesdropping on us,” pagpapatuloy ni Mondael. Lumingon si Nastja. Nagtago akong mabuti. Then, I decided to leave. It was hard to believe that Mondael is another mind-hearer like Fille and me.
--Nastja’s diary—
I stared at Mondael in confusion. Ano ang sinasabi niyang may nakikinig sa usapan namin? There is no one here but us.
“Nobody is eavesdropping, best,” I told him. Mondael stopped smirking. “You’re weird,” I commented.
“Okay. Tapos ka ng magsalita?” he suddenly spoke. “Don’t ruin my mood. I’m happy.”
I really find him weird. He’s acting really strange ever since he came to my new school. Thoughts of my mom suddenly flashed back in my mind. She was sending an e-mail to somebody. There was an attachment to the e-mail. Her picture. I could practically read what she was typing.
I AM SENDING YOU MY PICTURE. PLEASE SEND ME YOURS TOO. I AM WAITING…
The image in my mind suddenly disappeared. Saka ko lang napansin na pinupunasan na pala ni Mondael ang mukha ko ng T-shirt niya.
“You’re sweating hard. What’s wrong?” tanong ni Mondael sa akin.
“Wala. I just… need to see my friend Lou as soon as possible,” I said. “Bye, Dayel. See you around.”
I walked quickly. Kailangan kong makausap si Lou. Baka clue na ang nakita kong ‘yon sa nangyari sa mom ko. She sent an e-mail to somebody, before she committed suicide. It still didn’t make sense.
Habang naglalakad ako, nakasalubong ko ang mga kabarkada ni Lou, ngunit hindi nila siya kasama. It was just Jhake, JR, and Kei.
“Musta, Nastja?” bati ni JR sa akin. “Pusta ka. Team Astig versus Team Bopols. Team naming ang astig, bopols naman ang sa dalawang ‘to…”
“Wag kang maniwala diyan. Magaling ang team namin. Teammate namin ‘yung bagong player na si Mondael Kavacis,” pagkontra naman ni Kei sa sinabi ni JR.
“Best friend ko si Mondael,” saad ko.
“Talaga? Bestfriend mo ‘yun?” tila nahihimalaang tanong ni Jhake. Tumango ako.
“Nakita niyo ba si Lou?” tanong ko.
“Nandiyan lang ‘yun, sa tabi tabi,” sagot ni Kei.
“Pasensya na ha,” marahang sabi ko kay JR. “Hindi ko machecheer ang team niyo.”
Kahit nang makalayo na sila, hindi pa rin mawala sa isip ko ang nakita ko sa isip ko, that my mom sent an e-mail to somebody. I really need to talk to Lou. Sina Fille at Anjo ang sumunod kong nakasalubong. They were talking intimately. But they both stopped talking when they saw me.
“Hi Nastja,” Fille greeted me, smiling.
“Si Lou?” tanong ko sa kanya.
“I don’t know. Bakit? Is it something important?”
“Oo,” sagot ko.
“Um, Anjo, wait lang ah. Sasamahan ko lang ‘tong si Nastja kay Lou…” Fille told Anjo.
“Tungkol ba ‘yan sa kaso ng mom mo?” tanong ni Anjo sa akin.
“Yeah,” I answered.
“Okay. Tell me what you talked about later,” he said. Then, Fille and I started searching for Lou.
---
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES 3: AKO SAPATOS
ParanormalIsang taon matapos makaligtas ang ilang estudyante sa tiyak na kamatayan, isa na namang panibagong kaso ang maglalagay sa buhay nila sa alanganin. Ano nga ba ang kinalaman ng pakikipagchat sa internet sa mga kasong dapat nilang lutasin? May magpap...