02: Marc
Cooper
"Cheers, at happy birthday sa'yo Finn." Maligayang sabi ni Asher at tinaas namin ang shotglass. Mabilis kong nilagok ko ang inumin at napangiwi nalang ako sa pait.
Nandito kami ngayon sa bar dahil birthday ng isa kong kaibigan na si Finn kaya nagpasiya ang aming grupo na dito nalang icecelebrate dahil palainom naman ng alak si Finn.
"Eigthteen kana tol, legal ka na at pwede nang makulong." Pabirong sabi ni Kael at tsaka tinapik ang likod neto.
"Baka ikaw ang unang makulong sa ating mag babarkada." Hindi ni Finn pinalagpas na biruin din si Kael pabalik. Nagsitawanan lang kami sa kanyang nasabi.
Mag aalas tres na nang madaling araw at ang mga barkada ko ay parang lasing na. Sina Asher at Ryzen mukhang nahihilo, si Finn naman parang namumula ang buong mukha at si Kael na parang masusuka na ito dahil palagi niyang tinatakpan ang bibig niya
Pero ako? Hindi, dahil light drinks lang yung iniinom ko samantala sa kanila mga hard drinks. Magsisimbang gabi pa kasi ako dahil na miss ko yung poging nonchalant na yon. Baka lumabas talaga ang amats ko don kapag nagkita kami.
"Mga broskies, parang tahimik kayo ha. Let's play shot or dare." Finn suggested at mukhang iteresado naman ang tatlong sa nasabi niya except sakin. Umo-o naman ang tatlong kupal pero ako ay umiling lang.
"Pass, may pupuntahan pa ako mamaya." Rason ko at agad naman nag-ingay silang apat. Parang ayaw talaga nila kapag hindi ako sumasali
"Magkikita kaba don sa lalakeng kakameet mo sa simbahan?" Sa tono pa lang ni Kael mukhang lasing na ito pero nagawa niya pang mag straight talk.
Naikwento ko sa kanila yung lalakeng nakilala ko sa simbahan habang papunta kami dito sa bar kaya alam na nilang lahat.
"Ano naman? As if ikaw yung nasa kalagayan ko." Pasigaw kong sabi dahil mas umiigay na lalo ang music.
Umiinit na rin ang aking pakiramdam dahil sa mga iniinom ko. Parang gusto kong buhusan ang aking sarili ng malamig na tubig.
Nakita kong umiling lang ito at inubos ang beer na hawak niya tsaka inilagay sa lamesa.
"So let's start." Nakangising sambit ni Finn at inikot ang bote. Wala pa nga ako sinabi kung sasali ako o hindi pero sige, baka pagsabihan pa nila ako ng Kill Joy. Sana naman hindi tumama sa akin ang bote.
Sa unang ikot ng bote ay tumama ito kay Kael na ngayo'y nakangisi ito at alam na niya kung ano ang utos na ipapagawa sa kanya. Magsasalita sana si Finn nang inunahan ko siya.
"Dilaan mo ang bentilador na yon, nag naka on." Tinuro ko to ang isang electric fan na naka on malapit sa amin at agad naman humalakhak ang mga barkada ko ngunit si Kael ay nakasimangot lang ito sa akin.
"Nagbibiro kaba, gusto mo-"
I cutted his saying. "Shot o gawin mo ang dare." Seryoso kong sabi. Gusto mo pala ang laro na yan ha, kaya pahihirapan kita.
Hindi niya ginawa ang dare at nagsalin siya ng inumin sa shot glass tsaka ito nilagok. Ang sama ng tingin niya sakin, parang babalatan na niya ako ng buhay.
Oh bakit, may masama ba sa dare ko? Kaya nga dare eh, it’s either gagawin mo o hindi. Akala niya siguro, ipapahalik ko siya sa mga umiinom sa kabailang table.
"Gaganti ako sa'yo." Sinamaan ako ni Kael ng tingin at inikot ang bote. Tumama ito kay birthday boy, Finn. Malaki ang ngisi ni Kael sa labi bago siya nag salita.
"Kiss that guy." Turo niya sa isang feminine na lalake, feminine kasi kitang kita sa mukha na naka make up pa heto tsaka naka boots at palda na mahaba na kulay itim.
BINABASA MO ANG
Simbang Gabi
Teen Fiction"Kapag nakumpleto mo ang siyam na araw sa Simbang Gabi, matutupad ang hiling mo." Iyan ang paniniwala ni Cooper, kaya't desidido siyang pumunta sa simbahan araw-araw para magdasal, hinihiling na sana magkaroon na siya ng boyfriend dahil palagi nalan...