VI. WOUNDS
Fille kept crying habang tumatakbo siya patungo sa kung saan. Napakasakit marinig ang mga pang-iinsulto ng Mondael na ‘yon sa kanya. How could he be so mean? Wala naman siyang ginagawang masama dito. She suddenly felt so lonely. Namimiss na niya si Erno. Agad niya itong inialis sa isip niya. She has Anjo in her life now at alam niyang hindi na babalik si Erno kahit kailan.
Maya-maya pa, bigla siyang nakaramdam na parang may nagmamasid sa kanya, sa bawat kilos niya. She shivered. Pinakiramdaman niya ang paligid. Wala namang tao! Nagulat siya nang biglang may inilipad na larawan sa paanan niya. Natakot siya nang makita niya kung sino ang nasa larawan. Si Gretchen! Dahan-dahang pinulot ni Fille ang larawan. Nasugatan ang daliri niya nang tumama ito sa gilid ng larawan.
“Ouch!” she cried in pain.
“Papercut lang ‘yan. Hindi ka kasi nag-iingat!” Fille was surprised when she saw who had spoken. Si Mondael iyon, na palaging nang-iinsulto sa kanya. “Akina nga…” Hinila ni Mondael ang kamay ni Fille. “May gamot ako para dito. Pero hindi mo pwedeng malaman kung ano. Pikit…” matigas ang tonong utos ni Mondael kay Fille. Sumunod naman si Fille. Pumikit siya.
“Wag kang sisilip. Kung hindi, hindi ‘to gagaling…” banta ni Mondael. Fille was tempted to peek, but she never had the chance. Kahit na nakapikit siya, tila naramdaman niyang hinalikan ni Mondael ang dumudugo niyang daliri. Dumilat agad si Fille. Iniaabot na ni Mondael sa kanya ang larawan ni Gretchen pagdilat niya. Fille shook her head. “Siya ‘yong… ‘yong kaklase naming nag…suicide,” nahintakutang sabi ni Fille.
“Nag-suicide?” tanong ni Mondael. Natawa siya. “Ayan, minumulto ka na. Siguro kasi pati ang pagpapakamatay niya, pinakikialaman mo pa… Just mind your own business. Stop being nosy!” Hindi maipaliwanag ni Fille ang sumunod na nangyari. Sa isang iglap ay bigla na lang nawala si Mondael sa paningin niya. Nakaramdam rin siya ng kakaibang sensasyon sa kanyang pisngi. Parang may dumamping malamig rito. Tiningnan niya ang nasugatan niyang daliri. The bleeding had stopped. There was no wound in her finger at all! Pinunasan niya ang luha niya. She couldn’t believe what had just happened, because it was impossible that Mondael healed her wounded finger!
“Fille,” narinig niyang may tumawag sa kanya. Nilingon niya ito. Si JR. “Fille, nasa’n si Anjo? Ano’ng nangyari sa ‘yo? Bakit namamaga ang mga mata mo?” tanong ni JR.
“Wala. Um… si Anjo? Hindi ko alam…” naluluhang sabi ni Fille.
“Pinaiyak ka niya ‘no?” nakangising tinuran ni JR. “Gusto mo bugbugin ko?”
“Ah, hindi. Hindi niya ako pinaiyak…” mabilis na paliwanag ni Fille.
“Nasa’n siya? Magwawarm up na kami eh. Championship game na…” muling wika ni JR. “Tama na’ng iyak. Si Anjo lang ‘yan. Mas gwapo ako dun.” Nagulat si Fille nang biglang hawakan ni JR ang kamay niya. Pero agad din itong binitiwan ni JR na wari ay napaso ito. “Sige, Fille. Pakisabi na lang kay Anjo na maglalaro na kami.” At nagmamadali itong umalis.
---
Kinakabahan na si Anjo dahil sa natanggap na text message mula sa best friend niyang si Jessy. Isa na namang pangitain ang nasaksihan nito. Ang malagim na pagkamatay ng isa nilang kaklaseng si Maruja! He’s had enough. Pagkatapos ng mga naging karanasan nila sa “School of Excellence” ay tila na-trauma na siya. Gusto niya sanang tumulong upang mapigilan ang maaaring mangyari kay Maruja ngunit ayon kay Jessy, sila na lamang ni Robin ang bahala rito. Anjo hoped everything was okay. Nag-aalala pa rin siya para kay Jessy. Naisip niya rin ang kaninang paghahanap ni Nastja kay Lou. May suspect na kaya sa pagpatay ng nanay ni Nastja? He thought of texting Fille pero biglang nagtext si JR sa kanya.
Ka-jer2, san k na? wrm up na tau.. us0k na ilong ni Mr. Stryder.
Shoot! Finals game nga pala ng sportsfest! naisip ni Anjo nang mabasa ang text. Itinext niya si Jessy to make sure she’s fine.
Jess, is everything alryt?
Ngunit wala siyang natanggap na reply nito. He checked the time. Siguradong bubugbugin siya ni JR kapag hindi siya nakapaglaro kaya agad-agad siyang nagpalit ng jersey…
---
--Nastja’s diary--
I continued talking to Lou about everything. May iba’t ibang teorya kaming nabuo sa tunay na nangyari sa mom ko.
“Nagpakamatay siya sa office nila, but you saw the doppelganger in your house…” nag-iisip na sabi ni Lou. “What do you know about doppelgangers? I have little knowledge about this stuff.”
Umiling ako. Wala akong alam sa mga doppelgangers. “Di bale, magtatanong ako sa ibang members ng CMG, and I’ll also do a lot of researching,” Lou told me.
“Salamat talaga, Lou,” I told him.
“That’s our job,” sagot niya. I know that my relationship with Lou is something that you can call “professional”, but I can’t help noticing that he is really handsome. And I find it hard to believe that he’s single. What’s cute is that he seems to like Fille but doesn’t want to admit it.
“Is it okay with you if we hack your mom’s account?” he suddenly asked.
“Hack? But I don’t know her password,” I answered.
“We’ll try a lot of character combinations… like hackers do,” sabi niya.
“Could you really hack it?” I asked, disbelieving.
“We could at least try. There’s no harm in trying,” sagot niya. “Finals nga pala ng sportsfest ngayon. Nood tayo. May pusta ako do’n.”
Oh, right! Championship game nga pala nina Mondael. He’s been acting weird lately and I’ve been busy hanging out with Lou that I almost forgot about the game.
“What team are you rooting for?” I asked Lou, trying to start another conversation with him.
“Sa Team B ako. May pusta kasi ako dun eh,” sagot ni Lou.
Great! Iyon ang team na nilalaruan ni Mondael. Lou and I could cheer together. Sabay kaming nagtungo ni Lou sa gym. Sa unahan kami naupo. Tinawag ko si Mondael, at nag-V sign siya sa akin nang makita ako.
“What was that about?” biglang pasigaw na naitanong ni Lou sa akin. Lumakas ang tilian ng mga manonood nang pumito na ang referee. Hudyat kasi iyon na umpisa na ng laban. Hindi ko na nasagot ang tanong ni Lou dahil napakaingay na sa gym. Mondael was really good. He scored almost all of the points before Mr. Stryder, who was the coach of Team A called a time out. “What is her problem?” Lou asked again.
“Sino, Lou?” nagtatakang balik-tanong ko sa kanya.
“That girl…” he answered. “I don’t like the way she stares.” I shivered when I realized he was pointing at no one in particular. Was he seeing something I can’t see?
As the game resumed, it was JR’s turn to score. Pero biglang nagloko ang scoreboard, pati na ang timer.
“What the heck happened?” asar na reklamo ni JR. “Ginaganahan na pa naman ako.”
“Stop the game!” utos ni Mr. Stryder. Naupo muna ang mga manlalaro. Bigla na lang pumasok si Mrs. Kelch sa gym. May ibinulong ito kay Mr. Stryder. Nagtuksuhan ang mga players. Noong una ay parang kinikilig pa si Mr. Stryder, pero biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.
“What!!!” mukhang gulat na gulat na sabi ni Mr. Stryder. “Imposible. Hindi niya magagawa ‘yon!” Napainom siya ng tubig sa labis na pagkagulat sa kung ano mang ibinulong ni Mrs. Kelch. Nagbilin agad siya sa star player ng team niya na si JR.
“Sumpter, ikaw na ang bahala sa team natin. Kailangang manalo tayo ha? Kung hindi, ibabagsak talaga kita sa Advance Physics.” Patakbo itong lumabas ng gym, kasama si Mrs. Kelch, ngunit sinundan sila ni Lou.
“Sir… bakit ho?” tanong ni Lou.
“Si Maruja Banaticla… nagpakamatay…”
---
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES 3: AKO SAPATOS
ParanormaleIsang taon matapos makaligtas ang ilang estudyante sa tiyak na kamatayan, isa na namang panibagong kaso ang maglalagay sa buhay nila sa alanganin. Ano nga ba ang kinalaman ng pakikipagchat sa internet sa mga kasong dapat nilang lutasin? May magpap...