I remembered when my Mahal told me na nakakainlove daw si Bullet. And by that feeling ko hindi niya na ako sasagutin. Ahahaha
TANONG: NAKAKA INLOVE BA TALAGA SI BULLET?? (curious looks here)
-----------
-Bullet's PoV-
Kanina pa ako pasulyap sulyap sa pintuan ng kwarto ko at taimtim na naghihintay sa pag balik ni Princess. Okey, aaminin ko medyo kinakabahan din ako sa ideyang masusolo ni Mama si Princess, though alam ko naman na hindi niya ito sasaktan. Inaalala ko lang talaga yung Prinsesa ko halata kasing hindi pa ito comfortable na kasama ni Mama..
Ugggh! Fucked! Hindi ko mapigilang mapamura sa isip ko habang pabalik balik na naglalakad papuntang pinto't pabalik ng kama. Bat ba naman kasi ang tagal nila.
Pano kung minamalditahan nanaman ni Mama yung Princess ko?! Pano kung nag iba na yung ihip ng hangin at ayaw na nito kay Princess para sakin! Pano kung.... Ggggrrrr!! Shit!! I know my Mother won't do that.
But how sure are you? Biglang tanong naman ng negative side ng isip ko. Punyeta lang oh! Di ko nga rin naman masasabi na 100% sure akong di nga ni Mama gagawin yun kay Princess.
Okey, para sa ikatatahimik ng kalooban ko I think dapat puntahan ko nalang ang mga ito. Sigurado naman akong nasa Master's Bedroom dinala ni Mama si Princess.
Wala na akong inaksayang oras at agad kong tinungo ang pinto at lumabas ng silid. Malalaki ang hakbang naman ang ginawa ko habang papasugod sa silid nila Mama, marahil ay dala narin ito ng kaba at takot sa maaaring ganap sa loob ng silid ng mga ito.
Dahil sa hindi naman ganon kalayo ang agwat ng silid nila Mama sa silid ko eh madali ko rin itong narating. Pero nung akmang kakatokin ko na ito ay may biglang pumigil sa kamay ko.
"Pa!"
"Ano ba yang ginagawa mo?" Mahinang tano sakin ni Papa.
"As you can see I was about to knock the door." Bored na sabi ko kay Papa.
"Minimize your voice, Bullet." Medyo may tono na ng authority na dapat ko itong sundin kaya mas minabuti ko nalang na sundin ito.
"What now, Dad?" Bored na Bored na tanong ko kay Papa ng nakatunganga lang kami ng ilang minuto sa pinto ng silid nila Mama.
"Ssshhh, Im thinking." Naka focus na nakatingin si Papa pinto. Ano drama ba to? -___-! Tahimik lang ako ng nakatingin sa Papa kong nag iisip kuno. May patango tango pa talaga itong nalalaman. Nagmamatalino nanaman tong tatay ko oh.
"Alam ko na ang dapat nating gawin, anak." Sabi ni Papa sabay akbay sakin.
"Papasok na ba tayo?!" Excited na tanong ko kay Papa. Syempre Excited na din naman akong makita at malaman kung ano na ang nangyayari sa loob.
"Your voice nga." Madiin na ulit na sita nito sa boses ko. Fucked! Ano ba to? Nagpapabitin effect nanaman.
"Eh ano na nga kasi?" Atat na atat na tanong ko kay Papa. Napatingala naman ako dito ng bigla itong tumayo. Naka upo kasi kami sa harap ng pinto. "Where are you going?" Curious na tanong ko kay Papa.
"Anong where are you going? Ang dapat na itinanong mo is Where are WE going?" Sabay hila sakin patayo.
"What the hell!"
"Watch your mouth, young lady." Sita naman sakin ni Papa kaya napatahimik nalang ako at nagpahila nalang kay Papa. Wala tuloy akong magawa kundi ang titigan nalang ang pinto na kung saan naroroon ang babaeng mahal ko.
------
Tahimik nanaman akong nag aantay dito sa kwarto. Shit lang! Dapat pala hindi nalang ako sumunod kay Papa ei di sana hindi na ako nagkaka ganito. Dahil sa sobrang frustration ko ay marahas ko nalang na ibinagsak ang sarili ko sa ibabaw ng kama.
Ano na nga kaya ang nangyari sa kanila dun? Wala tuloy akong magawa kundi ang titigan nalang ang kisame. Pero habang tumatagal ay parang nakikita ko na ang mukha ni Alena na takot na takot dito, pati na rin si Mama kay nakikita ko na din dala dala ang masungit nitong mukha.
"Fucked!!" Sigaw ko sabay hagis ng unan sa kisame na kung saan ko na iimagine ang imahe nila Mama at Princess. "Aray!"Napa daing naman ako ng saktong sa mukha ko rin bumagsak pabalik yung unan na hinagis ko.Tangna naman oh! kung minamalas ka nga naman!!
Dahil sa pagka asar ay mas minabuti ko nalang na itakip sa mga mata ko ang isang braso ko at nanatiling tahimik.
Makalipas lang ang ilang minuto ay narinig ko na ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kwarto ko. Hindi na ako nag abala pang tumayo o kumilos man lang upang tingnan kung sino ang taong pumasok dahil sa halimuyak palang ng pabango nito na agad kong naamoy nung pagkasara na pagkasara nito ng pinto. Dahil dun lihim akong napangiti, atleast now she's here.. my Princess is here with me... Her Knight.
Maya maya pa ay narinig ko na ang mga yabag nito na papalapit sakin kaya naman mas ginalingan ko pa ang pag acting na nagtutulog tulugan.
"Knight.." Dinig kong tawag nito sakin pero dahil nga eh tulog kuno ako kaya nag bingi bingihan muna ako. Di nagtagal ay naramdaman ko na ang pag galaw ng kama at ang pagtabi nito sakin. "Knight, pwede ba akong magkwento sayo? Tulog kaba talaga?" Tanong nito habang niyuyogyog pa talaga ako. "Hay, bahala ka basta magkkwento nalang ako sayo ha? Ikaw na bahala kung makikinig ka o hindi."
Shit!! Ang hirap pala umakteng lalo na kung kating kati kana na kausapin siya!!!
"Alam mo, ang bait bait pala ng Mama mo noh? Tama ka nga na sobrang harmless niya. Medyo talkative nga lang." Gusto kong matawa sa point na sinabi niyang talkative si Mama, kasi naman totoo. "Ang sarap niyang kausap, parehas sila ng Papa mo." Tahimik parin akong nakikinig sakanya. Mabuti nalang at maayos pala ang naging kinahinatnan ng pag uusap nila ni Mama dahil dun eh mas lumuwag na yung pakiramdam ko kesa nung kanina ng nasa loob pa ito ng silid nila Mama.
"Pero Knight, sabihin mo nga sakin masama ba ang mainggit? Masama ba?" Tanong nito sakin pero dahil nga tulog ako eh wala talaga itong makukuhang sagot sakin -_- "Hindi ba, Knight? Eh kung sabihin ko sayo na sayo ako naiingit, hindi parin ba?" Dahil sa sinabi niyang yun nakuha niya ang full attention ko. Bakit? Bakit siya naiinggit sakin? Unti unti kong ibinababa ang braso kong nakatakip sa mga mata ko upang silipin ito. At ng masilip ko ito ay nakita kong nakatalikod pala ito sa gawi ko. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa nito pero yung tawa niya halatang pilit.. Why Princess?
"Naiinggit ako sayo kasi may mga magulang kang masasabi mong mahal na mahal ka talaga kahit ano ka pa. Na maasahan mong kahit anong magiging desisyon mo sa buhay mo ay alam mo na agad na nasa likuran mo lang sila at siguradong 100% ang suporta nila sayo." Ramdam na ramdam ko ang sakit na dinadala nito ngayon. And I hate it! I don't wanna see her hurting like this. "Ako kaya Knight, magkakaroon din kaya ako ng pamilyang gaya sainyo? Yung bang hindi ako magdadalawang isip na gawin to kasi alam kong susuportahan din nila ako. Darating kaya yun Knight, na kahit isang beses lang makukompleto yung pamilya ko sa kaarawan ko?" Umiiyak na sabi nito. "I think malabo na. Kasi wala na nga pala akong Mama." Basag na sabi nito. "May Papa nga akong malakas at mayaman pero wala namang pakialam sakin. Sabagay bakit panga pala ako aasa eh sa simula palang isa lang naman akong pagkakamali. Bunga lang ako ng pagkakamali." Tuloyan na nga itong umiyak.
Dali dali naman akong bumangon at niyakap ito mula sa likod. Niyakap ko siya ng mahigpit na para bang sa pamamagitan nito ay mailipat sakin ang sakit na nararamdaman niya.
"Hush now, Princess." Sabi ko sabay halik sa batok niya. "I promise I'll do everything to make you happy. Even if I need to face now to Leo Monteverde ay gagawin ko. Wag kalang makitang nasasaktan ng ganito."
BINABASA MO ANG
Loving the Girl Named Bullet (gxg) [Under Editing]
General FictionBullet Shayne James Story (This book is full of errors that needed to be fix soon)