CHAPTER 21

5 0 0
                                    

ELIANA

CLOSER

Hindi ko tuloy nasabi ang dapat kong sabihin at dapat niyang marinig. Hindi ko alam kung ano ba ang pinaplano niya. Hindi ko mabasa ang bawat kilos niya ngunit nasisiguro kong hindi ito maganda.

Nang malapit na ako sa bulwagan ay natanaw ko agad si Lucas na nakatayo at nag-aalala ang itsura. Agad itong lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

“Eliana, where have you been? Sino ba kasama mong umalis? Who is that guy? Pupuntahan na sana kita nang makita ko kayo kaso palapit ka na rito.”

He kissed me on forehead. So, nakita niya?

“I’m okay, Lucas. Don’t mind me. He’s just a stranger.”

“If he is a stranger, why you are with him?”

Bakas sa boses niya ang pag-aalala at hindi ko rin siya masisisi. Hindi ko pa alam kung anong meron sa amin ni Lucas ngunit nasisiguro ko na malalim ito at alam kong sasang-ayon ang panahon sa amin. I want Lucas to protect me. I want Lucas to give me peace. I want him to own me.

Pinisil ko lamang ang kanyang pisngi tsaka ngumiti. Malalim ang kanyang paghinga at sinasabayan ng buntong-hininga. “I’m okay, Lucas. Thank you for saving me.” Kumurap-kurap ito at parang hindi naintindihan ang sinabi ko.

Totoo naman, he saved me from oblivion.

He saved me from my wreck ship.

“Alright, then. I’m so worried and I don’t want to lose you now, Eliana.” He quickly kissed my lips and hugged me again.

“Lucas...”

“Yes, my sunshine?” malambing niyang tanong habang nakayakap pa sa akin. Gumanti naman ako ng yakap.

“I need to go to the c.r., I’m going to pee.”

He chuckled and pinched my nose.

Habang nasa loob ng cubicle ay may narinig akong mga paa na paparating.
Pinabalik ko muna si Lucas sa table namin dahil baka hinahanap na siya nga mga kasama namin at sabi ko susunod na lamang ako.

Nang matapos akong umihi ay medyo narinig ko ang usapan ng nasa labas kaya imbis na lumabas ako ay naging chismosa pa ang lagay ko sa loob.

"What? Nandito si Eliana?!" That voice is very familiar to me. Hinding-hindi ako pwedeng magkamali. Kaya naman ay hindi muna ako lumabas sa cr at mas ginalingan ang pakikinig.

"Yes, iyong pinsan mong feeling main character sa isang storya." Kumunot ang noo ko sa nagsalita, hindi siya familiar sa akin ngunit nakasisiguro akong kilala ko siya.

"I want to see her," Angelica said. Bakit gusto niya ako makita? Akala ko ba ayaw nila sa 'kin?

"She's with a guy when I saw her earlier." Mapapansin na nag-iba ang tono ng pananalita ng kausap ng pinsan ko. What's the big deal? Hindi lang rin naman ako ang kasama ni Lucas dito, we are with our team.

"A guy? Who's that guy?"

"A businessman from Manila. He's Lucas Roshan Sadoval." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pangalan ng mahal ko. I can't take this anymore. Lumabas na ako sa kubeta na animo'y pawis na pawis habang nakaharap sa kanilang dalawa. Wala na rin naman akong inaasahang reaksyon kundi ang gulat sa kanilang mga mukha.

"E-Eliana," they uttered my name. I saw Angelica's face formed into hatred. Ano pa namang aasahan ko? Halos isuka niya na nga ako noon pa. "What are you doing here?" Masyado siyang overacting ngayon—kahit noon pa rin pala.

Tinignan ko muna sila mula ulo hanggang paa bago ako nagsalita. I chose to stay calm. "Wala bang nakarating sa iyo na pwede kahit sino ang pumunta rito?" Tumaas ang isang kilay niya na parang hindi kumbinsido sa sinabi ko.

Siguro ay nagtataka sila kung bakit ako nandito at mas lalo na kung bakit ko nilisan ang lugar na ito.

"Yah, of c-course, I know." Umiwas ito ng tingin ngunit ilang segundo lamang ay bumalik ang tingin sa akin. "I mean, you're not into party, you know, cheap things is your bestfriend," maarte niyang sabi. Tinapunan ko naman ng tingin ang kasama nito na medyo natawa sa sinabi niya.

"Truth, ayoko na rin sana pumunta rito kasi makikita kita, at nagkita nga tayo." Ngumiti ako nang matamis. "But Lucas Sandoval invited me to be his date tonight. Ang kulit eh," sabi ko habang nakangiti. Namilog naman ang kanilang mga mata na parang hindi makapaniwala.

"My Sunshine, are you there? Matagal ka pa ba diyan?" Agad na napatingin ang dalawang babae sa likod ko, kaya naman ay tumingin din ako sa direksyon kung saan sila nakatingin. Wala man lang kami narinig na katok kundi boses lamang ng isang lalaki. I know it's Lucas, hindi siya kumatok para hindi kami maistorbo.

Habang nakatingin sa pinto ay napangiti ako, napuno ng katahimikan sa loob ng comfort room kaya humarap na ako sa dalawa.

"I'm sorry, I think, I should go now. Lucas already miss me. Sabi ko nga na hintayin niya na lang ako sa table namin pero mukhang ayaw niya." Nakita kong lumaki ang butas ng ilong ng aking pinsan dahil sa galit. Ang alam ko lang ay ayaw niyang may sumasagot sa kanya pero siya naman ang nag-uumpisa ng alitan.

"B*tch," narinig kong bulong nito nang tumalikod na ako sa kanila. I smiled. Humakbang na lamang ako palabas at iniwan ang pinsan ko at kaibigan niya.

'I know who's the b*tch, I think it's you.'

Paglabas ko ay nakita ko ang mukha ni Lucas na parang alalang-alala. "Are you okay? You're almost twenty minutes there. Are you alright?" Ramdam ko rin ang tagaktak ng pawis sa kanyang noo habang nakahawak sa magkabilang balikat ko.

"I'm super okay, Lucas," sagot ko. "Let's go?" Niyaya ko na siyang pumunta sa table namin para hindi na siya magtanong at mangulit. I don't think if this is the right time to tell what happened inside the comfort room.

I want peace of mind.

"Ipapa-cancel ko na muna ang team building, uuwi na tayo bukas sa Manila."

Casual niyang sabi saka hinawakan ang kamay ko sabay lakad papunta sa karamihan.

"Lucas! Why?”

He only chuckled this time. I don't know what's going on here. Siguro lasing lang siya kaya ito nakapag desisyon nang gano'n.

Moving in Manila is a happy moment in my life, but not in this situation that I might ruin this event.

“Would you mind if you share what happened inside?” tanong ni Lucas habang naglalakad kami papunta sa upuan namin. Siguro narinig niya ako kanina sa loob ng banyo.

Tumikhim ako bago nagsalita. Nakabalik na kami sa upuan namin at love song na rin ang naka-play.
“Not a big deal. She’s my cousin.” Kumuyom ang aking kaliwang kamao na nakahawak sa gilid ng upuan.

“Are you hurt or something? What did she do to you?”

“Lucas, I’m fine. I’m used to it.” Totoo naman. Sanay na sanay na ako sa ugali niya. Gusto niya atang sambahin ko siya dahil gano’n ang trato niya sa akin.

Habang nakatingin sa mga taong masayang sumasayaw, nakita ko ang kamay ni Lucas na nakalahad sa harap ko. Pag-angat ko ng tingin ay doon ko napansin na nakatayo rin pala siya.

“Can I have this dance?” Sumilay ang kanyang ngiti. Walang alinlangan kong tinanggap ang kanyang kamay at tumayo.

“You need to get closer with me, Eliana.”  Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Nang magkaharap kami ay agad niyang inilagay ang mga kamay ko sa kanyang magkabilang balikat at tinunton naman ng kanyang mga kamay ang aking bewang.

Gaya nga ng sinabi ni Angelica kanina, I’m not into parties. Talagang hinahamon ako ng isang Lucas Roshan Sandoval.

“Step closer, my sunshine.”


@lherughhh

Whispers of the Sun (Weather Series One)Where stories live. Discover now