CHAPTER NINETEEN

181 5 0
                                    

Satania Pov:

Paggising ko ay agad akong napaupo at naghahabol ng hininga. Ngayon ko lang napansin na nasa isang silid ako at isang lampara lamang ang gamit nilang ilaw dito sa loob.

Naalala ko na naman ang aking nakikita at pagtagpo namin ni Draco.

"Satania," sambit nang isang malamig na boses pero mababakasan mo parin ang pag-alala dito.

Pagkalingon ko sa aking kaliwa, ngayon ko lang napansin na katabi ko pala si Lusiano at nag-alala itong tumingin sa 'kin.

"Lusiano, s-save me," salita na kusang lumabas sa aking bibig.

He came to save me again! Di ko maiwasang mapayakap sa kanya dahil sa takot at ginhawa na aking naramdaman. Paano nalang kung hindi siya dumarating? Ano na mangyayari sa akin? Yes, I have a power, but hindi pa rin ako handa makipagharapan kay Draco. Natakot ako sa kung anong maaaring gawin niya sa akin. Siguro, sa sobrang kaba at takot na umusbong sa aking kaloob-looban ay kusang nagpatakan ang aking mga luha sa pisngi.

Mukhang nagulat naman siya sa biglaang pagyakap ko pero kalaunan ay kinulong niya rin ako sa kanyang mga bisig, bago niya hinaplos ang buhok ko.

"Hushhhhh, now. You're safe-I'm here," pagpapatahan nito sa 'kin.

"I-I saw.... him," basag na boses kong sambit.

Para akong bata na nagsusumbong sa ama dahil inigawan ako ng candy.

I don't know, but somehow, I felt safe when I am with him.

"I'm here to protect you," seryosong saad nito sa 'kin.

Hindi ako sumagot, bagkos ay nanahimik lang ako at pilit na pinapakalma ang aking sarili.

Third Person Pov:

"Iyon lang po ang aking makakaya, Haring Draco," saad ng isa sa kanyang mga tao.

Hindi mawala ang ngisi sa kanyang mga labi dahil hindi niya lubos akalain na magawa niyang makita ito kahit ang kanilang kaluluwa lamang ang nagkita.

Naalala niya sa mukha nang dalaga ang kapatid niyang babae dahil hindi nito maitatanggi na talagang magkamukha ito at tanging ang kanilang mga mata lang ang naiba.

Kita niya sa inosenteng mukha ng dalaga ang labis na gulat at takot ng malaman nito ang kaniyang kinaroroonan. Para sa kaniya, madali lamang niya itong linlangin at makuha dahil mukhang mahina ang kaniyang pamangkin, katulad ng ina nitong traydor at tumakas sa kanilang mundo para magpakasal sa walang silbi at mahinang hari sa Eythora.

"Uno," pagtawag nito sa kanyang kanang kamay.

"Haring Draco," yumuko ito.

Tumayo ito bago niya pinagmasdan ang kanyang mga tao sa palasyo at malademonyong ngumisi.

"Sa susunod na linggo... isagawa na ang ating plano sa pagkuha ng aking pamangkin," malakas nitong sigaw.

"Masusunod po, Haring Draco," sabay ngisi nito.

"Mabuhay ang mundong ibaba!"

"Mabuhay ang ating Haring Draco!"

'Malapit na rin ang pinakahihintay kong araw ng pagsakop sa apat na kaharian.'

The Prophecy Of War (BOOK 2 OF THD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon