ELIANA
POSSESSIVE
Huminga ako nang malalim matapos mag impake. Tumingin ako sa pink na maleta. That’s cute, actually.
Bukas na ang punta namin sa Mariveles at hindi pa rin ako makapaniwalang babalik ako roon. Muli kong masisilayan iyon.Ano kaya nag pinagbago ng Mariveles? Sigurado ako na mayroon. Lumunok ako ng laway nang maisip iyon, posible naman kasing may magbago nang wala ako.
"Ang lalim ng iniisip mo ah. Nag-impake ka na ba?"
Napaigtad ako at nilingon siya mula sa pagkakaupo kasabay ng pangangalumbaba. Napapikit ako sa kahihiyan, mukhang may panibago na naman siyang pang-asar sa akin.
"Don't tell me, kulang pa rin iyong halik ko." Gulat akong tumingin sa kanya kaya naibato ko ang librong nasa center table.
"Alam mo, isa kang what the f*ck! Hindi iyon ang iniisip ko!" pagtatanggol ko. Ngumuso ako habang tinitingnan niya ako nang hindi makapaniwala.
"Talaga? Bakit parang guilty ka?" Pinulot niya ang librong ibinato ko sa kanya. Buti nalang at nakailag ito kung hindi ay sira na ang mukha niya. Makapal pa naman ang cover nito. "At talagang ang paboritong libro ko pa?" Ngumiwi ako nang magbago ang tono ng pananalita niya habang nakatingin sa libro at tila ipinagpag iyon. Halatang nainis nga siya dahil doon.
Hindi ako makagalaw sa aking pwesto. Parang nalagyan ata ng glue ang inuupuan ko. "Hindi naman nasira, a." Totoo naman, baka nga walang gasgas iyon. Kung makapag-react naman siya parang kasing presyo ng bahay ang libro niya.
Sinilip-silip ko pa ang librong hawak niya at base sa nakikita ko, maayos naman ito.
"Do you know how much is this?" At talagang ako pa ang tinanong? Hindi naman ako bumili. Siguro sa tiange niya lang nabili 'yan, o kaya in-order niya sa shopee.
"Aba pakealam ko kung magkano 'yan. Inorder mo sa shopee 'yan, 'no?" Kumunot ang noo niya saka lumapit sa pwesto ko.
"This is $30.8 million and I don't know what are you talking about." Nakatitig lang ako sa nagsasalitang si Lucas.
"Kiss me again or... you'll pay?"Lumunok ako ng laway. Umigting ang kanyang panga habang matalim akong tinitingnan.
$30.8 million?!
"And that's not from shopee or what. I brought this in New York." Grabe, iba talaga kapag mayaman. Ako ngang nagrerenta pa ng libro sa may tindahan at nanghihinayang bumili sa National bookstore. Grabe ka, Lucas. Kaya laking tuwa ko nang ibili niya ako ng mga libro.
"I said, kiss me again or you'll pay for this?" Naroon na naman ang mapanukso niyang tingin habang ipinakita ang libro.
I rolled my eyes. Sinadya kong ipakita iyon kays umigting mula ang panga niya.
"Anong babayaran, hindi naman nasira ah!" Syempre, kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko. Hindi hanggang dito ay aapihin ako ng kung sino.
"You threw it." Umirap ako sa kawalan. "Kung hindi mo babayaran, edi hahalikan mo ako." Bigla ko siyang tinulak nang bahagya nitong nilapit ang kanyang mukha.
"My kiss is expensive!" Hindi ko na maiwasang sigawan siya.
He chuckled. "Mayaman din ako, Eliana. I can have what I want. I can buy your kiss. Pero sa kaso mo, mukhang pwede namang libre, 'di ba?" Sarap talagang hampasin nitong lalaking 'to!

YOU ARE READING
Whispers of the Sun (Weather Series One)
RomanceSimple-minded Eliana Anatola Addison has a desire of moving to Manila so she can study, work, and most importantly, escape her aunt, who has cursed her since her mother passed away. While she doesn't actually harm her, she is sick of slaving over he...