06: Apologized

4 1 0
                                    

Cooper

Nakailang katok na ako sa pinto pero hindi pa rin binubuksan ni Sam. Malapit nang sumikat ang araw, at sana dito na lang ako magpahinga. Maya-maya, bumukas ang pinto at nakita kong lumitaw si Sam, naka-puting sando at itim na shorts.

"Cooper?" Hindi ko na siya pinansin at ako na ang pumasok. Umupo ako sa sofa at ipinatong ang ulo ko sa malambot na foam. "Ano bang nangyari kanina? Ang dami mong sinabi sa tawag, anong emergency 'yun? Bakit gusto mo akong tawagan?" sunod-sunod niyang tanong.

Hinilot ko ang aking sentido. Kakapasok ko lang, binunggad niya kaagad ako ng mga tanong.

"Chill, Sam," pagpapakalma ko sa kanya. Huminga ng malalim bago nagsalita. "Ipapaliwanag ko sa'yo kung bakit kita tinawagan kanina, at tsaka wala naman talagang emergency."

Tumayo ako at napansin ko ang apple juice sa lamesa. Agad akong nagsalin ng inumin sa baso.

"Akala ko nabuang ka na sa tawag kanina." Natatawa niyang sabi habang pumunta siya sa sink para kumuha ng plato at nagsalin ng ham at bacon. Bumalik siya sa lamesa at umupo sa harapan ko. "So, anong nangyari? May masamang nangyari ba sa'yo?"

"Siguro," sagot ko nang hindi sigurado.

Naisip ko kung sasabihin ko ba sa kanya si Marc. Wala pang ibang kaibigan ko ang nakakakilala sa kanya o nakakaalam kung sino siya. Siguro panahon na para sabihin kay Sam, lalo na't siya ang pinakaunang kaibigan ko simula pagkabata.

"Diba hindi mo pa kilala 'yung guy na nilalandi ko tuwing simbang gabi?" Umiling siya sa aking tanong. "Ang pangalan niya ay Marc. Short for Marcus. Mag-iisang linggo na kaming magkasama tuwing simbang gabi. Nung una, akala ko suplado siya, pero habang tumatagal, naging okay naman kami." Pagkukukwento ko sa kanya.

"Tapos, anong nangyari? Ghinost ka ba?" Pabirong tanong niya.

"Hindi, no!" Tumaas ang boses ko. "So, kanina, kumain kami sa isang cafe, yung tambayan nating magbabarkada. Okay na sana kaso merong pumasok na babae, Anya daw ang pangalan."

"Girlfriend niya?" I instanly shook my head

"Hindi. Nakababatang kaibigan lang niya pero naseselos ako." Nagbago ang ekspresyon ni Sam, parang naguguluhan o nagtataka.

"Ba't ka nagseselos kung magkaibigan lang talaga sila?" Seryoso niyang tanong.

"Yun nga eh, pero kung makakapit si Anya kay Marc, parang hindi na niya ito bibitawan,"

Umayos ng upo si Sam at tinignan ako directo sa aking mga mata.

"Ayan ka na naman, kaya hindi ka nagkakajowa kasi pinapalaki mo agad ang maliit na bagay. Assuming ka masiyado." Inirapan ko si Sam.

"Ewan ko kung ano ang gagawin ko, baka naturn off na yun sa akin." I cupped my face at ipinatong ang siko sa lamesa.

"Overthink?" Tumayo siya at tumabi sa akin sa pagkaupo. "Kausapin mo nalang siya o maghingi ng patawad. Maiintindihan niya naman siguro yon."

Naramdaman ko ang kanyang haplos sa aking likod bilang pagcomfort sa akin. Ayaw na kasi ni Sam na makitang ulit na bigo ako sa pag-ibig.

"Baka hindi na niya ako mapatawad."

"Edi kasalanan mo na yan." Kinurot ko siya sa tagilira at napaaray siya sa sakit. "Ang negative mo talaga sa life Cooper."

Ganyan naman talaga siya magpayo. May pagkseryoso na may biro. Sa aming mag babarkada, siya lang yung may matino payo, yung tatlo deadma na pero mahal ko naman sila.

"Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, kung saan ako mag so-sorry sa kanya." Mahina ko sabi. Parang nadidismaya na talaga ako.

"Cooper, seriously, you need to calm down. Kung magpapadala ka sa mga iniisip mo, wala kang mararating," sabi ni Sam habang hinihigop ang natitirang kape sa baso. "Alam mo, sa totoo lang, minsan masyado mong iniisip ang mga bagay-bagay."

Simbang GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon