08: Christmas

2 0 0
                                    

Cooper

"Pst."

Narinig ko ang tawag mula sa labas ng pinto kaya hinayaan ko lang ito. Kakatapos ko lang mag simbang gabi dahil bisperas ngayon at mamaya na ang pasko. Hindi nga ako excited kasi hindi ko man lang nakasama si Marcus sa pagcountdown sa pasko.

"Huy, Cooper." Sa boses pa lang ay alam ko na kung sino ang tumatawag sa akin si Kael. Iniyugyug niya ang aking kamay kaya tinapon ko ang una sa kanyang mukha. "Aray ko."

Napahawak ito sa kanyang mukha.

"Hala, sorry sorry." Dali dali akong tunayo mula sa kama at tinignan siya. "Ikaw kasi, alam mong natutulog ang tao gigisingin mo."

Napahalukipkip nalang ako. Halos hindi ako makatulog kagabi kakaisip kay Marcus na yon dahil pupunta na siya sa states. Masyado na akong nagooverthink sa mga nangyayari.

Mamaya na ang pasko pero heto ako ngayon, malungkot.

"Bumaba kana kasi magsastart na yung christmas party natin." Sabi ni Kael

"Guys." Napatingin kami at nakitang sumilip si Asher sa pintuan. "Buti nagising kana Cooper, tara na sa baba."

Umalis na si Asher at tsaka lumabas na din si Kael. Nagunat unat muna ako bago bumaba sa kama at inayos ang aking sarili sa salamin.

Hindi naman lagpas sa isang oras ang tulog ko pero bakit nanghihina pa rin ako. Para akong nakainom ng ilang alak tapos nanglilibot ang aking paningin, ewan ko ba bakit ganito ang kalagayan ko ngayon.

Lumabas na ako sa kwarto ni Asher dahil napagisipan namin na dito kami icecelebrate ang aming christmas party.

Pagkarating ko sa sala ay nagulat ako nang makita ang aking mga pamilya na nakaupo sa sofa. Teka? Bakit sila nandito?

Lumapit ako sa kanila at binigyan ng yakap. Pinayagan naman nila ako na mag christmas party dito sa bahay ni Asher pagkatapos ay uuwi lang ako bandang mag hahating gabi.

"Nagulat kaba, anak?" Tanong ni Mama. Kumalas ako sa yakap at umiling lang habang ngumingiti.

Siguro, okay na din to kasi nandito sila. Nandito na rin ang mga pamilya ng mga barkada kaya magiging masaya ang pagdiwang namin ng pasko mamaya.

Nagsimula na ang aming christmas party. Pinauna namin nilaro ang aming mga pamilya at yung unang laro is pop the balloon. So bale, yung laro is ang lalake ang puputok ng lobo tapos yung babae is nakatalikod lang tgen ilalagay ang lobo sa bandang likod tapos dun puputukin.

Bakit sa dinarami raming mga laro, heto pa talaga ang naisip ng mga kaibigan ko. Naiilang ako. Enjoy na enjoy pa naman ang mga matatanda.

Nang matapos na sila maglaro ay kaming magbabarkada nanaman ang sumunod. Grabe, napakabagong laro.

Sa unang ikot ay ako kaagad ang naunang natalo. Sa pangalawang ikot ay nagkaagawan ng pwesto sina Finn at Kael, sa sobrang pagtatalo nila sa upuan ay bumigay ito kaya nasira at nahulog solang dalawa sa sahig.

Tawang tawa kaming lahat na nandito sa bahay sa nangyari, pati na sina Kael at Finn at hindi na ring mapigilang tumawa.

"Yan tuloy, bumigay kasi mabaho ang pet niyong dalawa." Pagbiro ni Asher sa dalawa.

Simbang GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon