CHAPTER 18

4 0 0
                                    

WARNING: MEDYO SPG! 🔞

ELIANA

COTTAGE

Matapos ang kaganapan ay nagsipag-balik na sa kanya-kanyang kwarto ang karamihan. Ang iba ay nawiwili pa sa tabing-dagat at gumawa ng bonfire. Wala akong masabi sa nangyari kanina, parang nabalot ng apoy ang buong kalamnan ko.

"Kinilig ka ba sa confession ko kanina?" I jumped in nervous when I heard his voice. Lumingon ako at nakita kong nasa likod ko na pala siya.

“O baka naman mas kinilig ka sa Vince na iyon?” Base sa tono niya, naiinis siya.

Umiling lamang ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Ngunit sumunod pala siya sa akin. Hindi ko rin maiwasang mapangiti at kiligin nang palihim.

"Eliana," he called me. Hindi pa rin ako tumitigil sa paglalakad. Hinayaan ko siyang habulin ako sa tabing-dagat.
"Eliana, your boss is calling you!"

I suddenly stopped for a second. Narinig ko ang mga yabag ng kanyang mga paa na palapit na palapit sa akin.

"Are you ignoring me, Eliana. Aren’t you?" masungit nitong sabi nang maabutan ako. Ngayon ay nasa harap ko na siya. Tumingin ako sa paligid ngunit napansin kong malayo kami sa karamihan.

Malamig. Madilim ang paligid. Tanging ilaw ng bonfire at mga poste na lamang ang nagsisilbing liwanag.


"Sa maraming bagay ang dapat mong sabihin iyon lang talaga ang sinabi mo sa kanila?" I lift my eyebrow while not looking at him.

"What's wrong? I don't do anything. I just confessed that I love you! Mas natuwa ka ba sa confession ng Vince na iyon?" Halos pumiyok na sigaw niya. Hindi ako huminto, mas pinili kong magpatuloy sa paglalakad at damhin ang sariwang hangin kasabay ng samut-saring hinaing na hindi ko alam kung bakit.

At mas lalong lumalakas ang hangin kaya hindi ko maiwasang yumakap sa aking sarili habang naglalakad papunta sa hotel.

"Eliana!" Ngunit imbis na bumilis ang aking lakad ay parang nananadya ang tadhana. Hindi ko alam kung paano niya ako naabutan at kung paano siya kabilis p-um-westo sa harap ko.

Ilang segundo ang katahimikan sa aming dalawa.

"Hindi kita naiintindihan, Sir Lucas." Nakayuko ako habang sinasabi iyon. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Don’t call me on that." Umigting ang panga niya. He’s pertaining to the word 'sir' I said.
Bakit naman siya magagalit, nasa trabaho naman kami.

I rolled my eyes then I sighed. Trying to make sure he saw that I’m uncomfortable with his presence.

Hindi ko kasi alam kung anong gagawin matapos niyang sabihin iyon.

At mas lalong hindi ko alam ang gagawin ngayong umamin siya.

Akala ko ba may girlfriend siya?

Yung...yung babaeng nagpunta sa office tsaka sinungitan ako.

Is he cheating on her?

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Bahala na kung maabutan niya ako o hindi. Basta ang importante ay makabalik ako sa hotel.

Naabutan niya ulit ako. He is looking at me. Parang lumalagpas ang kanyang tingin sa kabuuan ko sa sobrang talim nito.

"Eliana, I know that you already know what my feelings are." Ramdam ko ang nginig sa kanyang boses. Kahit nasa harapan ko siya at ramdam ko ang paghinga niya ay hindi ko pa rin magawang tapunan siya ng tingin. I was busy seeing the waves of the ocean, pero sinisiguro kong naririnig at naiintindihan ko ang bawat salitang binibitiwan niya.

Whispers of the Sun (Weather Series One)Where stories live. Discover now