CHAPTER NINE

209 2 0
                                    

Satania Pov:

"Ang ganda mo! Huhuhuhuh," rinig kong sambit ni Aliyah sa 'kin.

Isa rin ito, eh. Ang kulit... kanina pa siya pabalik-balik na kesyo daw ang sobrang ganda ko, lahat daw sila dito natameme dahil sa pa-entrance ko, tapos pa ulit-ulit niya lang itong sinasabi.

Hindi naman sa naging OA ako, I even appreciate those people who's giving me a compliment, kahit masama ugali ko. Atleast, nagpakatotoo, diba?

Kaso lang, ang ingay na nga ng paligid dinagdagan pa ng bunganga nitong katabi ko.

"Let your mouth rest, Aliyah," Kathleen said habang umiinom ng lemon juice.

Bakit ba nakarating sila dito sa likod? Andun naman sa harapan iyong sariling table nila, ah. Tapos si Kuya Victor nandun na rin sa harap, 'edi nagsama-sama sila puro lalaki, at kami naman tatlo dito.

"Ehemmmm...... can I have this dance, Lady Satania?" Rinig kong sambit ng isang lalaki.

Hindi ko rin masabi na pangit ito dahil kamukha ito ni Edward Cullen, tapos ang sobrang puti rin nito na mahintulad mo na sa isang bampira. Hindi ko maiwasang mapatingin sa 'king kutis, pareho lang kami, kaso maputla lang ang klase ng pagkakaputi niya.

I live in a fantasy world kaya hindi rin impossible na merong bampira dito. Di kaya'y bampira ang isang 'to? Tapos gusto niya lang ako maisayaw dahil pinaplano niya na sip-sipin ang dugo ko?!

Subukan niya lang talaga dahil magpapatayan kami kahit pareho kami mapupunta sa impyerno!

"Hoy, gusto ka niya daw maisayaw!" Malakas na sambit sa akin ni Aliyah na sinabayan niya pa ng kiliti.

Kathleen sighed and stood up.

"Kukuha lang ako ng makakain," she said.

"Oy! Sama naman ako! Satania, pumayag ka na dali!" Pagkukumbinsi nito sa akin bago tumayo.

Paladesisyon lang? Bakit 'di nalang siya ang sumayaw?

"Enjoy!" Sigaw nito habang makahulugang ngumisi.

I rolled my eyes, tsaka ibinalik ang tingin sa lalaking nasa harapan ko habang nakalahad parin ang kamay. Wow, ano 'to, mannequin challenge?

"No," tipid kong sagot sa kaniya.

Wala ako sa mood makipag-sayawan kahit kanino. Nakakatamad!

"Why?" Tanong nito sa akin.

"Kailangan pa talagang may pa-follow up question?" Inis kong tanong dito pabalik.

"Pathetic woman," matigas nitong sambit.

Ang kaninang maamo nitong mukha ay napalitan ng inis at galit, pero mas nagulat ako na ang kaninang mata nito na kulay abo ay napalitan ito ng purong itim na sinakop nito ang puti sa kabuohan ng mata niya.

I knew it! Kutis palang, halata na!

Mas nagulat ako ng bigla niya akong sakalin habang nakaharap ang katawan ko sa kanila, gamit ang masculado niyang mga braso.

"Shit! Bunso!"

"Satania!"

"Ahhhhhh.... bampira!"

"Tulongan niyo ako!"

"A-aray!"

Hindi lang siya nag-iisa dahil marami sila dito na may hawak ring babae at mga lalaki. Kita ko pa ang iba niyang kasamahan ay merong mga pangil at dugo sa labi. They killed the s-student?!

"Bitiwan mo siya?!" Sigaw ni Kuya Damon dito.

Ngunit ngumisi lang ang lalaking may hawak sa akin.

"Why would I? Sa tingin ko sobrang sarap ng dugo niya, pano pa kaya kong kakamahin ko muna?" Manyakis niyang sambit.

The Prophecy Of War (BOOK 2 OF THD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon