05: Date Interrupted

5 1 0
                                    

Cooper

"So, are you ready to tell me why you were avoiding me?" Tanong ni Marc pagkalabas namin ng simbahan.

Kanina pa niya ako kinukulit sa loob, kaya hindi ako makapag-focus sa misa. Desidido siyang malaman kung ano talaga ang dahilan.

Naglalakad kami sa paligid ng plaza, nagpapahangin at tinitingnan ang mga tinitindang pagkain. Umaasa akong ililibre ako ni Marc.

"Akala ko ba uuwi ka na?" Pabirong sabi ko, sinamahan ng ngiti. Biglang sumeryoso ang mukha niya kaya agad din akong nagseryoso.

"I told you, if you didn't answer my question, you will never see me again."

Mukhang seryoso si Marc. May naisip na akong dahilan, pero hindi ako sigurado kung maiintindihan niya o tatanggapin ito.

Bakit ko ba naman siya iniwasan kanina? Parang nakaramdam ako ng konting guilt, pero at the same time, ayaw kong malaman ng mga kaibigan ko na may connection kaming dalawa kahit na wala silang idea kung sino siya.

"Sige na nga. Iniiwasan kita kanina kasi baka isipin ng mga kaibigan ko na nilalandi kita," pag-amin ko. Kumunot ang noo niya, halatang hindi niya na-gets ang sinabi ko.

"Nelelende? You mean, courting me?" Tanong niya? Natawa ako sa sinabi niya dahil nabubulol ito. "Why? Is my Tagalog accent wrong?" Yumuko siya, parang nahihiya.

Ang cute niya talaga, sarap kurutij sa pisngi. Parang bata kapag nahihiya.

"Hindi, hindi. Ang cute nga eh," ngumiti ako, habang iniisip ko kung dapat ko ba siyang alukin na tagalog lessons. Nakakatuwa kasi pakinggan ang accent niya.

"Why? Are you afraid your friends will find out you're flirting with me?" He smirked, teasing me. "But when you're flirting with me in church, it's like you have no shame."

Hindi ako nakailag sa sinabi niya ha. Kung makapagsabi naman siya, parang sinanpal ako katotohanan.

"Hindi naman ganun. Naniniwala lang kasi ako na kapag sinabi mo sa mga kaibigan mo ang tungkol sa crush mo o sa taong nilalandi mo, baka mausog. Parang nagiging malas." Bahagya siyang tumingin sa akin gawi.

"Ma what? Usog? What's that?" He curiously asked.

"Usog," pag-uulit ko pa. "Parang may bad energy o sumpa. Sa relasyon, kapag kinuwento mo sa iba, puwedeng magkalamat o magka-problema. Parang nagiging malas yung relasyon."

Napatango siya, parang nag-iisip nang mabuti.

"Oh? But we are not in a relationship, Cooper." Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya. Grabe naman to kung maka real talk.

"Hindi, parang ano siya, basta. Ang hirap i explain." Napakamot nalang ang ng buhok sa inis.

Pamahiin ko na 'yun mula pa noon. Tuwing nagkakaroon ako ng crush o nilalandi ko ang isang tao, kinukwento ko agad sa mga kaibigan ko. Pero palaging nauuwi sa hindi magandang pangyayari, iniiwasan o gina-ghost ako kinabukasan. Gano'n din ang nangyari sa amin ni Alex, dalawang taon na ang nakalipas.

"Oh, I get it. Nothing's wrong if you believe in superstitions though," sabi niya habang iniisip pa rin kung ano ang sasabihin. Buti naman ay nakuha niya kung ano ang punto ko sa aking sinabi. "But I want to meet and talk to your friends someday."

Bakit niya naman gustong makipagkaibigan don sa mga mokong kaibigan ko? I mean, okay naman, pero baka mainlove pa siya sa isa kong kaibigan, paano na ako? Joke lang!

Speaking of kaibigan, biglang pumasok sa isip ko ang dapat na itanong sa kanya.

"Kaibigan mo rin ba yung mga naghatid ng mga pagkain kanina sa covered gym?" Tanong ko, para makasiguro kung kaibigan niya ba talaga o hindi.

Simbang GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon