04: Avoiding Him

3 1 0
                                    

Cooper

"Ilagay mo yan sa loob ng sasakyan, sa may harap." Utos sakin ni Asher.

Pupunta kami ngayon sa covered court dito sa aming baranggay dahil ngayon na namin isasagawa ang giving season sa pasko.

Excited dahil taong taong namin ito ginagawa at kakasimula lang namin nung nakaraang taong.

"Dahan dahan lang kasi Kael, baka mahulog." Rinig kong ang inis na sambit ni Finn sa aking likuran. Binibitbit nila ang isang malaking coolbox at sakto naman ang laki neto sa likod ng sasakyan.

"Okay na ba? Wala na bang kulang?" Tumingin kami lahat kay Ryzen. Umiling lang kami bilang sagot.

"Sakay na kayo." Ani Asher. Si Asher ang mag dadrive, si Ryzen naman sa front seat at kami nina Kael at Finn ay naka likod.

Pinaharurot na niya ang kotse at tahimik lang kami sa byahe. Ni isa sa amin ay walang umikmik o kinukulit sa amin. Maya'y maya ay pinaandar ni Asher ang radio ng sasakyan.

"Uy, diba theme song niyo yan ng ex fling mo, Kael?" Tanong ni Ryzen na nakatingin sa kanya.

"Maaga pang magrelease pre, mamayang alas diyes mo nalang gawin yan." Sabi ko at tinapik tapik ang likod niya na parang cinocomfort ko siya.

"Gago kayo, nakamove on na nga ako don sa kanya at tsaka past is past, never discuss." Sambit ni Kael.

"Never discuss daw, eh narinig ko nung nakaraang buwan, sabi mo namimiss mo na siya." Natatawang sabi ni Asher habang nakatutok ang kanyang tingin sa daan.

"Ulo, wala akong sinabing ganyan. Loko ka." Kitang kita sa mukha ni Kael na parang naiinis na ito.

Ang saklap lang kasi hindi niya alam na pinaglalaruan lang pala siya nung naka fling niya and what's worst pa ay inawan niya neto kung saan meron na kaming final exam which is hindi siya muna nag take at parang isang linggo ata hindi siya nagpakita.

Nang makarating kami ay bumaba na kami at kinuha ang mga gamit at pagkain.

Sina Finn at Ryzen ay nakatoka sa paglalagay sa mga upuan. Si Sam ang incharge sa mga pagkain na ilalagay sa lamesa. Si Kael naman ay sineset up ang puppet show.

Ang set-up ng puppet show ay napakaganda at detalyado. Ang entablado ay may makulay na backdrop na nagpapakita ng isang luntiang kagubatan, na may mga puno, bulaklak, at mga hayop na gawa sa karton at pintura. Sa gitna ng entablado, may isang maliit na kahon na gawa sa kahoy, na may kurtina na maaaring buksan at isara upang ipakita ang mga puppet.

"Hoy Cooper, anong tinatayo mo. Tulungan mo naman kami." Sabi ni Finn habang inilalagay ang mga upuan sa sahig.

At ako, kung ano ang ginawa ko? Syempre wala. Disney princess ako a grupong to.

Wala na akong magawa kundi tinulugan ko nalang sina Finn at Ryzen upang mapadali ang aming gawain.

Dumating na ang mga bata sa court at kitang kita sa kanilang mukha ang saya at excited dahil alam kong namiss nila ito.

"Kids, umupo na kayo dahil mamaya mag pu-puppet na show tayo." Natawa nalang kami dahil pinapanipis ni Finn ang boses niya para maging boses bata.

Sinunod naman ng mga kabataan ang utos ni Finn at naghanda na rin kami para sa aming gagawin. Halos isang linggo yung rehersals namin dito at maikli lang naman para mas easy at hindi hassle sa pag babato ng mga linya.

Sina Finn at Kael ang sa puppet kung saan naka lagay sa kamay nila ang medyas na may nga design kung saan pagagalawin nila iyon.

Sina Ryzen at Asher ay sa voice over dahil member kasi sila sa little theather sa paaralan kaya meron silang kaunting background kung paano nila idedeliver ang linya.

Simbang GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon