CHAPTER EIGHT

191 3 0
                                    

Satania Pov:

Kung kailan ako aalis, dito pa sumakit tiyan ko. Bwesit.

"Okay lang po ba kayo, Lady Satania?" nag-aalalang tanong ni Vina sa akin habang naglalakad kami sa hallway ng dorm.

"My tummy suddenly got hurt," sagot ko sa kanya nang diretso.

"G-Gusto mo bang samahan na kita sa klinika?" Tanong nito sa akin at inalalayan ako.

Wala naman akong kinain kanina, ah. Hindi nga ako nag-lunch dahil busog ako sa dami nang kinakain ko kaninang umaga. Hindi kaya napasobra naman ako kaya sumakit ang tiyan ko?

"B-Baka po a-ano..." Nauutal niyang sambit na hindi makatingin sa'kin.

"Baka ano?"

"Baka ano po.......n-natatae kayo!" Deritso niyang sagot at agad na tumalikod.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa bibig niyang walang preno.

"Ewan ko nga sayo!" Agad akong naglakad paalis, at hindi alintana ang masakit kong tiyan.

Nang makadating ako sa baba, tahimik na ang paligid at wala nang katao-tao. Tanging ang kapatid ko nalang na naka-upo sa couch ang nandito sa baba. I can't help but smile. I don't know why, maybe I'm just happy because someone went through the effort to pick me up.

Pinagmasdan ko ang kabuohan nito, at dito ko masasabi na nasa lahi na talaga namin ang pagiging gwapo at maganda. Ewan ko nalang dun sa dalawa, siguro sampid iyon o iba ang pinaglihi.

"B-Bunso!" Tumayo ito at may pagmamangha akong tinitigan.

"I know, right!" agad kong sambit dito.

Kahit hindi niya sasabihin, alam ko na naman. Kaya inunahan ko na.

He giggled before walking towards my direction before leaning his arms towards me.

"Can I escort you all the way to the hall, my gorgeous Lil'sis?" Ngiting tanong nito sa akin na halos kita na ang gilagid nito.

Pwede na... pwede na para sa Colgate commercial. HAHAHAHAHAHHAHA.

"W-Wait, are you okay?" Agad nitong tanong sa 'kin habang pinagmasdan ang mukha ko.

Mukhang tama ata ang sinasabi ni Vina sa 'kin kanina. T*ngina! Ang hirap maglabas nang sama ng loob kapag naka-gown ka!

Binalingan ko ang oras at malapit na magsimula ang night ball. Pero tinatawag na ako sa kabilang dimensyon!

"Namumutla ka. Tell me what's wrong?!" May pag-alalang tanong sa akin ni Kuya Victor.

"D-Dito ka muna... babalik ako, sandali lang 'to!" Nagmamadali kong sambit dito at agad na umalis.

"S-Stop running!" Sigaw nito.

Bahala na 'to! Malapit na akong manganganak, lintik!

Nang makabalik ako sa dorm, nagulat naman si Vina sa biglaang pagbukas ko ng pinto.

"Bakit po, Lady Satania? Magsisimula na po yung night ball."

"Hayaan mo na! Tinatawag pa ako sa kabilang dimensyon!" agad akong nagtungo sa banyo.

Ano nga iyong kasabihan nila?

Late is better than nothing? Ito ba 'yun? Ay, basta... importante makakapunta parin ako.

I don't have a choice but to take off my gown. Buti nalang madali lang itong tanggalin sa parteng likuran.

"Ayos ka na ba?" Bungad sa akin ni Kuya Victor nang makabalik ako.

"Oo, gutom na ulit ako," I simply said.

Ni-retouch ni Vina ang mukha ko bago umalis para naman daw, for sure na walang natanggal o nasira sa buhok ko at make-up.

"Let's go, hinihintay na tayo ni Kuya at mukhang nagsisimula na rin," pag-anyaya nito sa 'kin.

Nang makalabas kami ay nagtataka naman ako dahil walang bakas na karwahe akong nakikita.

"Ang karwahe? Na sa'an?" Tanong ko dito ng binalingan ko ito.

"Eh, Bunso. Walking distance lang naman kaya pwede lang natin ito lalakarin," sagot niya sa 'kin.

Okay? Alam ko namang pwede lang itong malakad, pero utang na loob, mas mataas pa sa pasensya niya itong heels ko!

Bakit ba ang malas ko ngayong gabi? Late tapos ito na naman?

"I almost... forgot, pwede pala tayong mag-teleport dun," Sabay kamot nito sa ulo.

Pinigilan ko lang ang sarili kong mabatukan ito dahil kung kanina pa niya sinabi, 'edi nakarating na sana kami sa hall!

"Pasensya na, Bunso. Huwag ka munang magalit... sige ka, papangit ka niyan," pagbabanta niya pa sa 'kin.

Napaismid naman ako dito bago umirap.

"Okay lang, maganda na rin naman ako. Alis na nga tayo! Tagal," pagmamadali ko dito.

Sakto rin ay nasa harapan kami ng entrance. Dinala. Ayos! Hindi pa sila nagsisimula.

"I guess everyone is already settled down. What are we waiting for? Let's begin-"

Rinig naming sambit sa mikropono. Dulot ng malakas na ilaw na nanggaling sa loob ay di ko gaano maaninag ang nasa loob.

"Are you ready?" Ngiting tanong sa akin ni Kuya Victor bago niya inilahad sa akin ang kanyang braso.

I take a deep breath before I nodded my head. Para hindi sayang ang pera na iginastos sa akin ni Aliyah, kaya ito ako ngayon, naglalaro ng ganda-gandahan.

Pagkapasok namin ay pinigilan kong mapapikit sa silaw ng mga ilaw na sumasalubong sa amin. Namayani ang katahimikan sa paligid habang nasa amin ang kanilang atensyon lahat, or should I say sa akin? Bakit naman? Sobrang ganda ko ba? Aba, salamat naman kung ganun!! HAHAHHAHA.

Nilingon ko si Kuya Victor na taas noo lamang naglalakad. Edi ikaw na hindi mahiyain, akala niyo talaga sobrang confident na ako dito? Hindi! Ang daming tao. Kung alam ko lang sana na ganito karami ang dadalo, naghiram nalang ako ng pera ni Kuya para ibayad kay Aliyah.

"What the!"

"Bro, tignan mo! Tignan mo!"

"Basag ka, pre, ang ganda!"

"Girl, tignan mo! Diba siya yung kaklase natin sa Level 1? Myghod, para siyang anghel."

"Attention seeker!"

"Pangit naman."

"That b*tch! She stole my spotlight!"

Nag-iingay na naman ang mga bubuyog, mahiya naman sila! Nagchichismisan na nga, iyong maririnig pa talaga.

Nung malapit na kami sa stage ay agad akong ngumiti, PILIT NA NGITI.

"Sorry for being late, Ms. Emcee," paumanhin ko dito at pinahinhin ko talaga ang aking boses.

She just gave me a thumbs up before winking at me.

"Let's begin the night ball!" Malakas nitong sigaw sa mikropono kaya nabalik ang maingay na paligid at hiyawan ng mga kapwa mag-aaral ko.

"Let's sit there," bulong sa akin ni Kuya Victor bago ako inalalayan.

Mapapa-sana all ka nalang ako sa pagiging gentleman ng kapatid mo, mareng Satania.

The Prophecy Of War (BOOK 2 OF THD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon