CHAPTER SIXTEEN

186 3 1
                                    

Satania Pov:

"Satania, wake up!"

"They're coming!"

Agad akong napamulat at sumalubong sa akin ang pawisang mukha ni Kuya Damon.

It's just a dream?

"Let's go now!" Agad akong inalalayan ni Kuya makatayo.

Nagugulohan man ay tumayo parin ako. At nang inilibot ko ang aking paningin sa paligid ay maraming patay na tao. No, they are not humans dahil wala itong mga mukha. Itinaas ko ang aking tingin at ngayon ko lang napansin na umaga na pala. Huh?

Bigla nalang akong hinila ni Kuya paalis habang nakasunod naman iyong iba sa'min.

"We need to hurry!" Sigaw nila Edward at ginamitan na nila ito ng kapangyarihan.

Nanayo balahibo ko dahil wala itong mga mukha ngunit ang tulin ng kanilang pagtakbo habang hinahabol kami. Nasa pinakahuli si Lusiano at katulad rin nila ay lumalaban din ito gamit ang kapangyarihan niya at espada.

Mukhang wala parin ako sa sarili kaya pinisil ko ang aking braso para naman mabalik na ako sa realidad dahil kanina pa ako nagugulohan.

I need to get back from myself! Mamaya ko nalang iyon iisipin.

"I can fight!" Agad kong sambit kay Kuya.

I directly summon my sword bago ko pinagsasaksak ang iba na lumalapit dito sa aming kinaroroonan.

"What kind of monster is this?!" Pasigaw kong tanong sa kanila bago umikot at sinaksak sa noo ang walang mukha na nilalang na 'to.

"Soul spirit!" Rinig kong sigaw ni Kathleen.

Kaya pala ang pangit!

Nahawakan ako nung isa kaya agad ko namang pinutol ang kamay nito bago sinampal. Masakit sampal ko, kaya nga nagkaroon ng free blush si Loreina dati. HAHAHAHAHAHAHA.

"UGLY!" Sigaw ko dito bago tinadyakan sa tiyan kaya napunta ito sa gawi nila Kathleen.

"Really?" Sambit nito sakin habang nakipaglaban.

"Mas gusto niya daw makisalo sa inyo! HAHAHAHAAH," Pagkaharap ko ay sumalubong sakin ang nakakadiring mukha ng soul spirit.

Agad akong napaatras at napasigaw dahil sa gulat ng malapit akong matapilok. Pero bago paman mangyari 'yun may naramdamang kamay ako na pumulupot sa aking bewang.

"Be careful," bulong nito sakin bago pinatay ang soul spirit na nakaharap ko kanina.

"S-Salamat," nauutal kong sabi.

Itong lola niyo naman ay kinilig! Umayos ako ng tayo agad at nagpatuloy sa pakikipaglaban.

Ilang minuto rin nagtagal ang pakikipaglaban namin sa mga soul spirit bago ito natapos. Lahat kami pagod at pawisan. Buti nalang may dala kaming maraming tubig.

"Ang creepy naman ng itsura nila!" malakas na wika ni Aliyah habang pinanusan ang pawis sa kanyang mukha.

"Malayo pa ba tayo?" Tanong ni Brix at Edward kay Kuya.

"Hmmmm," tipid na sagot ni Lusiano na nasa tabi lamang.

"Dalawang araw ang kakailanganin natin bago makarating sa kinaroroonan ni Lord Rolando kaya posibleng marami pa tayong mga halimaw na makasalubong sa ating paglalakbay," pagpahayag ni Kuya.

"Kuya?" tawag pansin ko dito.

"Bakit, Satania?" tanong nito.

"Anong nangyayari kagabi? Ang huli kong naalala ay pumunta ako sa kakahoyan at-" Pasimple kong tinitignan si Lusiano ngunit nakataas lang ang kilay nito sakin.

Eh?

"Para tumae!" malakas na ani ni Aliyah habang nakangiti.

Sinamaan ko ito ng tingin dahil sa walang preno niyang bibig. Nagsitawanan naman sila Kuya kaya mas lalo ako nakaramdam ng hiya. Nag-peace sign lang sakin si Aliyah kaya inirapan ko ito.

"Na'sa mga bisig ka na ni Lusiano pagbalik niya kagabi. Nakita ka daw niya sa may ilog na walang malay kaya binuhat ka na niya pabalik. When we check your pulse ay meron itong bakas na nakasulat gamit ang kakaibang lenggwahe kaya nalaman nalang namin na sinubukang kunin ang kaluluwa mo sa soul spirit ngunit hindi sila nagtagumpay dahil agad itong tinanggal ni Lusiano sa pulso mo," mahabang paliwanag ni Kuya.

He save me again?

Hindi agad ako nakapagsalita at inalala ulit ang nangyari kagabi. May parte sa akin na naniniwalang totoo iyong nag-uusap kami sa isa't isa at hindi lamang panaginip 'yon. Iyong paghalik niya sa noo ko at paghawak sa mga pisngi ko.

"I'll always protect you, no matter what it takes," he said softly.

"I love you, my love, and I can't afford to lose you."

Before, I felt his soft lips kissing my forehead. Biglang gumuhit ang matamis kong ngiti sa aking labi tsaka ko siya tinignan sa mga mata.

"I love you too."

Tuloyan na ba talagang nahulog ang loob ko kay Lusiano?

The Prophecy Of War (BOOK 2 OF THD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon