"Anong nangyari sa inyong dalawa ni Dante, Luella?" tanong ni Aling Waning.
Nasa hapagkainan kami ngayon. Wala si Dante, maagang umalis. Halatang iniiwasan niya ako. I understand naman, kasalanan ko rin naman bakit siya nagkaganon. Palilipasin ko muna ang galit niya bago siya kausapin muli. Pipilitin ko rin ang sarili ko na huwag muna pumunta ng NC ngayon kahit paminsan ay na-aattempt ako. May panibagong balita na naman kasing nakalap ang DU at tungkol iyon sa NightClub na pinuntahan nina Hershey at Klane no'ng nakaraang linggo. Hindi ko natapos ang pagbabasa dahil biglang nawala ang post na 'yon, biglang binura. Siguro si Dante, part siya ng club na 'yon e at president pa. Ayaw niya talagang masangkot ako.
Sinandal ko ang likod sa hamba ng upuan habang nakatingin kay Aling Waning na naghihintay sa sagot ko.
"Wala naman, Ma. Maaayos din namin ito," mahinang sagot ko. Ewan ko kung kailan. Mukhang hindi na nga ako kakausapin ni Dante, e. Sa tuwing nagkakasalubong kami umiiwas siya, nilalampasan na parang hangin.
"Kung anuman ang naging dahilan ng alitan ninyong dalawa, iwasan niyo 'yan. Kilala mo si Dante, Luella, hindi agad bibigay iyon,"
Tumango ako, naintindihan ang kaniyang sinabi. Papaano ko kaya paaamuin ang masungit na iyon? Himala't nakaya niyang hindi ako pansinin ng tatlong araw. Grabeng galit naman 'yan, ang taas.
My phone suddenly lit up, naagaw nito ang aking attention. I looked down and saw Janice's face on the screen. Mabilis kong binuksan 'yon, she sent me a picture. Tila may bumara bigla sa aking lalamunan nang makitang magkasama sina Dante at Hershey sa litrato. What the hell? Bakit sila magkasama? At bakit ngayon lang nagpakita ang babaitang 'to.
I cleared my throat, sinusubukan iproseso ang nasaksihan. Nagtipa ako ng mensahe kay Janice, tinanong ko kung anong ginagawa ni Stella doon and she answered me na lagi niya raw sinusundan si Dante simula no'ng hindi kami nag-uusap. Ang talanding ito, tamang-tama ang pasok niya. Ngayon pa na may alitan kaming dalawa ni Dante.
Ano namang pakialam mo, Luella?
I'm the wife here. May karapatan akong magalit dahil hindi sinabi sa akin ni Dante na bumalik na pala ang sinaunang tao na iyon. Sinadya niya ba ito para mas lalo akong magalit sa kaniya? Bahala siya kung gano'n.
Nagpasalamat muna ako kay Janice bago tingnan ang aking cellphone. I was staring at the blank screen of my phone. I couldn't help but feel a pang of jealousy and hurt.
Walang hiya.
NASA labas ako ng NC ngayon, pinapanood ang mga taong labas-masok sa loob ng club. I even saw Klaus laughing with his friends na parang wala itong ginawa sa akin noon. Ano kaya ang pinag-uusapan nila?
I'm not here para gumawa muli ng gulo. Gusto ko lang kausapin si Klaus at tanungin kung ano ang koneksyon ng mga pictures na nakita ko sa bulletin board nang araw na iyon. Anong ibig sabihin non. Bakit may nakalagay na ekis sa picture ni Luna. And Dante was there too, anong ibig sabihin non. Ang hirap kasing kausapin ni Dante, nagagalit agad.
Maya-maya pa ay nabaling ang tingin ni Klaus sa akin. I was standing on the tree. At first he was surprised, but napalitan din 'yon ng galit at inis. He excused himself from his friends and slowly walked towards me.
Shit.
"What are you doing here?" matigas na tanong nito. Nakakailang naman 'to kausap, parang si Dante. Laging galit sa mundo.
"I saw the pictures on the bulletin board," I said, trying to keep my voice steady. "D-Dante was there. Anong ibig sabihin non?"
"Anong pakialam mo?"
Lumunok ako. "Nag-aalala lamang ako, Klaus,"
"Kay Dante? O sa sarili mo?"
Pumikit ako ng mariin. Trying to calm myself.
Mas lalo siyang lumapit sa akin. Pumwesto siya malapit sa isang puno at tumayo doon habang mariing nakatingin sa akin ang kaniyang mga mata.
"You really cared about him, huh?"
"Malamang! Nag-aalala ako, Klaus."
He scoffed and crossed his arms. "You don't know what you're talking about. Those are just party favors, nothing more."
Tinitigan ko ang kaniyang mga mata. Umaasa na may makapa akong emosyon doon, but I only see his dark eyes. Ugh.
"Nando'n ka rin, right?" sumagi sa akin ang imahen ni Klaus, katabi ang litrato nina Luna, at Dante. Hindi ko lang napansin no'ng una dahil nakapukos ako non sa litrato ni Dante. Nagulat ako.
He was there too, pero hindi naka-red X ang mukha niya like Dante. Are they still serving that bar kaya walang ekis ang mukha nila? I want to know but I kept my mouth shut. Mas mabuting gano'n. Unti-untiin ko muna, ayaw kong malaman ni Dante na nandito ako ngayon at kausap si Klaus.
"Yeah. Nag-alala ka rin sa akin? Don't worry about me, Luna. I can handle myself. Nakaya ko nga no'ng iniwan mo kami, ngayon pa kaya?"
Dahan-dahan akong tumango kahit walang maintindihan sa kaniyang sinabi. I am now Luna, I should act like her. Pero...
"You don't need to go back," nagpakawala siya ng malalim na hininga. "Stay away from this club, Luna. Kapag malaman ni Rīdā na buhay ka at palihim na pumupunta sa NC, he will kill you. Ito lang ang kaya kong gawin sa'yo, Luna. You're still part of us, if you want to see her or come back. I will embrace you again."
Napatitig ako ng matagal sa kaniya.
I can feel na mahal na mahal din ni Klaus si Luna. The way he talked, marahan at may halong pag-aalala iyon. And he will still accept her kahit malaki ang naging kasalanan nito sa kanila. Luna chose another man and left her daughter alone with her father.
Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mga mata. Bago pa man ito tuluyang bumagsak, winaksi ko iyon at ngumiti ng matamlay kay Klaus.
"Thank you, Klaus. I will keep that in mind. Iyon lang naman ang pinunta ko at pangako hindi na muli ako babalik ng NC." Mahinang sabi ko at akma na sanang hahakbang paalis nang hagitin nito ang aking beywang at niyakap ng mahigpit.
"Klaus..." gulat na reaksyon ko.
"I will never get tired protecting you, Luna. I will protect you no matter what happens. I will be waiting for you, please..."
"Klaus...aalis na ako."
Unti-unting lumuwag ang kaniyang mga kamay. He looked at me straight in the eyes. Umatras siya ng ilang dangkal at ngumiti.
"Nilagyan niya ng eks ang picture mo dahil ikaw ang next target niya, Luna. Sa ngayon, you need to stay with him. He can protect you."
Dahan-dahan akong tumango, napansin ang panginginig ng aking dalawang binti at pamamawis ng aking palad. I'm scared. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito at hindi ko kayang kontrolin ang sarili.
Ito ba ang dahilan bakit umalis si Luna?
Damn.
"See you when I see you, Luella Rose Jacinta."
I closed my eyes and bid a goodbye to him.
Habang bumabyahe pauwi, iniisip ko pa rin 'yung sinabi ni Klaus. Hindi mawala-wala sa aking isipan.
Nang makarating sa mansyon, lutang pa rin ang aking isip. Wala sa sariling pumasok ng mansyon, hindi man lang mabati-bati ang mga kasambahay ng maayos.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Ihahakbang ko sana ang paa ko sa hagdan nang biglang may humintong sapatos sa aking harapan.
Unti-unting umangat ang aking ulo, sinalubong ang seryosong mukha ni Dante.
"D-Dante..."
He just looked at me and walked away without saying a word.
Again.
***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!
BINABASA MO ANG
The Unwritten Thesis(Under Revision)
RomanceIsa lamang simpleng babae si Luella Rose Jacinta. Hindi siya lumalabas ng bahay dahil ang tinuturing anak ng kaniyang magulang ay ang kakambal nitong si Luenna Ambrose Jacinta. Nang nalaman niyang magpapakasal ang kaniyang kambal sa mga Salvatore...