CHAPTER TWENTY-THREE

172 4 0
                                    

Satania Pov:

"Ayoko! A.Y.O.K.O," pagtutol ko sa kanilang sinasabi.

Pinipilit ba naman ako mag-stay sa Eythora hangga't matapos ang linggong ito dahil wala dawng makakabantay sa akin dito sa akademya at baka susugod nalang daw dito ang mga dark mage tapos wala sila.

Jusko, anong babantayan? Ano ako 10 years old? Mga baliw!

"Wag na matigas ulo! Para rin naman ito sa kaligtasan mo, Bunso!" Inis na sabi sa'kin ni Victor.

Ginulo ko ang aking buhok sa sobrang inis at pagpipigil ko na baka kahit anong oras mabubungaan ko ang dalawang 'to!

"Wala parin ba kayong tiwala sa kakayahan ko? Kita niyo naman ako na nakikipaghabulan na kay kamatayan, ah, ano pa ba gusto n'yo? Ako, nanaman sumugod sa kanila para masabi niyo talagang, kaya ko nang lumaban? Kaimbyerna," inis kong saad.

"Hindi naman sa ganun, Satania. Alam naming kaya mong makipag-laban at ipagtanggol ang sarili mo laban sa dark mage pero ang tanong... kung sakali mang makaharap mo si King Draco, kaya mo bang makipaglaban? Alam mo na bang gamitin at kontrolin ang kapangyarihan mo? Dahil walang nakakaalam kung kailan magpapakita si King Draco, kaya nga wala kami dito dahil inaabangan namin ang kabilugan ng buwan para malaman namin ang mangyari sa hinaharap," kalmado ngunit mahihimigan mo sa boses ni Kuya Damon ang pagkaseryoso.

Hindi agad ako nakapagsalita. Aminado naman ako na hindi ko pa gaano na-kokontrol itong kapangyarihan ko, kaya nga gusto kong makipaglaban katulad nila para matutunan ko ang paggamit nito. I want to enhance my skills more to protect those people that are important to me, and I can't let myself to die this time. Gusto kong mabuhay ng tahimik at masaya pagkatapos ng gulong ito dahil ayaw ko mamuhay nalang ng puro pakikipaglaban nalang at paghahabulan kay kamatayan.

Hindi pa rin ba nila naiintindihan ang mga ginagawa ko? Papasok ba ako dito kung ayaw ko naman palang mag-ensayo?

They are one of the reasons kung bakit ako pumasok sa lintik na akademyang ito. Kahit hindi ko man aaminin, nahihirapan rin ako makipag-adjust sa mga taong hindi ko naman katulad lalo't na ang mundong ito. Alam kong ganito rin si Satania kapag siya ang nandito dahil kung ako ay nahihirapang makipag-adjust sa mundong ito at mga tao, siya din naman ay nahihirapang makipagsalamuha sa mga taong hindi nya naman gaano nakasama at nakikita.

Kahit wala na siya sa mundong ito pero katawan niya parin ang aking ginagamit, pareho lang kami ng nararamdaman sa sitwasyong ito.

Pero kung 'yan ang gusto nila, edi sige hahayaan ko sila sa gusto nilang mangyari pero huwag nila akong mahanap-hanap! Nagtatampo ako!

"Vina," sambit ko dito habang nanatili parin ang walang buhay kong mga mata sa aking dalawang kapatid.

"Lady Satania."

"Pack my things, enough for a couple of days. Aalis muna tayo dito," matigas kong sambit.

"P-Po?"

"I hate repeating myself, Vina." Seryoso kong saad.

Mukhang nagulat naman ito at agad na umalis sa aming harapan.

"H-Hindi naman sa gan-" Kuya Damon said.

But I cut him off before I let out my fake smile.

"Mabait akong kapatid, di ba? Heto na susunod na po, Kuya."

Kung may tiwala talaga sila sa'kin, they won't act like this, right? Useless.

The Prophecy Of War (BOOK 2 OF THD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon