CHAPTER TWENTY-TWO

173 4 0
                                    

Satania Pov:

"Sa pagsapit ng kabilugan ng buwan, malalaman nating lahat kung ano nga ba ang naghihintay sa atin sa hinaharap," makahulugan nitong sambit.

Walang isa sa kanila ang agad na nakapagsalita dahil kahit hindi man nila sabihin, lahat sila ay nakaramdam ng pagkakabahala para sa lahat kung sakali mang may digmaan na mangyari.

Habang naglalakad ako, may nabangga akong lalaki na hindi familiar sa akin. Imbis na magalit ito dahil sa mga dala niya na nalaglag sa lupa, nagawa pa rin nitong ngumisi sa akin. Sino 'to? Close ba kami?

"I'm Noah, Milady," nakangiti nitong pakilala sa akin bago niya inilahad ang kanyang kaliwang kamay.

Nangunot naman ang noo ko dahil nakaramdam ako ng kakaibang aura na nanggaling sa kanya, pero hindi ko alam kung ano ito. Hindi ko alam kung masama ba ang aurang ito o hindi, but he looks weird and creepy.

"I don't know you," seryoso kong saad dito.

He giggled and looked at me directly in the eye.

"But I know you...... Satania Valkyrie,"

P-Paano niya nalaman ang pangalan ko? Wala naman akong natandaan na may nakausap ako o nakabangga na ganito ang mukha. In fact, ngayon ko lang nakita ang pagmumukha niya dito sa akademya. He looks strange!

"Sino ka?" matigas kong sambit dito at pinatili ko ang aking sarili na maging alerto sa kung ano man ang mangyari ngayon.

There's something about him that I can't find out!

"Why would I tell you? I just do my job to g-"

Hindi niya naituloy ang kaniyang sasabihin na may narinig akong tumawag sa aking pangalan.

"Satania!"

Tinignan niya ang gawi nila Kuya Damon at Victor na papunta sa gawi namin kaya ibinalik niya ang tingin sa akin 'tsaka ngumisi. He looks crazy with that.

"It's nice meeting you personally, Lady Satania. I look forward to our next little conversation," he winked before he walked away.

Sinundan ko lang ito ng tingin at hindi ko maiwasang mag-suspetsya sa mga pinaggagawa niyang kahina-hinala. Kahit hindi niya sabihin sa akin kung ano ang pakay niya, ramdam ko rin naman na may binabalak siya. Remember-

'Actions speak louder than words.'

"Mukhang kailangan ko na talagang mag-ingat sa mga taong nakakasalamuha ko," sambit ko sa aking isipan.

"Hey," pag-agaw pansin sa akin nila Kuya.

"Are you okay, Satania?"

Tinapunan ko ng tingin sina Kuya na nandito na pala sa aking harapan.

"Yeah, I'm fine. Nagpapahangin lang ako," saad ko.

"May kausap ka ba kanina?" tanong ni Kuya Victor sa akin.

"Bakit?" tanong ko dito.

Nagtinginan naman silang dalawa at sabay na tumingin sa akin.

"You were talking alone earlier," magkasabay nilang sambit.

Nagugulohan naman ako at tinitigan ko talaga silang dalawa dahil baka naman pinagtripan lang nila ako. Ngunit, wala talaga akong natanggap na salita ng...

"Joke lang, bunso,"

"Binibiro ka lang namin,"

"Sino iyong nakausap mo kanina?"

Pero wala sa isa dun ang aking narinig dahil ang kanilang sinambit ay mas lalong nakakapagbigay sa akin ng kaba at kuryosidad.

'Ibig sabihin, hindi nila nakita 'yong lalaking kaharap at nakausap ko kanina?

Kaya siguro masama ang pakiramdam ko sa isang yun at may aura akong nararamdaman na hindi ko maitukoy kung ano ba ito.

"Kanina ka lang namin pinagmasdan pero nagtaka nalang kami dahil bigla kang tumigil sa paglalakad at para kang may tinitignan, wala namang ibang estudyante kaming nakikita bukod sayo dito kaya labis ang aming pagtataka," pagkwento ni Kuya Damon sa akin.

I clench my fist.

T*ngina! Nagmumukha akong baliw! Sinabi ko talaga, kapag nagkita kami ulit ng baliw na 'yon, yayakapin ko siya sa leeg hangga't mag-violet ang pagmumukha niya!

That bastard was planning something.

"N-Nag-practice lang akong u-umakting!" Pagdadahilan ko dito.

"Para saan naman?" tanong ni Kuya Victor.

At kung maaari ay dapat hindi nila malaman na may kausap talaga akong lalaki kanina at hindi lang nila ito nakikita. 'Di kaya'y invisible iyong kapangyarihan niya? Pero, parang may iba pa siyang kakayahan ngunit hindi ko lang alam kung ano ito. Basta, hindi ako nagkakamali, he can use invisibility to hide himself towards the others. Galing mo chong!

"W-Wala lang! Tsaka ano ba kailangan niyo?" tanong ko dito para maiba naman ang topic.

I will surely find out kung ano talaga ang motibo ng isang gag*ng 'yon.

"Dun nalang natin sa dorm mo pag-uusapan ang tungkol sa sasabihin namin," seryosong sambit ni Kuya Damon.

"Let's go," agad na sabi ni Kuya Victor.

Okay? What's going on?

The Prophecy Of War (BOOK 2 OF THD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon