" job well done Ms. Monteverde." nakangiting puri sakin ng prof ko sa isa sa mga major subject ko ng matapos ako sa pag uulat. Wala namang pagsidlan ang tuwang nararamdaman ko dahil hindi nasayang ang paghihirap kong pagpuyatan ang report na to..
" maraming salamat po ma'am." sabi ko. agad naman itong tumango sinyalis na maari na akong bumalik sa upuan ko.
Nang naglalakad na ako papunta sa upuan ko na naka pwesto sa likuran ay narinig ko ang dalawa sa mga kaklase ko na bulgarang pinag tsitsismisan ako..
" paniguradong si Ms. Bullet ang gumawa ng report niya girl.." dinig kong sabi nung isa sa katabi niya.
" oo nga dear, tsk nakita mo ba kong pano siya KINAAWAAN ni Ms.Bullet." sobrang nainsulto ako sa mga pinagsasabi ng mga ito na pawang hindi totoo eh mas minabuti ko nalang na umiwas nalang sa gulo at tahimik na umupo sa upuan ko..
Alam niyo yung feeling na sobrang loner? mag isa na nga lang akong nakaupo sa likuran lahat pa ng nasa harap ko pinagtitsismisan pa ako ng bulgaran!!
Halos lahat sila tinitingnan ako tapos bigla nalang magbubulungan..
3hours later natapos din ang klase ko. naghintay na muna akong makalabas silang lahat bago ako tumayo sa upuan ko at naglakad papunta sa pintuan ng class room namin. Saktong paglabas ko ng pinto ay siya namang pagsulpot ng isang kamay na may hawak ng cp sa gilid.
" ay malanding kabayo!!!" sabi ko saby hawak sa dibdib ko sa pagka gulat. Napapikit pa ako dahil baka kamay ng multo ito ehh napaka matatakotin pa naman din ako!!!
"anong malanding kabayo yang pinagsasabi mo?!" sabi ni Bullet. agad ko namang inimulat ang mga mata ko at nakita ko nga itong nakasandal sa gilid ng pintuan ng classroom namin habang naka sabit pa ang isang strap ng mamahaling back pack nito sa isa nitong shoulder habang yung isa naman eh naka harap sakin na kong saan hawak hawak ng kamay nito ang kanyang latest model na Iphone. " sa ganda kong ito sa kabayo mo lang ako ihahalintulad?!" asar na sabi nito sakin.
" eh nabigla lang ako Ms. -----"
" Bullet lang sabi." bored na sabi nito sakin sabay irap.
" fine BULLET.." sabi ko sabay baba ko sa kamay nito naka harap sakin pero dinidiin niya parin sa mukha ko at cp nito. " ano ba! Bullet alam kong mamahalin yang cp mo hindi muna kaylangang ipagdiinan yan sa mukha ko!" reklamo ko.
" fucked!! di ba I told you to give me your fuckin number!" agad naman akong natigilan dahil sa sinabi niya.
" sinabi mo ba yun??" tanong ko..
" tss, ilagay muna number mo!"
" oo na, oo na kamahalan!" sabi ko sabay kuha ng cp nito at inilagay doon ang number ko.. " oh heto na" sabay lahad sa kanya ng cp nito ngumisi pa talaga ito bago kinuha sa kamay ko..
" number mo talaga to ha?"
" oo nga, alangan naman number ng kapitbahay niyo.." irap na sabi ko.
" huh? wala kaya kaming kapitbahay." sabi nito sabay may kong anong pinagpipindot sa screen ng cp niya at may tinawagan habang ako naman tahimik lang na nagmamasid dito.
Nakita ko nalang na ang kaninang kalmado nitong magandang mukha ay unti unting kumukunot habang dahan dahang ibinabaling ang tingin sakin.
" pinaglololoko mo ba ako Alena?" inis na sabi nito sakin.
" ano? "
" eh ring lang ng ring tong number na binigay mo eh!!" sabi nito sakin sabay pakita sakin ng cp nito na naka calling nga sa number ko. agad ko namang kinapa ang cp ko sa bag ko upang kunin ito, at ng makuha ko na eh dun ko nakitang may unknown number na tumatawag sakin.
" hehehe sorry naka silent nga pala c---"
" nag cp ka kong naka silent din naman! pano mo malalaman na tumatawag na pala ako sayo?!"inis na tanong nito sakin sabay kuha ng cp ko sa kamay ko.
" ui anong gagawin mo?!" tanong ko habang pilit na inaagaw ang cp ko sa kanya.
" ano ba! sandali nga lang muna.." sabi nito habang pilit inilalayo sakin ang cp ko.. " oh ayan!" ng matpos na nitong may kong anong ginawa sa cp ko. Akmang hahalungkatin ko na sana kong anong pinaggagawa nito sa cp ko ng bigla niya naman akong hilain. " tara na!." sabi nito habang kinakaladkad ako papalayo sa classroom namin wala tuloy akong nagawa kundi ang itago nalang muna sa bulsa ko ang cp ko.
" san tayo pupunta Bullet?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami, di ko rin maiwasang mapatingin sa mga kamay namin na magkahawak habang naglalakad.
" mmmmm, di ko alam. Ikaw may gusto ka bang puntahan ngayon?" tanong naman nito sakin habang nakatingin sa unahan pero yung kapit niya sa kamay ko mas lalong humihigpit.
" w-wala naman.." agad ko namang hinila pabalik ang kamay kong hawak nito ng makita kong marami ng estudyante sa unahan..
" hey bat mo hinila?" takang tanong nito sakin.
" eehhh kasi naman eh!!" sabi ko sabay yuko.
" eh kasi ano?" tanong nito sakin. " pwede ba wag ka nga yumuko dyan." sabi niya sabay hawak sa mukha ko at itinapat sa kanya. ng magkatinginan na kami " now tell me whats wrong?" mahinahong tanong niya sakin.
" eh kasi pinag uusapan na tayo." sabi ko sabay tingin sa mga nagkokompulang mag aaral sa unahan namin. Agad din naman itong napabaling doon.
" ikinakahiya mo bang kasama ako Alena?" nahihimigan ko ang lungkot sa tono nito habang nakatingin sa unahan namin.
" NO!!" mabilis na sagot ko sa kanya.
" then come with me.." nakangiti niyang sabi sabay lahad ng isa niyang kamay sakin. Damn! those smile of her >_<
Nung una ay nag aalangan pa ako eh, pero nung ngumiti siya para bang nawala lahat ng pag aalangan ko, para bang sinasabi ng ngiti niyang walang mangyayaring masama oras na magkasama kami. Oh shit!! pati ba naman yung ngiti niya binibigyan ko na ng kahulugan ngayon!!
" hold me, and dont let go of me. I promise to make you safe as long as you're with me." and by that agad kong hinawakan ang kanyang kamay at gumanti ng ngiti sa kanya. Pagkatapos nun ay agad naming pinagpatuloy ang paglalakad. Kitang kita ko ang pagkabigla sa mga mukha ng mga taong nasa paligid namin. Alam mo yung kanina ang ingay ingay nila tapos nung dumaan kami biglang tumahimik (>_<) pero si Bullet taas noo parin siyang naglalakad na para bang proud na proud pa itong hawak niya ang aking kamay hindi ko tuloy mapigilang mapangiti ng dahil dun. Pero mas ikinabigla ng puso ko ang sunod na ginawa nito.....
Tumigil kasi ito sa paglalakad sa gitna mismo ng karamihan tapos bigla itong tumingin sakin syempre tinitigan ko din siya ng may halong pagtataka. Ng bigla niya nalang inangat sa ere ang kamay ko na hawak hawak niya at hinalikan ito!!!!! waaaahh shit! shit! ang puso ko!!! agad namang naghiyawan ang mga estudyante sa paligid namin habang ako naman nakatulala lang dito.. at heto nanaman ang ngiti niya!! nginitian niya ang ng pagka ganda ganda niyang ngiti bago ako hinila papalapit sa tabi niya at inakbayan ako..
" tara masyado nang maingay dito eh." nakangiti paring sabi niya sakin habang ako naman heto tango lang ang kayang maisagot sa kanya sa sobrang kilig at pagkabiglang nadarama!!! pagkatapos ko itong tanguan ay agad din naming nilisan ang lugar na yun ng nakaakbay ito sakin..
BINABASA MO ANG
Loving the Girl Named Bullet (gxg) [Under Editing]
General FictionBullet Shayne James Story (This book is full of errors that needed to be fix soon)