Kahit na nagdadalawang isip ay mas pinili ko nalang na siputin si Bullet. Umaasa kasi ako na sa pamamagitan nito ay magkakaroon na nang kasagutan ang mga katanungang tumatakbo sa isip ko. Ika nga nila -----the truth will set you free. And Im hoping na through this mabibigyang linaw na ang lahat. I mean, lahat-lahat.
3:45 p.m. Ay narito na ako sa labas ng James University, dahil sa sabado naman ngayon ay inaasahan ko na talaga na wala nang masyadong estudyante sa loob nang campus. Well maliban nalang sa mga fresh men na meron pang CWTS----yeah, even this elite school is still required to have CWTS in their units.
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. 5months. 5months na ang lumipas nang huling beses akong napadpad dito. And that is the time na pinaputol niya yung puno. After that kasi ay 'di na ako pinayagan pa ni Lyn na bumalik dito. For what for pa daw ba? Eh masasaktan at masasaktan lang din daw ako pag-pupunta pa ako dito.
And I agreed. Maybe sa pag-iwas ko dito ay makakapag move on ako kahit papano. Akala ko nga ay 'di na ako makakatapak pang muli sa paaralang ito. And I was wrong. Nandito na ulit ako ngayon to face her.
Listen, Alena. Hindi na ako papayag na lalabas ka nang campus na ito na may mga luha sa iyong mga mata tulad nang nangyari 5months ago. Tama na ang pagiging martyr. Oras na para harapin mo ang katotohanan at tanggapin ang kahihinatnan nito.
I sighed first bago nagsimulang humakbang patungo sa department noon ni Bullet.----shit! Akala ko madali lang 'tong gagawin ko pero hindi pala. Pa'no ba naman kasi unti-unting bumabalik sa memorya ko ang nakaraan sa bawat paghakbang ko. And most of that memories are good memories.
Punyeta naman oh! Hindi pa nga ako nakakarating sa lugar na sadya ko ay parang bibigay na ang mga luha ko. Parang gusto ko tuloy iuntog ang ulo ko sa pader.
Muli, nagtatalo nanaman ang isip ko kung tutuloy pa ba ako at alamin ang totoo o uurong nalang at hahayaan nalang ang lahat sa nakaraan nang walang kasagutan?
"Oy Miss!" Halos mapalundag ako sa gulat nang may biglang sumulpot na isang lalaki sa gilid ko. Marahil ay isa ito sa mag-aaral nang paaralan na umaatend nang CWTS Subject nito ayon na rin sa suot nitong damit.
"B-bakit?" I managed to asked sa kabila nang pagkagulat ko.
"Anong ginagawa mo dito? 'Di mo ba alam, bawal ang outsiders sa paaralang ito?" Mataray na saad nito sa'kin. "Tss, ano ba namang klaseng guards meron dito oh, ang magbantay na nga lang nang gate ang trabaho nila 'di pa magawa nang maayos." Umiiling-iling na sabi nito. Halata pa nga sa boses niya ang pagka-desmaya.
"Alam kong bawal ang outsiders dito. Dito rin kasi ako nag-aral noon sa College." Sabi ko naman.
"So alumni ka pala dito?" Tumango ako bilang sagot. "What course? I mean---"
"Bachelor of Science in Business Administration major in Financial Management." Mabilis na sagot ko dito. And this time ito naman ang tumango.
"Eh ano pa ang ginagawa mo dito?" Okey, 'di naman siya masyadong matanong at tsismoso noh? -___-!
"May kakatagpuin ako dito eh."
"Yung babaeng masungit ba na kulay pula ang bohok?" Mabilis akong inataki nang kaba sa sinabi nito. So, she's really here.
"Yun na nga ata?" Nagdadalwang isip na sagot ko. We never see each other again for a long period of time. Ano bang malay ko kung pula parin ba o hindi na ang bohok nun.
"Ang galante niya noh? Kita mo yan." Ininguso nito ang isang White Lamborghini na naka-parada lang sa 'di kalayuan. "Siya ang may-ari niyan."
Nang makita ko ang mamahaling sasakyan na yun ay parang mas dumoble pa ang pagnanais kong umurong nalang at umuwi. Malakas kasi ang kutob ko na ang babaeng tinutukoy nang binatang ito na may-ari no'ng sasakyan at ang babaeng sadya ko ay iisa.
BINABASA MO ANG
Loving the Girl Named Bullet (gxg) [Under Editing]
General FictionBullet Shayne James Story (This book is full of errors that needed to be fix soon)