07: Seaside

5 2 0
                                    

Cooper

Ang bilis lang talaga ng panahon. Parang noong isang araw lang, December 16 pa, pero ngayon ay December 23 na. Bukas na ang bisperas ng Pasko, at isang misa na lang ang kailangan kong attend-an para makumpleto ang Simbang Gabi. Sa wakas, magagawa ko na ang hiling ko.

Nandito kami ngayon ni Marcus sa loob ng simbahan, parehong lugar kung saan kami unang nagkakilala noong unang araw ng Simbang Gabi. Mula noon, ito na ang naging spot namin sa likod, malapit sa isang bintana kung saan may tanaw ng mga bituin. Nararamdaman ko ang malamig na simoy ng hangin, pero parang mas malamig ang paligid ngayong gabi.

"Will you go home after this mass?" tanong niya bigla, sinira ang katahimikan naming dalawa.

Wala lang ako sa mood makipagusap ko kanya dahil nakikinig ako sa misa, at tsaka parang wala naman akong maibabanat pa sa kanya dahil parang naging close ko na siya.

Napatingin ako sa kanya, nagtataka. Si Marcus kasi, siya ang laging unang umaalis pagkatapos ng misa, kaya't medyo nakakapagtaka na ngayon ako ang tinatanong niya kung uuwi na.

"Depende," sagot ko, tinatantya kung anong balak niya. "Kung uuwi ka, syempre uuwi na rin ako."

Nakita ko sa may peripheral ko na nakatingin siya sakin at ako naman at nakatitig lang ng diretcho sa misa.

"Would you mind coming with me later after this mass?" tanong niya.

Tinignan ko siya sa mata at nagsalita.

"Bakit? Saan ba tayo pupunta?" Hindi ko maiwasang magtanong, dahil bihira siyang mag-aya ng ganito. Mas sanay ako na matapos ang misa, sabay kaming lalabas ng simbahan, magpapalitan ng ilang kwento, tapos maghihiwalay na rin.

"I'm going to buy flowers and some gifts for mom and dad. I'll be returning to the States once the Simbang Gabi ends."

Parang may sumampal sa akin na malamig na hangin. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa sinabi niya. Gusto kong mag-react, pero nanatili akong tahimik. Ganon ba ako kamalas pagdating sa pag-ibig? Lagi na lang akong iniiwan sa dulo?

Umiling ako, sinusubukang itago ang emosyon. Ayokong ipakita kay Marcus na gulat na gulat ako.

"Uh," sambit ko, umiwas ako ng tingin at humarap na lang sa altar kung saan patapos na ang misa. "Bakit ka nanaman pupunta sa States?"

"I'll finish my remaining studies there in university." He said in a casual tone.

Sinubukan kong mag-focus sa misa, pero hindi ko mapigilan ang pagbalik ng tingin kay Marcus. Nag-aalala ang aking mukha pero siya ay seryoso lang to, ni walang bakas man lang na mamimiss niya ako.

Kung maka asta naman ako parang boyfriend niya

"I see," tipid kong sagot. Gusto ko sanang magsalita ulit, pero parang napako ang aking dila at hindi ko ito magawa.

"Why? Will you miss me?" He playfully smirked.

Aba! First time niyang bumanat sakin at hindi ko yon inexpect galing sa kanya. Kung binanatan niya ako, gagantihan ko rin siya ng ganyan.

"Syempre, yung asawa ko nasa ibang bansa, tapos ako nandito sa Pilipinas," sabi ko nang may bahagyang diin, halatang may halong sarcastic. "Pero ikaw ba, mamimiss mo ako?" Binalik ko sa kanya ang tanong.

Umilang lang siya ng tingin sa akin at tumingin sa altar. Bakit iniwasan niya ang taning ko. Silence means yes, so oo. Assuming na kung assuming.

"Yie, mamimiss niya ako." Palambing kong sabi habang tinutulak siya gamit ang aking braso.

"I didn't say anything."

"Action speaks louder that words."

"I didn't do anything either."

Simbang GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon