"Kapag nakumpleto mo ang siyam na araw sa Simbang Gabi, matutupad ang hiling mo." Iyan ang paniniwala ni Cooper, kaya't desidido siyang pumunta sa simbahan araw-araw para magdasal, hinihiling na sana magkaroon na siya ng boyfriend dahil palagi nalang siya iniiwan ng mga ka fling neto. Isang umaga, parang sinagot ang dasal niya nang may guwapong lalaking nangangalang Marcus na umupo sa tabi niya. Nakita ni Cooper ang pagkakataon, kaya inihanda na niya ang kanyang mga moves para subukang makuha ang loob ni Marcus. Ngunit, hindi inasahan ni Cooper na muling aalis ng bansa si Marcus, lalo na't bumibisita lang ito taun-taon tuwing simula ng Simbang Gabi sa Pilipinas. Magpapatuloy pa kaya ang kanilang pagkitang muli, o ito na ba ang huling pagkakataon? Ikaw, anong kwentong simbang gabi mo? Date Started: September 18, 2024