CHAPTER 17

2 0 0
                                    

ELIANA

HELLO, MARIVELES

Eksaktong ala-una ng hapon nang makarating kami sa isla ng Mariveles. Kasama ang lahat ng tao sa kompanya ay sinalubong agad kami ng malamig na hangin. Nakaka-miss ang lugar na ito. Ngunit napawi ang pagkasabik ko nang maalala ang lahat ng pangyayari rito. Siguro naman ay hindi nila ako makikita dahil wala naman silang pakealam sa akin.

"Are you okay?" Bumalik ako sa wisyo nang marinig ko ang boses ni Lucas. May hawak siyang isang can ng beer. Hindi ko namalayang nakababa na pala lahat ang mga kasamahan ko. Kinapa niya ang aking noo dahilan upang patago akong ngimiti. "Wala ka namang lagnat," komento nito.

"I'm okay, Lucas." Maayos naman ang pakiramdam ko. Hindi lang ako mapakali sa kadahilanang makita ako ng pamilya ko.

"Let’s go?" Niyaya ko na siyang pumunta sa lugar kung saan kami tutuloy. Dahil nga sa dito ako lumaki, alam ko na ang pasikot-sikot sa lugar na ito. Nakarating kami sa hotel na tutuluyan namin. Masyado pang maaga kaya hindi maiwasan ng iba naming kasamahan ang matulog.


Ilang kwarto ang kinuha namin. Syempre, hiwalay ang kwarto ng lalaki at babae.


Bakit ba kasi dito pa naisipan ni Lucas gawin ang Team Building?


"Okay ka lang talaga?" Biglang sumulpot si Lucas sa gilid ko. Medyo nag-aalala nga ang kanyang tingin. Hindi ko naiwasang hindi sabihin ang dahilan.

"You’re a strong woman, Eliana. Nandito tayo para maglibang. Don’t mind it." Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Matapos noon ay hinawakan nito ang aking kaliwang kamay saka tumungo sa aming mga kasama.

Tumango ako at ngumiti para maibsan ang pag-aalala niya.



NAGTIPON ang lahat sa gilid ng dagat bandang hapon kung kailan palubog na ang araw. Hindi naging mahirap ang pag gawa ng upuan at lamesa gamit lamang ang buhangin upang doon kami umupo. Sa mesa na gawa sa buhangin ay naroon ang mga alak at pagkain namin habang kami ay nakaupo sa ginawang upuan gamit din ang buhangin na nakapalibot. Lahat ay nawiwili dahil malapit na nga dumilim ang paligid at sisimulan na ang kaganapan.


"Alam mo, kanina ko pa nakikitang pasulyap-sulyap sa iyo si boss," nanunuksong sabi ni Kate. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Agad akong umiling para itago ang namumula kong pisngi.

"Huwag mong sabihin 'yan, Kate. Baka may ibang tinitingnan." Medyo naging malapit na rin ako sa ibang kasamahan sa opisina, at si Kate ang mas may lakas ng loob para kausapin ako.


"Wala. Ikaw talaga tinitingnan ni boss. Ang ganda-ganda mo kasi," mahinang aniya ngunit sapat lang para marinig ko. May kaunting gigil pa nang sabihin niya iyon.

Kaya naman ay sumulyap ako kay Lucas, hindi nga nagkamali ang kasama ko. Nakatitig nga siya sa akin habang may hawak ulit na beer. Umigting ang panga niya habang nakatitig sa akin. Sa kabilang side si Lucas kaya hindi ko makita nang mabuti ang buong katawan niya.


"I told you," komento ni Kate na parang proud pa sa kanyang sarili.


"Okay, let’s start! No phones allowed." Bigla akong natauhan nang sabihin iyon ni Bryan, ang baklang empleyado ni Lucas. Magaling ito sa pagsasalita kaya siya ang ginawa naming emcee ngayong gabi. "Let’s start with confession session!" Agad naghiyawan sa narinig ngunit naging alarma ako kasabay ng pagsulyap kay Lucas na hindi ko alam na nakatitig na pala sa akin na agad kong iniiwas. Bakit ba sa akin siya panay tingin?

Whispers of the Sun (Weather Series One)Where stories live. Discover now