CHAPTER SEVEN

200 4 0
                                    

Third Person Pov:

"Uno," sambit niya sa malalim na boses habang nakaupo sa trono.

"King Lazaro," sabay yukod nito.

"Gulohin ang kasiyahan nila ngayong gabi," pag-uutos nito habang may kakaibang ngiti sa labi.

"Masusunod po, King Lazaro." Nakangisi ring sagot ni Uno.

Puno ng mga disenyo ang loob ng hall sa akademya. May mga musikero na nasa tabi lamang, nagpapatugtog para sa mga nagsidatingang estudyante. Ang mga ito'y nakasuot ng mamahaling kasuotan. Lalo na ang mga babae, nagpatalbugan sa ganda at sa kanilang mga suot na gown.

Ngunit sa kabila ng kanilang pagpapaganda at pagwapohan, mayroon pa ring mga tao na inaabangan nila, nais nilang makita ngayong gabi. Lalo na ang hinahangaang prinsipe ng Lighthea.

Elite Warriors

"Mygoshhh....hindi ko na mahintay na makita siya ngayong gabi!"

"Maganda na ba ako? Baka yayain akong sumayaw ni Prince Damon mamaya!"

"Kung wala man sa elite warriors ang yayaya sa akin, kahit iyong kapatid nalang ni Prince Damon na si Prince Victor. Huhuhuh"

"Wishlist ko ngayon si Edward."

"Papahuli pa ba ako? Syempre iyong laloves ko na si Brix!"

"Ayy, wala kayo sa akin. Dahil kung wala sa isa g'yan sa mga ibinanggit niyo ang makasayaw ko... dito ako kay Lord Dhylan, pinsan ni Prince Lusiano."

"Pre, sino inantay mo?"

"Edi sino pa ba? Sila Princesa Aliyah at Kathleen!"

"Fresiah sa akin!"

"Akala ko ba si Loreina?"

"Masama naman ugali nun at sobrang arte. Hindi naman gaano kagandahan."

"Mas gusto ko iyong kapatid niyang si Reina!"

"Fresiah parin, Pre."

"But have you heard about the new student in level 1?"

"Of course, usap-usapan siya dito."

"Hindi matutumbasan ang kagandahan niya ng kahit nino man, kaya ang goal ko ngayong gabi ay makasayaw ito at liliwagan."

"Taas ng pangarap mo, Pre!"

"Bakit kayo hindi? Walangya kayo, eh."

"Lahat naman tayo dito gusto makita sila."

Samo't saring mga usapan ang maririnig mo sa bawat grupo ng mga mag-aaral sa loob ng hall.

"Kuya, dapat ba tayong pumunta sa kanya?" Tanong ni Victor sa nakatandang kapatid.

"Pwede bang ikaw nalang? Dapat kong tiyakin na ligtas lahat dito sa akademya. Baka may makapasok na dark mage na hindi natin alam. Magkikita nalang tayo sa bukana ng hall. Mag-ingat kayo." Sagot nito sa kapatid.

"Sige, kuya." Ngumiti ito bago naglakad paalis.

"Bro, nasaan ba si Lusiano?" Tanong ni Brix kay Edward.
"I don't know, but I saw him heading towards the Dean's office. Maybe his uncle called him." Brix answered him.

"Brix, are all the guards in place around the area?" Damon asked the two while walking out.

"Oo, kinausap ko na rin 'yung head nila na hindi magpapasok ng kahina-hinalang tao, lalo na't patuloy pa rin ang kaganapan sa loob mamaya."

The Prophecy Of War (BOOK 2 OF THD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon