CHAPTER SIX

204 3 0
                                    


Satania Pov:

Alas 3 palang ng hapon ay kailang balik na si Aliyah dito sa kwarto para sasabihin lang na sobrang excited niya na daw. Bakit hindi pa daw ako nag-aayos, naliligo, at nagbibihis.

Mamayang 8:30 magsisimula ang night ball at sa hall ito gaganapin. At dahil alas singko na nang hapon ay naliligo na ako para may oras pa akong magpahinga bago sasabak sa mataong lugar. Hindi naman talaga ako sanay pag maraming tao. Kung hindi lang dahil kay Aliyah sa pamimilit niya, hinding-hindi ako pupunta. Hayst.

"Sino po ang magiging kapares niyo sa gabing ito, Lady Satania?" Tanong sa'kin ni Vina habang pinapatuyo ang buhok ko.

Hindi ko maiwasang mapaismid sa naging tanong niya. Sino ba kasi ang nagpauso na dapat may kapares ka kapag ganitong ganap? Sino?!!!! Hindi ba pwedeng mag-isa ka lang, ha? Wala na ba talaga kaming karapatan mga single?

"Tumahimik ka nalang, Vina." Walang gana kong saad ko dito.

She just chuckled. Nang-aasar ba siya?

"Malay mo, di ba, Lady Satania. Meron palang maghihintay sa'yo mamaya sa baba upang sunduin ka." Nakangiti niyang wika.

"Vina," pagbabanta ko dito.

"Titigil na po!" Agad nitong sabi, pero nakangisi naman.

Tapos na akong ayusan ni Vina, pero hindi pa ako nagbibihis dahil mahabang-habang oras parin naman ang natitira. Di ko maiwasang mamangha tignan ang aking sarili sa harap ng salamin dahil sa buong buhay ko, ngayon lang ako naaayusan nang ganito. You know why? Inaaway ko lahat ng make-up artist na pinadala ni mama sa'kin dahil lang na ayaw kong inaayosan ako. Wala rin naman silang magawa dahil hindi nila ako mapilit.
"Wahhh!! Mas lalo ka pong gumaganda, Lady Satania. Pano pa kaya kapag naisuot mo na iyong gown!!" Excited at masaya niyang sambit.

Nginitian ko lang ito. Hanga rin naman ako sa kakayahan ni Vina dahil mahinuhulad na nang make-up artist ang gawa niya. Pero sinabi niya na rin naman na lahat daw napapasok bilang personal servants ng mga dugong bughaw o noble ay pinag-aralan na nila ang mga ito, dahil trabaho daw talaga nila na ayusan at bihisan ang mga alaga nila.

Dahil sa nakikita ko ay hindi talaga uso sa kanila iyong kukuha ka ng mag-aayos sa'yo dahil yung mismong personal servant mo nalang ang gagawa nun para sa'yo.

Ilang minuto nalang ay mag-aalas-otso na kaya napag-isipan ko ng magbihis. Hindi ko tinignan ang gown na nabili namin kahapon kaya ngayon ko lang ito makikita. Nakalagay ang malaking puting box sa kama ko kaya tinanggal ko ang takip nito at bumungad sa akin ang napakagandang gown. It was a mix of black, dark pink, and violet.

I like it!!!! Kaso masyadong expose iyong balat ko. Pero sayang naman binayad ni Aliyah sa mga pinamili niya sakin kanina.

"Wow! Sobrang ganda naman 'yan, Lady Satania. Suotin niyo na po!" Excited na sambit ni Vina sa'kin.

Dahan-dahan ko itong inilabas sa lagayan kaya tinulungan naman ako ni Vina upang suotin ito.

"W-Wow!" Di makapaniwalang sambit ko ng humarap ako sa malaking salamin.

Hapit na hapit ito sa katawan ko, at di ko maiwasang mamangha dahil sa sobrang ganda nito. At talagang mas lumilitaw lalo ang taglay kong kaputian. Ngunit ng mababa ang tingin ko sa aking dibdib, bigla akong napangiwi dahil kitang-kita ang medyo kalakihan kong dibdib. Ano ba naman 'yan! Mababastos tayo nito eh!

"For sure maraming gustong maisayaw ka sa gabing ito, Lady Satania," wika ni Vina.

I sighed. I feel uncomfortable dahil expose na expose talaga iyong balat ko dito, lalo't na iyong hinaharap ko... ang lakas maka-cleavage, ha.

Hindi ko na pinalitan ang kwentas ko na bigay sa akin ni ina, tanging yung hikaw lang ang ipinalagay ko kay Vina na magkapareho ng kulay sa aking kwentas na suot.

"Vina, pakikuha nga nung box na nasa ilalim ng kama," utos ko dito.

Agad naman niya itong kinuha at binigay sa akin.

Isa rin ito sa binili namin kahapon tapos si Aliyah ang pumili nito para sa akin. It's a purple color. Akalain mo, mas mahaba pa ito sa pasensya ko.

"Naku! Ako na po magsusuot nito sa 'yo." Agad niyang binawi sa kamay ko ang dalawang pares ng heels at siya na mismo ang nagsuot nito.

Mas lalo akong tumangkad nito pero ang tanong marunong ba ako gumamit nito?

"It's done!" Masayang sambit ni Vina habang pinagmasdan ang kabuohan ko.

You can do this, Satania!

The Prophecy Of War (BOOK 2 OF THD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon