Chapter 14

5.9K 167 6
                                    

Dahan dahan kong inimulat ang aking mga mata mula sa pagkaka pikit at agad na bumungad sakin ang puting kisame ng school clinic. I feel a sudden sadness all over me when I dont see Bullet around. Ang tahimik pa ng paligid na mas lalo pang nagpadagdag sa kalungkutan ko.

Agad naman akong napabaling sa pinto ng marinig ko ang pagbukas nito. Iniluwa non ang nag aalalang si Lyn.

" Hey.." sabi niya sakin habang nasa pintuan parin, mabilis naman itong lumapit sakin upang alalayan akong umupo. " are you okey now?" tanong niya sakin ng tuluyan na akong maka upo.. Pero di ko magawang sumagot dito. Instead lumingon nalang ako sa bintana at tahimik na tumingin dito.

Naramdaman ko naman ang pagtabi niya sakin. " okey, I understand you dont wanna talk about what happened." sabi niya habang kinocomfort ako through hugging.

Pero wala eh, naka Bullet parin lumilipad ang isip ko. Kung nasan ba ito? Kung ayos lang ba siya? marami pang " Kung" ang pumasok sa isip ko pero lahat ng yun eh walang kasagutan.

" I buy some snack for us muna ha?" sabi ni Lyn.. tatayo na sana ito ng mabilis ko siyang pinigilan..

" I want to go home.." malungkot na sabi ko. Everything happen now is to much I need some rest.. :( " please just bring me home.."

Tinitigan niya muna ako bago ngumiti sakin. Siguro kong hindi nangyari to kikiligin ako sa ngiting ito..

" okey, I'll bring you home Princess.." sabi niya at agad na kinuha ang bag ko at isinuot ito sa shoulder niya. Dun ko lang din napansin ng matanggal ko na ang kumot na may benda na pala ako sa kanang paa. Namamaga nga ito pero hindi naman ganon kalala.

Tatayo na sana ako ng agad niya akong pinigilan.. " let me carry you Ale." hindi na rin ako tumutol lalo nat nakakaramdam parin ako ng kirot sa kanang paa ko.


Again, napadaan nanaman kami sa Eco Park. Hindi ko tuloy mapigilang mapayuko habang karga karga ni Lyn. I know iba na talaga ang iniisip ng mga ito sakin. I dont know pero ngayon parang wala na akong lakas ng loob na harapin silang lahat ng nakataas ang noo lalo nat nangyari samin ni Bullet. Habang si Lyn naman ay parang wala lang sa kanya ang mga mapanghusgang tingin na nakatoon samin. Instead nginingitian niya pa ang mga ito.

" you dont have to feel ashamed to them Princess." biglang sabi ni Lyn sakin habang nasa may bandang parking lot na kami. " after all you know you dont do something bad to them." sabi niya bago tumigil sa isang itim sa ferari. Agad naman itong may kong anong pinindot at otomatikong bumukas ang dalawang pinto ng sasakyan. Rich kid tsk..

Maingat niya naman akong inupo sa frontseat ng sasakyan bago ito pumunta sa driverseat. Ng makaupo na ito ay agad naman sabay na nag sara ang dalawang pinto ng sasakyan nito. waaah cool!!!!

Asikasong asikaso ako ni Lyn, maging ang pagkabit ng seatbelt ay ito na rin ang gumawa para sakin.

Habang nasa byahe naman kami eh tahimik lang kami pareho. Mabuti na rin at wala din talaga ako sa mood makipag usap. Banayad lang din ang pagpapatakbo ni Lyn sa sports car nito. Wala akong masabi kahit pala sa pagpapatakbo ng sasakyan ay maingat din ito. Talagang mapagkakatiwalaan sa kalsada. Not like Bullet na kong magpatakbo ay daig pa ang nakikipag karera sa sobrang bilis pero kahit ganon mararamdaman mo parin yung feeling na safe ka parin sa kanya kahit ganon siya magpatakbo.. Damn!! Miss ko na siya :(

Dahil sa sobrang pag iisip kay Bullet ay di ko na namalayang nasa harap na pala kami ng bahay na tinutuluyan ko..

" do want me to accompany you?" tanong bigla sakin ni Lyn. " mag isa ka lang kasi diyan baka kong mapano ka.." nag aalalang sabi nito sakin.

Loving the Girl Named Bullet (gxg) [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon