XVII. FROZEN
Narating nina JR at Kei ang bahay nina JR kung saan naroroon sina Jessy at Robin. Kapansin-pansin agad na yupi ang main door.
“Jessy?” tawag ni JR. Sumusunod lang ang kinakabahang si Kei. The place was so dark. Kinapa ni JR ang switch pero hindi bumukas ang ilaw.
“Aray!” napasigaw si Kei nang may maapakan. Inilawan ni JR ng cellphone ang natapakan ni Kei. Bubog mula sa nabasag na chandelier. Tumagos ang bubog sa suot na tsinelas ni Kei kaya nasugatan ang paa niya.
“Okay ka pa, ka-jerjer?” tanong ni JR. “Kung gusto mo, maupo ka na lang muna diyan sa sofa. Ako na lang ang aakyat.”
“Wag!” agad na protesta ni Kei. “Wag mo naman akong iwanan, ka-jerjer. Natatakot ako.”
“Tara, icheck natin sa taas,” mungkahi ni JR. Iika-ikang sumunod si Kei sa kanya. Pero sa may hagdan pa lang, nakarinig sila ng tila humihikbing babae. Kapwa sila natigilan sa pag-akyat. Napa-sign of the cross pa si Kei.
“Ano ‘yon?” kinakabahang tanong ni JR.
“Ewan. Ka-jerjer, saluhin mo ako pag hinimatay ako ah. Natatakot na ako sa totoo lang,” sabi ni Kei.
“Baka si Jessy,” sabi ni JR. “Tara, ka-jerjer.” Sinenyasan niya si Kei na bilisan ang pag-akyat. “Jessy?”
“Robin?” tawag naman ni Kei.
But nobody answered. Narating rin nila sa wakas ang silid ni Jessy. Doon nagmumula ang kanina pa nila naririnig na paghikbi ng isang babae.
When JR tried opening the door, it was locked. Pero palakas ng palakas ang paghikbi.
“Alis na tayo…” takut na takot na sabi ni Kei. Hinihila na niya ang T-shirt ni JR. Sinipa ni JR ng malakas ang pinto. Isang lamp shade ang muntik ng tumama sa kanya nang may maghagis nito mula sa loob ng silid. Madilim rin ang silid nang mabuksan nila ito.
“Jessy?” tawag muli ni JR.
“Oh it’s just you,” mahina ang boses na sabi ni Jessy. Inilawan ni JR ang mukha ng nagsalita. Nakita niyang putlang-putla na ito. Punit pa ng bahagya ang suot nitong blouse. “C’mon, Jess. Hospital,” JR said firmly. Jessy shook her head and continued sobbing.
“Robin!” sabi ni Kei. Nakahundasay sa tabi ni Jessy ang sugatang si Robin. Wala itong malay.
“A… shadow attacked us,” Jessy said, still sobbing. “Robin is badly hurt.”
“C’mon. We’ll take you to the hospital,” sabi ni JR, habang akma ng bubuhatin si Jessy, but he changed his mind.
“I’ll carry Robin,” tila masama sa loob na dineklara ni JR nang maalalang may sugat nga pala sa paa si Kei. “Ikaw na kay Jessy.”
“I’m fine, Jeremy. I could walk. It’s just Rob I’m worried about.”
“Let’s go,” sabi ni JR.
Habang buhat ni JR si Robin at inaalalayan ni Kei si Jessy sa paglalakad, biglang sumara ang lahat ng pinto sa buong bahay. They couldn’t leave. Something else happened to the door. Naging bakal ito.
“Oh. We are going to die,” walang kabuhay-buhay na tinuran ni Jessy.
Something was happening with the walls too. An image was slowly forming.
“The cursed picture!” sigaw ni JR. “Close your eyes!” utos niya sa mga kasama. Jessy closed her eyes, but Kei didn’t. He kept staring at the picture. How could it be a cursed picture? That is – that looks like Erno’s hair! Hinintay niyang unti-unting mabuo ang imahe. Napatitig si Kei sa mga mata ng imahe. Kataka-takang biglang hindi na niya maalis ang pagkakatitig niya dito. And his eyes! He could feel an invisible force trying to pluck out his eyeballs. He couldn’t do anything but stare…
Hinubad ni JR ang T-shirt na suot. Pinunit-punit niya iyon. Inihagis niya ang kapiraso sa direksyong kinatatayuan ni Jessy. “Put a blindfold in your eyes. Sa bintana tayo dadaan.” Inihagis niya rin ang isa pang kapiraso sa kinatatayuan ni Kei, pero bumagsak lang ito sa sahig. Dahil napakadilim, hindi nila iyon napansin.
Habang naglalakad na si JR papunta sa may bintana, biglang nagsalita si Jessy.
“Jeremy!”
“I’m right here, Jess. Sa may bintana tayo dadaan.”
“Kei is… not moving. I don’t know what’s wrong with him.”
“Don’t open your eyes to check. Ilalabas ko muna si Robin, tapos babalikan ko kayo. Stay with him, alright?”
Tumango si Jessy, pero hindi iyon nakita ng nakapikit na si JR. Binasag ni JR ang bintana. Pagkatapos ay dumaan siya dito habang buhat ang walang malay na si Robin.
Nang makalabas na sila, ibinaba niya si Robin. Pinulsuhan niya ito. There is still a weak pulse.
Bumalik siya sa loob ng bahay.
“Jessy. It’s me. I’m back.”
“Kei,” ang tanging nasabi ng hinang-hinang si Jessy.
Nakapikit na nilakad ni JR ang kaninang kinatatayuan nina Jessy. Then he stumbled into what felt like a statue.
“Nandito kami,” boses iyon ni Jessy.
“Sa may estatwa?”
“Hindi yan estatwa. That’s Kei,” pagbibigay-alam ni Jessy.
“What happened to him? Is he… dead?”
“I don’t know.”
“Basag na ang bintana, Jess. You can get out through there. Dahan-dahan lang dahil nagkalat ang mga bubog.”
Narinig ni JR ang yabag ng mga paa ni Jessy papalayo.
Niyugyog niya ang animo estatwa na si Kei.
“What happened to you? C’mon, move. We’ll get out.”
But Kei didn’t move. It took JR a lot of effort just to push Kei a little. He was so heavy. Nagmistulang bato na ito.
After what felt like an eternity, nakalabas din si JR at ang tulak-tulak niyang si Kei. He felt so drained physically. But they were nowhere near a hospital. Alam niyang konting tiis na lang at matatapos na ang paghihirap nila. Ano na kaya ang nangyari kina Lou, Anjo, at Nastja? Nahanap na kaya nila si Fille? O baka huli na rin sila at patay na rin si Fille? Ayaw niyang isipin ‘yon. He always knew Fille is so strong. Hindi, hindi mamamatay si Fille! Pero paano kung nakipagchat rin siya sa cursed_chatmate na ‘yon?
“Jeremy. Kei is… frozen,” narinig niyang sabi ni Jessy.
Napatingin siya kay Kei. Tulalang-tulala ito at nakanganga pa.
“Call a taxi, Jess. Dalhin natin sila sa ospital.”
---
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES 3: AKO SAPATOS
ParanormalIsang taon matapos makaligtas ang ilang estudyante sa tiyak na kamatayan, isa na namang panibagong kaso ang maglalagay sa buhay nila sa alanganin. Ano nga ba ang kinalaman ng pakikipagchat sa internet sa mga kasong dapat nilang lutasin? May magpap...