CHAPTER TWENTY-FIVE

154 4 0
                                    

Satania Pov:

Nakabusangot ako habang nakatanaw sa labas ng karwahe. Nabubwesit pa rin ako! Mas gusto ko pang manirahan sa dorm ng akademya kaysa sa palasyo na palaging amoy na amoy ko ang mga sunog na plastik kahit saang sulok. Tahimik na nga itong buhay ko, tapos ipagtulakan na naman tayo sa mga bruha? T*ngina!

"O-Okay lang po ba kayo?" Kinabahang tanong ni Vina sakin.

"Hindi!"

"Halata naman po, Lady Satania." Agad itong tumahimik at nilihis ang tingin sa may kabilang bintana.

Napadako ang tingin ko sa palasyo ng Ligtea kung saan may namuong mga itim na ulap at naglabasan na kidlat. Agad naman akong nagulat sa malakas na kulog.

What's going on?

"Mukhang uulan yata," rinig Hindi!"kong sambit ni Vina sa aking tabi na katulad ko rin ay nakatanaw sa maulap na langit.

Hindi kaya nasa kanila ni Kuya Damon at Victor ang may kagagawan nito? Dahil hindi pangkaraniwan na kulog lang ito, katulad rin ito noong unang gamit ko sa aking-

"Father," mahinang sambit ko.

This aura and thunder is familiar to me.

Ibig sabihin, nandoon rin si ama sa palasyo ng Ligtea? Nagpapatayan ba sila sa palasyo?

Bahala na nga sila diyan, malaki na rin naman siya.

Pagkadating ko sa palasyo, taas noo akong sinalubong ni Loreina habang si Reina naman ay nakayuko.

"Sa manor ka, hindi dito sa palasyo," nakangiti nitong sabi pero halata namang plastic, tsk, naamoy ko na nga.

"At bakit naman? Sa pagkakaalam ko, nag-effort pa si Kuya Victor sa pag-ayos ng kwarto ko. It means dito talaga ako nababagay. Baka ikaw gusto mo sa manor? Ibigay ko na lang sayo 'yon, mukhang ikaw naman may gustong tumira, ATE." Ngiting sabi ko pero taas kilay naman.

Tignan natin hangga't saan 'yang kaitiman mo ng budhi.

"Natuto ka na talagang sumagot e, no? Akala mo talaga malakas ka na, ha? Bakit... pinagmalaki mo na 'yang kapangyarihang mong mahina katulad mo? HAHAHAHAHAHHAH, mas malakas pa rin ako sa'yo, Satania. Tandaan mo 'yan." Tinitigan niya ako sa mata at may ngising nakaukit sa mukha niya.

"Ate, tama na," pag-awat ni Reina sa kanya.

Bakit sinabi ko bang mahina siya? At ano bang problema niya? May saltik ba siya sa utak? Kung mainit man ang bungo niya, huwag sa akin ibinubunton ang galit niya. Bwesit!

"Well, it's you, Loreina. I didn't steal your spotlight if I can get that just as easily, right? Hindi iyong... pa trying hard? HAAHHAAHAHAH, tandaan mo rin, mahina nga ako pero pang ilang ulit na nga ba kitang sinupalpal?" Nakangisi ko ring sabi at umakto akong ambahan siya ng sampal na agad niyang ikaharang ng dalawa niyang braso.

"Relax, nag-arm warm-up lang, pero next time ayusin mo rin ang ugali mo, ha? Piliin mo 'yong taong pagbubuntunan mo ng tantrums mo, okay?" I smiled sarcastically before I rolled my eyes.

Bwesit.

"Tara na, Vina," nauna akong umakyat sa hagdanan.

"Ahhhhh! Kainis ka talaga, Satania! May araw ka rin sa akin! Bwesit!" Pagwawala nito.

"Ate, tama na. Baka marinig ka pa ni Mama, eh."

"Eh ano ngayon? Umalis ka nga, epal ka pa naman!" Rinig kong sigaw nito kay Reina.

I shake my head. Malala na talaga ang saltik sa utak. Kawawang Reina, nagkaroon ng kapatid na may sakit sa utak. Well, pareho lang naman sila, kaso nga lang nasa loob ang kulo niya.

The Prophecy Of War (BOOK 2 OF THD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon