09: BibingkaMarcus
December 2019Touchdown. Hello Philippines.
This is my second time here visiting this country at parang ganon pa rin ang simoy ng hangin.
Alas tres na ng umaga nung nag landing ang eroplano sa airport kaya dali dali kong inayos ang aking sarili para lumabas.
Naka hoodie ako at maong pants dahil sa sobrang lamig ng panahon. Kahit na makapal ang suot ko ay ramdam ko pa rin ang lamig na dumadampi sa aking balat.
Kasama ko ngayon sina mom, dad, my brother and sister kasi nung nakaraan ay ako lang mag-isa dahil inaalagaan ko si lola pero ngayon, I am happy kasi kasama ko na sina dito sa pinas.
If hindi niyo na itatanong, I've study filipino words and grammar when I was in states kaya medyo naging mahusay na ako sa pagsasalita sa filipino. I’m just thankful to my filipino friend who helped me understand and pronounce it well.
Nang makalabas ako sa eroplano ay hila hila ko ang isang luggage na naglalaman ng mga pasalubong na ibibigay ko sa aking mga kaibigan but then suddenly, I remember Cooper.
He promise me that I will gave him a maple leaf. Kamusta na kaya siya? Okay ba siya? Naging matured ba ang facials siya? Ewan ko ba kung nagbibiro siya sa kanyang hiling.
Nang makarating kami sa departure area ay nagulat ako kasi nandon si lola na kumukuway pa ito sa aking dirksiyon, kasama niya ang mga maid na nag-aalaga sa kanya kapag wala ako.
Mabilis akong tumakbo at niyakap siya ng mahigpit.
"Apo, namiss talaga kita." Sabi ni lola habang magkayakap pa rin kaming dalawa.
"I miss you too, grandma." Bumitaw na kami sa pagkayakap. Kinurot niya ang aking pisngi kaya napaaray ako sa sakit.
"Ang laki mo na apo." I smiled at her. "May girlfriend ka na ba ang apo ko?" I akwardly laughed.
Sa dinarami raming tanong, bakit ba kaya yan ang naisipan niya? Pwede naman mag simula sa 'kamusta ka na, apo'.
"Lola naman, I'm busy studying kaya impossible na magkaroon pa ako ng ganyan."
My grandma truly understands my tagalog, nung dati ay panay bulol lang ako pero ngayon ay nakakapagsalita na ako ng maayos.
Dumating na din ang pamilya ko at isa isa sila nagmano kay lola. Si mom naman ay nakipagbeso pa kay lola na parang magbabarkada lang ang turing.
"Oh grandma, I miss you much." Hinaplos niya ito ang pisngi ni lola na para bang hinihilot ito.
"Mom, grandma doesn't know some of english word." Sabi ko sa kanya at tinignan si lola. "Sabi ni mom, namiss ka niya, lola." Ngingitian ko si lola at yung pamilya ko ay takang naka sa sinabi ko.
Matagal na rin kasi silang nakapagpunta dito kaya nakalimutan na din nila ang mga basic tagalog words kasi panay english kami don sa states.
"Nako, mas gumanda ka pa lalo. Ang tagal ko na ring hindi ka nakita." Inayos ni lola ang buhok ni mom sa tenga at siya naman ay parang hindi maipintan ang mukha niya. Siguro hindi na alam kung ano ang sinabi ni lola sa kanya.
"Lola said you look beautiful, mom." Ginawa pa talaga nila akong translator oh. Biglang sumulpot si kuya sa gitna ng paguusap naming.
"I'm hungry, do you have food at your house, Grandma?" Tanong ni kuya habang hinihimas niya ang kanyang tiyan.
BINABASA MO ANG
Simbang Gabi
Teen Fiction"Kapag nakumpleto mo ang siyam na araw sa Simbang Gabi, matutupad ang hiling mo." Iyan ang paniniwala ni Cooper, kaya't desidido siyang pumunta sa simbahan araw-araw para magdasal, hinihiling na sana magkaroon na siya ng boyfriend dahil palagi nalan...