CHAPTER TWENTY

190 3 0
                                    

Satania Pov:

Pagkagabi, matapos kong mag-drama sa harapan ni Lusiano, oo, totoo ang chismis. Ako yung nahihiya para sa sarili ko!

Tulog na sila lahat kaya sinamahan ako ni Lusiano sa sala para kumain pero walang kibuan, ha. Sinamahan niya lang talaga ako tapos hinugasan ko 'yong pinagkainan ko dahil mahiya naman ako sa malinis na lababo ni tanda. Pagkatapos nun ay nagpasalamat na ako sa pagsama niya sakin 'tsaka agad ako bumalik sa kwarto at nagbihis ng pantulog tapos humiga na ako ulit. Iyon lang.

But, until now, naniniwala pa rin ako na hindi lang basta panaginip iyon dahil totoo talaga ang pagkikita naming dalawa. As much as possible, hindi ko muna ito ipagsasabi sa kanila. Mas lalo lang nila akong paghihigpitan lumabas tapos e-epal na naman itong magaling kong ama. Kaya kailangan ko talaga nang magsanay ng maigi para handa ako sa kung ano man ang mangyayari.

"Naligo ka?" Tanong sa akin ni Aliyah.

"Syempre! Ang lagkit na ng katawan ko," sagot ko dito bago ko inayos sa pagkakalagay ang aking gamit sa bag.

Naka-simpleng bestida na lang ako ngayon at yung binigay ni Dean sakin na katulad kanila kuya na uniform sa elite ay itinupi ko na lang ito 'tsaka itinago sa bag.

"Bakit? Mas maaga nga kayo naligo kompara sakin, eh!" saad ko dito bago tumayo.

"Sorry na, kasi naman, tulog mantika ka kasi!"

"Kahit na, sana ginising n'yo pa rin ako!"

"Susunod gigisingin na kita, promise!"

"Huwag na. Iyong katulong ko na ang gigising sa'kin dahil babalik na tayo sa akademya ngayon."

"Akala ko ba bukas pa?"

"Bukas kung mahirap isama pabalik si tanda, pero sa tingin ko naman ay sasama talaga siya, kaya ngayon ang balik natin."

"Sabi mo yan ha?"

"Bahala ka nga kung ayaw mo maniwala!"

"HAHAHAHAHHAHAHAHA"

Wala naman silang dapat ikabahala sa kanilang pamalit dahil dalawa naman ang uniform nila sa elite warriors. Pero wala namang problema sakin kung naka-bestida na ako dahil portal na rin naman daw iyong gagamitin namin pabalik ng akademya. Buong araw talaga ako matulog pag-uwi ko!

Nasa sala kaming lahat upang pag-usapan kung bakit kami narito at isama itong si tandang Rolando pabalik.

"Lord Rolando, hindi po namin alam ang rason kung bakit ka po kinakailangan sa kaharian ng Lightea dahil ang tanging misyon lang po namin ay isama kayo pabalik," panimula ni Kuya Damon.

Bumuntong hininga naman si tanda bago kami tinignan.

"Dahil nakikita ko kung ano ang mangyayari sa hinaharap," seryosong niyang wika.

'Ewan ko ba pero bakit ako kinakabahan? Baka sasabihin niya lang na mamatay ako, kami, at iyong mga taong naging malapit na rin sakin. Jusko, huwag naman sana.'

"That was so cool! Lord Rolando, pakisabi rin po itong sakin, ha?" manghang sambit ni Aliyah pero agad namang tinakpan ni Kathleen ang kanyang bibig.

"Kahit ngayon lang, itikom mo muna iyang bibig mo, Aliyah." bulong ni Kathleen dito.

Sumimangot naman ito at agad na umayos sa pagkakaupo.

"Sa pagsapit ng kabilugan ng buwan, dito nakatakdang ipakita sakin kung ano ang mangyayari sa hinaharap, maganda o hindi man ang kinalabasan nito," pahayag nito.

Kabilugan ng buwan?

"Sa susunod na linggo 'yon magaganap!" malakas na ani ni Edward.

"How did you know?" tanong ni Aliyah.

"Talaga ba? Baka sasabihin mo na naman na wala kang alam dahil tinatamad kang magbasa ng libro," kahit kalmado ang boses ni Kathleen, mukhang nawalan na siya ng pag-asa sa mga walang kwentang tanong ni Aliyah.

"Tatahimik na! Kayo naman, eh!"

"Nakasulat ito sa history book, diba? Kahit sa library nga pwede mo itong mabasa, kadalipan lang ng 50 years lumalabas ulit ang kabilugan ng buwan. At tanda niyo pa iyong digmaan na naganap noon?" Tanong ni Brix.

"Oo, nasabi sakin ni ama. Lusiano's grandfather was King Lazaro's old friend, at dahil nga sa naging gahaman si King Lazaro sa kapangyarihan, ito ang dahilan kung bakit nasira ang kanilang pagkakaibigan," wika ni Edward.

"Bata pa nga sila ama nun pero sumali na sila sa nangyaring digmaan," pahabol nito.

"Then Lusiano's grandfather was the one who ended his friend's life," sabi ni Kathleen.

Binalingan ko ng tingin si Lusiano pero wala lang itong naging reaction at tahimik lamang itong nagmamasid sa paligid. Siguro, alam niya na rin ang patungkol dito, kahit ako naman, meron na ring alam. Thanks to Satania's mother.

"Pero bago pa man naganap ang digmaan, pinahanap rin ng mga kawal si Lord Rolando dito sa bundok ng Galilea, upang dalhin sa kaharian ng Lightea. Sakto rin na kabilugan ng buwan sa susunod na araw na 'yon kaya siya ang nagbigay babala na merong magaganap na digmaan sa pagitan ng mundong ibabaw at ibaba. At hindi nga nagkamali ang ipinahayag ni Lord Rolando, dahil makalipas ng dalawang buwan, sumiklab ang digmaan sa dalawang panig," pahayag ni Kathleen.

Alam niya na pala kong bakit kami nandito? Edi sana all, siya na ang mas maraming nakalap na chismis.

"Alam mo?" Gulat na tanong nila Aliyah.

"Lusiano told me about it," simple niyang sambit.

"Bakit kami wala!"

"Nagtatampo na ako!"

"OA n'yo! Bakit, nagtanong kayo nagtanong? Wala naman... tsk!" inis na saad ni Kathleen.

"Pasensya na po sa mga kasama namin, Tanda. Medyo kinulang lang sa buwan," nakangiti kong sabi.

"Tumahimik ka, Satania, Isa ka pa eh!" sambit ni Kathleen sakin.

Nginitian ko lang siya ng nakakaasar.

Umismid ito at lumabas. Galit agad? HAHAHHAHA.

Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Kuya habang si Lusiano naman ay parang sanay na siya sa mga kabaliwan ng kanyang mga kasamahan.

"Huwag kayo mag-alala, sasama ako ng kusa sa inyo, dahil alam kong nagpaparamdam na naman ang mga may itim na mahika. Gusto ko rin malaman ng iyong ama kaagad, kung ano ang magyayari sa hinaharap. Dahil buhay ng lahat ang nakasalalay dito," pahayag nito sabay tingin sa lalaking kanina pa nanahimik.

Meron kaya akong kinalaman kapag may digmaan nga na mangyari?

The Prophecy Of War (BOOK 2 OF THD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon