Chapter 12

5.6K 161 21
                                    

Hindi ko mapigilang mapangiti habang naglalakad ngayon sa hallway ng Department ni Bullet ng mapansin ko ang pagsimangot nito pagkasara ko ng pinto.

Hays, panigurado kong nagtagal pa ako dun tiyak aandar nanaman ang pagiging perv ni Bullet kaya inunahan ko na.

Tahimik ko na ngayong binabaybay ang daan patungo sa Department namin na medyo malayo layo rin sa private room nito na naka pwesto sa toktok ng Engneering Department. Nasa may labas na ako ng Cafeteria namin ng biglang may kumalabit sa likod ko.

" oh Lyn!!" tuwang tuwa kong sabi ng agad na bumungad sakin ang naka ngiting mukha ni Darlyn paglingon ko.

" Hi, hehehe" sagot naman nito habang kinakamot pa ang kanyang ulo na para bang nahihiya sakin. Fuck!! ang cute cute niya!!!

Lihim kong pinag aralan si Lyn.. Naka suot ito ngayon ng fitted jeans na pinarisan ng isang V neck tshrt na kulay puti. Habang yung tattoo niya ay malayang nakikita ng aking mga mata. Waaah! mas lalo pala siyang maganda sa umaga. Yung makulay niya namang bohok ay malaya lang nakalugay. Gorgeous. yan ang pinaka magandang salita na masasabi mo pag nakita mo siya.

" hello." sagot ko naman sa kanya ng nakangiti. " nawala ka ata. ahahahaha may sadya kaba dito?" tanong ko sa kanya habang naglalakad na kami papunta sa department namin.

" wala naman gusto lang kita makita.." sabi niya sakin habang sumasabay pa sa paglalakad ko. Agad naman akong natigilan dahil sa sinabi nito.

" huh? may kaylangan ka ba sakin?"nagtatakang tanong ko.

" wala naman, bawal ba? diba friends na tayo?" nagtatampo pang tanong nito.

" ahahaha, hindi ah, anyway I miss you.." sabi ko sabay hug sa kanya. Nanigas naman ito sa ginawa ko dahil sa pagkabigla pero di naglaon ay gumanti din siya ng yakap sakin.

" fucked, God knows how much I miss you too." sabi niya sakin ng bumitaw na kami sa pagyayakapan and giving me now her most beautiful smile that can captivate everyone heart.

Pero correction lang ha!!wala pong malisya sakin to.. AS IN WALA!! kontintong kontinto na ako kay Bullet XD. kahit na MU palang kami :(

" may gagawin kaba??" tanong niya sakin.

" wala naman, may aayosin lang ako sa Department namin.." sagot ko naman..

" sige, samahan na kita." sabi niya.kaya agad na din akong pumayag para naman magkaroon kami ng konting time..

- Bullet PoV-

Kanina pa ako bagot na bagot na nakatingin sa pintiuan ng private room ko. Kanina pa talaga ako nag aabang na bumukas ang pinto.

Pero dalawang oras na!! dalawang oras na akong naghihintay pero ni anino ni Alena ay di ko pa nakikita!! puta napapraning na ako!! pano kong inaway nanaman yun ng mga pangit sa paligid? pano kong -----..

Napatigil ako sa iniisip ko ng biglang mahulog ang lapis ko.. damn!! heto na yung hint na hinihintay ko.. Agad agad akong tumayo at kinuha ang jacket ko at nagmamdaling nilisan ang silid na to..

( sa mga nagtataka kong anong dahilan ng pagkahulog ng lapis ni Bullet. Heto po nakabukas kasi yung malaking bintana ng silid niya, malakas pa yung hangin kaya talagang gugulong yun at mahuhulog.. OA lang talaga siya minsan mag isip.)

Halos takbuhin ko na ang daan patungo sa Department ng Business Ad para lang makita agad ito. okey, aamin ako. Miss ko na siya. Pano sanay na kasi ako na tuwing wala akong klase eh ito talaga ang kasama ko.

Ng makarating na ako sa may hagdan ay agad kong kinalabit ang isang babaeng nakatambay doon na kaklase ni Alena.

" si Alena nasan?" seryosong tanong ko dito habang yung mga kasama naman nito ay tulalang nakatingin sakin..

" s-si Alena po?" tanong nito sakin.

" bingi kaba?!! oo si Alena nga!! Nasa siya?!!!" naaasar kong tanong sa kanya. Puta tanong ba naman ang isinagot sakin!!!

" na nasa taas po.." sabi niya sabay turo sa itaas. tsss, alam naman pala ang dami pang sat sat..

Agad ko itong iniwan at nagmamadaling tinahak ang hagdan papunta sa itaas pero di nakaligtas sakin ang tili ng babae kanina. tsk mga baliw...

Saktong pag liko ko ay nakita ko agad ang isang room kong saan naroroon ang mga kasama nito. Di na ako nag atubiling pumasok agad at inilibot ang paningin ko upang hanapin ang taong pakay ko.

Lahat naman ng mga tao sa loob ay napatigil sa kanya kanyang ginagawa ng dahil sa pagpasok ko. Isa isa ko silang tinitigan upang makita kong nasaan banda si Alena. Pero wala!! Wala ito!! WALANG ALENA DITO!!>_< damn where the hell she is?!!

Nakita ko ang paglapit ng isang guro sakin. " ahhmm Ms. Bullet ----"

" Alis!!" di ko na siya pinatapos at agad na itinulak dahil nakaharang ito sa dinadaanan ko. Kanya kanya namang tulong ang mga estudyante upang itayo ito. tss, wala na akong paki sa kanila basta makita ko lang ang hinahanap ko!!!

Agad kong nilapitan ang babaeng nasa isang desk na busy sa pag gugupit ng mga cartolina na di man lang napansin ang pagdating ko.. Agad kong hinampas ng malakas ang mesang nasa harap nito dahilan upang umalingawngaw ito ng malakas.

" ALENA MONTEVERDE.." sabi ko na para bang preso si Alena at dadalawin ko lang.

Napansin ko naman ang agad na panginginig nito. " Asan si Alena?!" sigaw ko dahilan ng pagtahimik ng buong tao sa class room na to.

" nasa bodiga po..." nanginginig na sagot nito.

" anong ginagawa niya dun?" what the hell?!! inaapi nila ang Alena ko!!

" k-kumukuha lang po ng mga materials na kaylangan.." sabi nito habang palipat lipat ang tingin sakin at sa mga kasama nito na para bang humihingi ng tulong.

" bat siya pinakuha niyo?! " tanong ko sabay hila sa kwelyo nito. " mag isa niyo lang siyang pinapunta dun, di niyo ba alam na----"

" may kasama siya dun." agad akong natigilan sa sinabing yun ng babaeng bagong dating na may dalang kahon.

Hindi ko alam kong sino ito pero wala akong paki dun ako interesado sa sinasabi nitong kasama ni Alena..

" anong sabi mo?" tanong ko habang dahan dahang binibitawan ang kwelyo ng babae sa harap ko.

" kasama niya yung babaeng may tattoo na kayakap nito kanina.." and by that agad na pumintig ang tenga ko at dali daling tinakbo ang bodigang sinasabi nito..

Fuck!! fuck!! may kalantari ba si Alena?! No!! hindi ako papayag!! humanda ka sakin kong sino ka mang hayop ka!!! may patattoo pa talaga ang kalantari niya ha!!!

Mas binilisan ko pa ang takbo ko ng pumasok sa isip ko ang sinabi ng babae kanina na may kayakap daw ito!! HINDI!!! AKO LANG ANG PWEDENG YUMAKAP SA KANYA!!! AKO LANG!!!!!!

Loving the Girl Named Bullet (gxg) [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon