03: Grocery

4 1 0
                                    

Cooper

Abala ako sa paghihiwa ng mga karne na binili namin ni Asher sa atrium. Kahit umaga pa kami pupunta don ay bukas pa rin dahil twenty four, seven yung shop.

Namiss ko ring maglutoahil parang halos isang buwas na rin akong hindi nagluluto dahil panay bili lang ako ng mga pagkain sa karinderia na malapitlang sa amin.

"Ano ba yan Cooper, spagetti sauce na nga lang nakalimutan mo pa." Bulyaw sakin ni Asher habang hinahanap niya ang sauce mula sa plastic na groceries na binili naming kaninang gabi.

Nandito kami sa bahay si Sam kung saan magluluto siya ng spagetti para sa mga bata dito sa baranggay. Kada taon, ginagawa namin to dahil gusto din namin ipamahagi ang mga biyayang natanggap din namin. Kumbaga give and share.

Alas tres na rin ng madaling araw at konti lang ang tulog ko dahil syempre alam niyo naman kung bakit, mag sisimbang gabi at makita si poging nonchalant, este si Marc.

"Nandiyan yan kasi, hanapin mo. Wag mo gamitin ang bibig sa paghahanap, mata gamitin mo." Hindi ko na siya tinignan habang busy ako sa aking gawain.

"Naka limang minuto na akong pahanap hanap sa mga laman ng plastic pero wala, ikaw kaya maghanap." Tinignan ko na siya at naka-crossed arms na ito, halata sa mukha niya ang inis dahil hindi ito nakita.

Pag nakita ko yon, pipitikin ko talaga ang mata niya. Hindi kasi marunong maghanap.

Umalis siya sa pwesto niya at tumungo ako roon upang hanapin ang sauce ngunit sa paghahanap ko ay mapansin akong kakaiba.

"Bakit apat lang na plastic ko, akala ko lima to?" Tanong ko hababg nakakamot sa ulo.

"Kanino bang trabaho yung siya ang maglalagay ng mga groceries sa cart at tsaka ilalagay sa likod ng sasakyan, hmm." Sarkastiko niyang sabi habang nakalagay ang darili niya sa baba niya at nakatingin sa kisama, kunware nagiisip.

Leche! Akin pa yung trabaho na yon. Ngumisi lang ito sa akin at tinignan ko siya ng masama.

"Baka tinago mo." Paguusisa ko sa kanya. Naiba naman ang timpla ng mukha niya.

"Ako? Nagtago? As if gawain ko yan." Itinuro niya ang hintuturo sa akin at gumawa siya ng senyas na hindi. I know na si Kael yung makulit samin pero baka naman kasi. "Bumili ka ulit don, sa atrium. Lakarin mo lang ha kasi malapit naman yon."

Tinaasan ko siya ng kilay

"Ikaw nalang kaya ang bibili, marunong akong magluto keysa sa'yo."

"Bahay ko to kaya ikaw na, tinatamad akong lumabas." Simaan ko siya ng tingin. Kinuha ko ang wallet at tsaka na lumabas ng bahay niya.

Parang ginawa na niya akong yaya porket bahay niya. Ginulo ko ang buhok ko sa inis. Siguro sa sobrang antok hindi ko na namalayan na nakalimutan ko ang plastic sa counter pero naalala ko na nabili ko yon ksi yan ang inuna kong inilagay a cart.

Naka blue polo shirt lang ako at naka cargo pants na white. Hindi na ako nagpalit na ng damit kasi magsisimba gabi nanaman ako mamaya.

Nang makarating ako ay nilinga linga ko ang aking mga mata sa paligid dahil baka naiwan ko dito sa labas ngunit wala akong nakita na plastic.

Pumasok na ako sa loob at pumunta sa loob at tsaka lumapit sa counter seven kung saan ko ito nakalimutan at tinanong ang babaeng cashier.

"Uh miss." Tumigin ito sa akin habang nililinis niya ang kanyang kamay gamit ang alcohol. "May nakita po ba kayong plastic na nay lamang spagetti sauce sa counter nato." Tanong ko at turo ko pa sa counter.

"Wala sir. Kakauwi lang din nung cashier kaya ako muna ako pumalit." Saad nito at binibilang niya ang twenttypeso bill at inilagay ito sa isang maliit na pouch.

Simbang GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon