CHAPTER THIRTY-THREE

179 4 0
                                    

Satania Pov:

Ito na ang huling araw ko sa pagsasanay dahil bukas ang nakatakdang araw ko sa paggising at pagbalik ng aking kaluluwa sa totoo kong katawan. Nagbunga rin ang dugo't pawis kong pagsasanay sa pangangalaga ni Goddess Herena. Akala ko si Sir. Jojo na ang pinaka-strict pagdating sa pag-eensayo, pero may mas malala pa pala sakanya.

Magkaharap kami ni Goddess Herena dito sa malawak na damuhan na labas lamang ng kanyang bahay.

"You hold the power of Dark Destruction; if you cannot control your strongest power, it will control you." Panimula nito.

"I thought that was all?" I ask her.

"Kalahati pa lang yun, Satania." Nakangiti niyang saad. "Ito ang pinakamalakas mong kapangyarihan na ilalabas mo, kaya ka nandito dahil ako rin mismo ang nararapat na magtuturo sayo nito."

"Pwede mag tanong?"

"Nagtatanong ka na, Satania."

"Pilosopo ka rin e."

"Tanong ka na para magsimula na tayo." Inayos muna nito ang bestida niyang natupi sa pang-ibaba.

Ewan ko ba kung hindi lang ito goddess, baka mapagkamalan ko na itong kaedad ko lang dahil mukhang naman talaga kaming kaedad, pero buti nalang naalala ko na hindi pala ito tatanda. Bali, Immortal? Hindi rin.

"May kapangyarihan ka pa ba? Diba binigay mo na ito sa kanila bago ka maglaho?" Pagtatanong ko.

"Wala na pero hindi naman nawala ang aking lakas pagdating sa pakikipaglaban." Sagot nito.

Napatango-tango naman ako dahil sa wakas ay nasagot na rin ang aking katanungan. Hindi na lang ako magsasalita dahil ilang beses niya na rin akong binalibag, nilampaso, at hindi natatapos ang isang araw sa pag-eensayo na hindi sasakit ang katawan ko. Pero ngayon ay nagawa ko nang mapantayan ang kaniyang lakas at nagawa ko na rin siyang nilampaso at binalibag. Well, give and take lang naman kami.

"Sirain mo ang lugar na 'to," deretso niyang sambit sa 'kin.

Pang-ilang beses akong napakurap at nilinis ang aking tenga kung tama ba ang pagkakarinig ko. Nasisiraan ba siya ng bait?

"I'm not," seryoso nitong saad.

"Pero bakit gu-"

Hindi pa man ako natapos ay bigla na siyang sumigaw.

"Sinabing sirain mo!"

Galit ba siya? Siya pa tong nang-uutos sa 'kin tapos may pagalit-galit pa siyang nalalaman. Napatigil ako ng bigla itong tumawa ng malakas, hindi yung tawang nasisiyahan dahil tawa ito ng isang tao nang-iinsulto.

"Kaya ka siguro, inaapi nila dahil totoong mahina ka, hindi mo kayang protektahan ang sarili mo. Wala na mang kamahal-mahal sayo at ka-interesante," saad nito.

Agad naman ako nakaramdam ng galit at inis dahil sa pinagsasabi niya. 'Di lang sinunod ang inutos niya nagalit na? Aakto na ng ganito?

"Masyado kang hambog para sa sarili gayon hindi mo naman ginagawa, alam mo kung bakit? Dahil hangga't salita ka lang. Maldita ka lang pero wala kang binatbat," nakangisi nitong wika.

Biglang may umusbong na enerhiya sa aking katawan dahil sa emosyon na aking nararamdaman.

Sino siya para pagsabihan ako ng ganyan? Alam ba niya lahat ng pinagdaraanan ko? Naramdaman ba niya ang sakit at puot sa aking puso para sa mga taong pinagkatiwalaan ko tapos papatayin ka lang pala? Alam ba niya ang pakiramdam na hindi ka binigyan ng pagmamahal ng sarili mong ama? Tinakwil at tinalikuran ka? WALA.

Naging malamig ang tingin na aking ginawad sa kanya. Yes, she's a goddess pero wala akong pake kung magpapatayan man kaming dalawa kapag lumagpas na siya sa linya na pati ang dignidad ko bilang tao ay kaniyang aapakan.

The Prophecy Of War (BOOK 2 OF THD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon