ELIANA
KISS AGAIN?!
Masaya ako para kay Lucas. Masaya ako dahil hindi lang isang branch ang magbubukas, at hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa ibang bansa pa.
Ang swerte naman ng magiging asawa niya, kahit hindi na magtrabah---
"Ay kamote!" Napaigtad ako nang may tumama sa aking ulo. Dahan-dahan ko itong tiningnan at isang matikas na katawan ang bumungad sa akin kaya dahan-dahan ulit akong napatingala.
Nakangiting lalaki habang nakatingin sa akin. Naalala kong ito iyong pumasok at kinausap si Lucas sa office. Siguro mas matangkad ito sa kanya. Siguro tapos na sila mag-usap ni Lucas.
"S-sorry...pasensya na..." Dahil sa sobrang tangkad nito ay sa dibdib bumangga ang mukha ko. Hanep, ganito ang eksena tuwing may napapanood ako sa t.v o nababasa ko sa libro.
He put a smile while looking at me. "Oh, Hi!" nakangiting bati niya. Bakit parang ang kwela ng isang 'to? Pinanganak ba siyang bibo sa buhay? "Pupuntahan mo si Lucas sa loob?" Itinuro pa niya ang office kung saan siya lumabas gamit ang hintuturo.
"Yes, sir." Tumawa ito nang mahina kaya nagtaka ako. "May nakakatawa po ba, sir?" Kailangan ko siyang tawaging sir dahil malapit siya kay Lucas.
"Ba't mo ako tinatawag na sir? Eh hindi naman ako ang boss mo." Mukha naman siyang mabait, bibo lang talaga unang impresyon ko dahil iyon ang napansin ko.
"Just call me Ralph or Lauren." Hindi ko alam kung bakit niya ako kinakausap."Sige," simpleng sagot ko dahilan upang siya ’y tumawa nang pagak.
"You're so cold, aren't you?" Hindi ako nagsalita. Lumunok ako ng laway at tumingin sa naka-di-distract na matipuno niyang dibdib kahit may suot ito. Nakita kong ngumiti ito at basta nalang
tinitigan ang dibdib ko."Bastos ka ah!" Sinadya kong lakasan ang boses ko para may makarinig ngunit nabigo ako. Wala ni isang dumadaan sa labas kung saan kami nanggaling at ginanap ang meeting. Sinadya ata ng tadhana na makasalubong ko ang mokong na 'to. Asan na ba kasi si Lucas?
"Kumusta kayo ni Lucas?" Nabigla ako sa tanong niya. Hindi ko siya kayang tingnan sa mukha kaya para akong ewan na nakatingin sa sahig na parang doon ang kausap ko.
"Maayos kami ni Lucas," I said while looking on the floor. Nanatili akong nakayuko nang marinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga.
"Would you mind if I invited you to join with me?" Nag-angat ako ng tingin. Nakaramdam ako ng pag-aalinlangan nang sabihin niya iyon. Nakangiti lang siya habang hinihintay ang sagot ko. May itatanong ako kay Lucas tungkol sa pagbubukas ng ilang branch dito sa bansa kaya sa tingin ko ay dapat ko munang tanggihan ang alok niya.
"Sorry, wala akong oras para samahan ka ngayon."
"But you're actually talking to me right now," kwelang sabi niya. Agad na kumunot ang aking noo.
"And wait, you said today? So, what if sa ibang araw, pwede ka na?" Bakit ba ang kulit ng isang 'to? Tsaka, parang walang preno ang bibig kung magsalita.
Hindi ako kumibo saka walang sabing tumalikod para bumalik sa office ni Lucas. But suddenly I felt an arm grabbing my shoulder.
"I said, I have no time!" sigaw ko. Nakita ko siyang tulala habang dahan-dahang binibitawan ang braso ko. Napansin kong pinapanood na kami ng mga tao ngunit hindi ako nag-alinlangang hanapin ang isang lalaking handa akong tulungan.
YOU ARE READING
Whispers of the Sun (Weather Series One)
RomanceSimple-minded Eliana Anatola Addison has a desire of moving to Manila so she can study, work, and most importantly, escape her aunt, who has cursed her since her mother passed away. While she doesn't actually harm her, she is sick of slaving over he...