Last na 'to

4.7K 86 5
                                    

Pagka-uwi namin sa mansyon ni Lyn ay agad kaming sinalubong sa bukana palang ng pinto ni Kuya Athron na ipinagtaka ko. Ang alam ko kasi ay 'di raw siya makakauwi ngayon dito sa pinas para makilala ng personal ang fiance ni Kuya Dale dahil sobrang busy nito ngayon sa Europe gawa na din dahil nasa kalagitnaan ito ng pagp-promote ng bago album ng banda nito.

"Where have you been? At bakit namamaga yang mata mo? Umiyak ka ba?" Sunod-sunod na tanong nito sa'kin. Nag-tataka itong nagpalipat-lipat ng tingin sa'kin at kay Lyn na nakatayo lang sa tabi ko.

"I think it would be better if we'll talk inside." Agad na suwistyon ni Lyn na agad namang sinang-ayunan ni Kuya Athron.

Nauna na akong naglakad sa dalawa at agad na dumiretso sa aking silid. Pagkapasok ko ay agad akong dumapa sa kama at do'n muling umiyak.

Maya-maya pa ay narinig ko na ang sunod-sunod na yabag papasok ng aking silid. Maging pagsara at paglunog ng lock ng pinto.

"Fuck! Why are you crying?" Mabilis na lumapit sa'kin at sumampa sa kama si Kuya Athron at nag-aalalang hinagod ang likod ko. "Lena, tell me why are you crying?" Tanong niya ulit sa'kin ng hindi parin ako nagsalita.

"She just found out that your brother's fiance and her girlfriend---"

"Ex-girlfriend!" I corrected between my sob.

"Whatever it is. Is iisa." Pagpapatuloy nito sa sinabi.

Rinig ko ang sunod-sunod na pagpapakawala ni Kuya ng mura.

"Sabi ko na nga ba't sasaktan ka lang nung babaeng yun! goddamnit! How could she do this to you! Gusto niya ba talagang sirain ang pamilyang 'to?!" Galit na galit na sabi nito at may kung anong tinadyakan sa tabi nito. "Puta siya! At si Kuya pa talaga ang jinowa niya!"

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tinitigan si Kuya na ngayon ay naka-tayo sa gilid ng kama ko na kunot na kunot ang noo sa galit.

"Gaganti ako, Kuya." Mahina ngunit determinado kong sabi.

"Anong sabi mo? Paki-ulit nga." Halos magdikit na ang kanyang mga kilay habang seryosong nakatingin sa gawi ko. "Ulitin mo nga ang sinabi mo, Alena." Sa tono ng pananalita nito ay mahahalata na talaga na hindi nito nagustuhan ang sinabi ko at pinaulit lang sa'kin para makasigurado kung tama ba ang kanyang narinig mula sa akin.

"Maghihiganti ako sa kanya, Kuya. And I already asked Lyn for some help about it." Sabi ko.

Napahawak ito sa kanyang sentido habang naglakad paikot sa bawat sulok ng aking silid.


"Are you really thinking? Ang isang kabaliwan ay papatulan mo ng isa pang kabaliwan!!" Sigaw nito sa akin. "At ikaw! Talaga bang kaibigan ka nitong kapatid ko? Ba't mo siya kinokonsente sa mga bagay na mali?!" Baling naman nito sa nanahimik na si Lyn na ngayon ay prenteng naka-upo lang sa sofa habang nagmamasid sa aming dalawa ni Kuya. Ni hindi man lang ito nag-abala na mag-react sa sinabi ni Kuya dito.


"Kuya desedido na akong----"

"Tumigil ka, Alena! Tumigil ka! Wala kang mapapala dyan sa paghihiganti mo. Magtatanim ka lang ng sama ng loob dyan sa puso mo tapos ano? Mababago ba nun ang mga nangyayari ngayon? Ba't ka mag-aaksaya ng oras sa mga bagay na hindi naman karapat dapat na paglaanan ng pansin?" Pangaral nito sa'kin. "Revenge is not the right answer for all of this, Ale."

"And what would be the right thing to do here, huh, Kuya? Tell me. She made me this! She made me miserable!" Sabi ko habang nagsitulo nanaman ang mga luha sa aking mga mata.

Loving the Girl Named Bullet (gxg) [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon