CHAPTER FORTY

199 7 0
                                    

Third Person Pov:

Lahat sila ay nakatanaw sa di kalayuan sa napakalakas na mahikang inilabas ng dalaga. Pagkatapos matalo ni Prinsipe Lusiano ang Orthos, binalingan niya ang dalaga na ngayon ay sumigaw. Nagliwanag ang bandang dibdib nito kung saan nakalagay ang suot niyang kwintas na bigay ng kanyang ina.

Nabasag ito, na nagdulot ng liwanag sa paligid. Napatakip naman silang lahat, at ng humupa na ang liwanag ay dito na nila nakita na sakal na ng dalaga ang hari sa mundong ilalim.

Mas namangha at nagulat sila dahil sa magkaibang kulay ng mga mata niya. Hindi nila alam kung ano ang nangyari pero parang nanghihina ang kanilang mga tuhod at agad na napaluhod sa lupa.

"In the prophecy, you were destined to die, Draco." Nakakakilabot na sambit ng dalaga gamit ang malamig nitong boses.

"Kaya kahit anong gagawin mong pagwawala, pareho parin ang pupuntahan mo, KAMATAYAN." Seryoso nitong sambit.

Nagulat na lamang si Draco dahil hindi niya magawang gamitin ang kanyang kapangyarihan. Pang-ilan beses na niyang pinakiramdaman ito, ngunit wala paring nangyayari.

Satania let out a smirk.

"Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin, Draco. Katulad mo... hindi mo rin ako kilala." Nakangising sabi ng dalaga.

Binitawan niya si Draco, na ngayon ay masama ang tingin na iginawad sa kanya. Biglang may apoy na pumalibot sa kanilang kinatatayoan, at kasabay rin nito ang nagwawalang kidlat at kulog sa mapulang kalangitan.

"Punyeta!" Sigaw ni Draco sa inis dahil hindi niya magawang maprotektahan ang sarili niya dahil hindi na niya magawang gamitin ang kapangyarihan niya.

Pumikit si Satania at lumitaw sa harapan niya ang espada na pagmamay-ari ni Goddess Herena. Umiilaw ito at pinagtagpo ni Satania ang dalawa niyang kamay sa hawakan ng espada, kaya nagdulot ito ng isang malakas na enerhiya. Pagkadilat niya, deretso itong nakatingin kay Draco na ang dating matapang na mukha ay napalitan ng takot at kaba.

"Family and sacrifice for one another.

A woman will die, but a new one will come.

Sadness and anger are in the heart.

The awakening of a power is accompanied by the emergence of a symbol on the forehead.

A strong power will save everyone, but one will be lost.


Isinambit ng dalaga ang propesiya habang naglalakad patungo kay Draco. Tinatangay ng malakas na hangin ang mahabang buhok nito, at mas lalong tumingkad ang kulay ng mga mata niya. Walang emosyon ang mukha ng dalaga habang binibigkas ang mga salitang ito.

Blood and death will spill into the world.

The darkness will rise, but someone is coming."

Huling sambit ng dalaga bago ito nawala sa kanyang pananaw. Nanigas si Draco sa kanyang kinatatayuan nang biglang may malamig na bakal ang nakatarak sa kanyang likuran na tumagos sa kanyang dibdib.

"And that's me, who will end your life, Bastard."

Bulong ng dalaga bago niya ito tinadyakan at hinugot ang espada. Tinitigan niya lang ang naghihingalo na si Draco habang may dugo na lumalabas sa bibig nito.

"S-Siguro, tama s-si ama... meron d-ding hangganan ang l-lahat at ito l-lamang ang tatapos sa b-buhay ko. M-Masyado akong kampante at h-hambog sa kung anong meron a-ko, HAHAHAHAHA." Nahihirapan nitong wika.

"Tama ka, kaya naniniwala talaga ako na kakainin mo rin lang iyang sasabihin mo sa huli. Mababayaran mo na rin lahat ng ginawa mo, Draco." Malamig na ani ng dalaga bago ito tumalikod at naglakad paalis.

Tanging sigaw na lamang ang narinig niya mula kay Draco ng umapoy ang katawan nito na kagagawan ni Satania. Napangisi naman ang dalaga dahil sa wakas ay tatahimik na rin ang buhay niya.

Namataan niyang napaluha si Loreina habang nakatulala nitong pinagmasdan ang kanyang ama na nasusunog na maya't maya rin ay malalagutan na ito ng hininga.

"I still won, Loreina." Mahinang saad ng dalaga.

"Bunso!"

"Satania!"

Sigaw ng kung sino kaya agad niyang binalingan ng tingin at dito niya nakikita ang dalawa niyang nakatandang kapatid na puno ng benda ang katawan, paika-ika pa itong tumakbo patungo sa kanyang kinaroroonan.

Nang makarating ito sa kanya ay agad siyang niyakap nito ng napakahigpit.

"Sobra kaming nag-alala sayo, Bunso!" Naiiyak naman na sambit ni Victor.

"I-Im glad your safe, Satania. You made it!" Nakangiting ani ni Damon tsaka ito niyakap.

Sumunod rin na yumakap si Victor dito kaya hindi maiwasan ng dalaga na mapangiti at gantihan rin ito ng yakap.

"Ako pa! Mahirap patayin ang bida sa kwento!" Pagbibiro ng dalaga habang may nakapaskil na ngiti sa labi nito.

Nakatanaw naman mula sa malayo si Haring Howard at sa kauna-unahang pagkakataon ay ngumiti ito habang pinagmasdan ang tatlo niyang anak. Tinitigan niya ang mukha ng dalaga habang nakangiti ito kaya tanggap na ni Haring Howard na ang malaking pagkakamali niya at pagkukulang sa kaisa-isahang anak nila sa taong mahal niya na ngayon ay labis niyang nasaktan.

Habang ang ama naman nila Kathleen ay niyakap silang magkakapatid at ganun rin ang ama nila Edward na ngayon ay umiiyak habang yakap-yakap nito ang walang buhay na anak habang nakatulala naman sa tabi ang binata.

"It's finally over," saad ng ama ni Lusiano na nakatayo sa kanyang gilid at, katulad niya rin, pinagmasdan nito ang lahat na nagsasaya, nag-iyakan, at nagyakapan sa mga taong malalapit sa kanila.

"Hindi pa huli ang lahat," seryosong wika ng binata sa ama na agad naman nitong naintindihan kung ano ang ipinahiwatig nito.

"Patawad dahil tanggap ko na may pagkakamali rin akong nagawa sa ating nasasakupan. Masyado akong bulag at nagpakain sa mga taong hindi naman nakakabuti sa ating bayan. Kaya handa akong baguhin lahat para sa ikakabuti ng nakakarami, lalo na sa babaeng hinusgahan ko na siya naman ang nagligtas sa ating lahat, pati sa ina nya." pahayag ng ama niya habang may ngiti sa labi.

Tipid namang ngumiti ang binata tsaka ito tumango sa ama.

"Kuya....ama!" Sigaw ni Emmanuel at agad na niyakap ang dalawa.

"Marami kang ipapaliwanag sakin mamaya," seryosong saad ni Lusiano sa kapatid.

Imbis na matakot ay ngumuso na lamang ang kapatid.

"Gusto ko lang naman po tumulong, Kuya. Si Ina narin nagsabi sakin na sundin ko daw kung ano ang aking ninanais na alam kong ikakabuti para sa iba," pagpaliwanag nito.

Napabuntong hininga naman ang binata dahil ang totoo niyan ay nag-alala lamang ito para sa kaligtasan ng kanyang kapatid. Ginulo niya ang buhok nito, pangiti-ngiti naman si Emmanuell dahil nakaligtas rin siya sa kapatid niyang bibigyan siya ng parusa na magbasa ng libro sa loob ng isang araw na isa sa pinakaayaw niya.

"Kuya, alam mo ang ganda pala talaga ni Ate Satania no?! Tapos ang astig pa, Kuya. Kaya pwede mo nang ligawan si Ate Satania, kuya!" Nakangising sambit ni Emmanuell.

Agad namang namula ang tenga ng binata kaya agad itong tumalikod.

"Naku, pinsan. Ligawan mona bago pa kita maunahan." Pagbibiro ni dhylan na kakarating lang rin.

"Ehemm, marami pa akong kailangan asikasuhin," saad nito at agad na nawala.

Napatawa na lamang ang ama nito at kapatid 'tsaka napalingo-lingo si Dhylan. Habang ang dalaga naman ay palinga-linga ito sa paligid habang hinahanap ang binata.

"Nasaan na ba ang isang 'yon?" Bulong nitong sa sarili.

"S-Satania, Anak," pagtawag sa atensyon ni Haring Howard kay Satania.

The Prophecy Of War (BOOK 2 OF THD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon