Chapter 1 : The Boss

867 20 0
                                    





"Sa dinami daming taong gagaguhin mo?! tatay ko pa!?". Yan ang malakas na sigaw ng boses ko matapos kong ipa kidnap ang traydor na tauhan ng papá.

"Boss! hindi k-ko po talaga sinasadya! pinilit lang nila akong umamin!". Pag mamakaawa ng lalaki habang nakaluhod ang mga tuhod nito sa harapan ko.

"Pwes, magpaalam kana sa mundo, tapos na ang araw mo dito!—Kayo na bahala diyan, siguraduhin niyong hindi na sisikatan ng araw yan!". Mabilis kong nilisan ang bakanteng bodega na pinagdalhan namin sa lalaking yun.

"Yes po boss!". Sagot nila, Ilang segundo bago pa ako makalabas ay isang putok ng baril ang narinig ko.

Ganyan ang ginagawa ko sa mga taong traydor, lalong lalo na sa mga taong mag papahamak sa tatay ko. Kritikal ang lagay ni papá dahil sa taong yun, may nag tangka kasi sa buhay niya kanina matapos malaman ang lokasyon nila kung saan magkakaroon ng malaking transaksyon sa palitan ng pera at ginto. Isang bala ang tumama sa dibdib ni papa dahilan para isugod ito sa hospital.









~~~~

"Okay lang ba si tito?". Tanong sa akin ng kaibigan kong si Lux. She was my bestfriend at isa siya sa mga anak ng isang matalik na kaibigan ni papá, Lux family was our friend too. Kilala ang daddy nila lux bilang isang general.

"Sa ngayon kritikal pa ang lagay niya, kailangan pa tignan ng mga doctor si papá". Aniya ko habang umiinom ng alak. Kasalukuyan kasi kaming nasa bar na pag mamay ari ni engfa.

Engfa was my friend too, she's my cousin's girlfriend. Engfa was a daughter of a Well known Judge. Sila ang minsang humahawak ng kaso kapag nasa kritikal na sistema ako. Tulad nalang kapag napapahamak ako.

"Huwag ka mag alala faye, Hahanapin namin ang tao sa likod ng pag baril kay tito". Ani ni freen.

Si freen naman ang bunso sa aming apat, May ari ng pinaka malaking Investigating office ang papa niya, They handle tracking and locating. Sa madaling salita, Mata ng buong system.

"Thank you freen, pero hindi na kailangan. Anytime ilulubog na rin ng mga tao ko ang katawan niya sa lupa".

"Geez, kung hindi lang kita kaibigan? baka matakot na ako sayo e". Pabirong sabi ni engfa.

"Pero seryoso faye, ngayong nasa icu pa si tito..Ibig bang sabihin niyan ikaw muna ang papalit sa kaniya? like...being a boss of thousands mens?"

"Ganun na nga lux, i always wanted this. Pero hindi sa ganitong paraan. Gusto kong pag bayaran ng taong yun ang ginawa niya sa tatay ko. He will pay for this..At kapag nang— WATCH OUT!"

Isang malamig na inumin ang natapon sa akin ng may babaeng bigla nalang natumba at siguro sa instinct ko na rin ay nasalo ko to.

"W-what the hell!?"

"Oh? pano ba yan? sayo bumagsak? ikaw na mag asikaso niyan..". Sabay sabay silang nag si alisan at iniwan ako with this unknown woman.

"Miss!? Huy miss!?" . Tinapik tapik ko to pero mukhang wala na nga siyang malay, bakit naman kasi umiinom ang mga ganitong klaseng babae tapos hindi naman pala kaya!?

Dahil nga iniwan na ako ng tatlo kong kumag na kaibigan ay wala na akong nagawa kundi buhatin tong babaeng to at bahala na si batman kung san ko siya dalhin.






Buhat buhat ang babae ay isinakay ko siya sa kotse ko, Dali dali nalang din akong nag drived hanggang sa marating ang bahay. This is not me! ani ng isipan ko dahil never pa akong nag dala ng babae sa bahay ko. As in never in my life!

"Good evening boss.."

"Prepare my room..". Utos ko sa isa sa mga tauhan ko. Dahan dahan akong pumanik sa kwarto at inilapag siya sa malaking kama.

"B-boss? saan mo napulot yan?"

"Bigla nalang nahimatay sa harapan ko, hindi ko maiwan kaya dinala ko nalang dito, make sure na safe siya. Call me if she wokes up.."

"Copy boss.."

Isinara ko ang pinto at dumiretso sa office area. Sa dami ng problema ko dumagdag pa tong babaeng kahit kailan hindi ko pa nakikita. Unang sumagi sa isip ko, Sino bang kasama niya? Tinignan ko rin kung may cellphone siya pero walang ni anong gamit ang dala niya ng bumangga siya sa akin kanina.

Sa hinaba haba ng gabi ay dito ako sa office ko nakatulog, hindi ako makatulog sa kwarto ko dahil nandoon yung babae.







---

KINABUKASAN ay matitinis na boses ang narinig ko, tila alarm clock yun sa tenga.
What the hell!?


"Bitawan niyo ako! sino kayo?!"

"Tulong!!!"

"Tulong kinidnap ako!!"

Yan ang paulit ulit na sabi ng babae , hindi ko na mapigilan ang pagka irita kaya ako na mismo ang lumabas. I saw that woman trying to escape at halos sirain niya na ang malaking pinto ko para lang makalabas.

"Boss! Yung babae, gising na po"

"Miss!?". Pasigaw kong tawag sa kaniya at siya namang lumingon sa akin.

"S-sino kayo!? bakit ang dilim ng lugar!? bakit nandito ako!?"

"Can you please fucking calm down!? Ikaw na nga tong tinulungan kagabi, ikaw pa tong nag wawala diyan!?"

For a second ay nanahimik ito at napaupo nalang sa sofa. "P-paano ako nakarating dito?"

"Nawalan ka ng malay at sa akin ka bumagsak, ano bang malay ko kung sino kasama mo? that's why i bring you here..."

Tumingin ito sa paligid. "S-sino s-sila? bakit sila may mga baril?"

"They were my mens, teka bakit ba ang dami mo pang tanong!? Pumanik ka doon sa taas at mag papadala nalang ako ng damit, you better get dressed at ipapa hatid na kita kung san ka mang lupalop nakatira"

Walang imik pumanik yung babae sa taas at inutusan ko ang iilang maids na hatiran siya ng masusuot. Kahit kailan sa buhay ko ay hindi ko pa nagagawa to sa isang stranger.

"Boss, may lead na po kung saan nag tatago yung taong nag utos na ipa patay si don Fernando"

"Saan!?"

"Sa Rest house daw nito sa batanggas!"

Dali dali na akong sumakay sa kotse dala ang mga iilang tauhan ay pinuntahan namin ang lokasyon ng taong pinapahanap ko. This is gonna be a bloddy war. Biglang napaisip ako doon sa babae, Pero bahala na. I have my mens to escort her mas importante itong lakad ko kesa sa babaeng yun.

But you didn't asked her name. Ani ng isip ko. Tsaka ko nalang siguro iisipin yun kapag nag kita kami ulit, sa ngayon may mga tungkulin pa akong dapat tapusin.

Habang nasa kahabaan ako ng byahe ay tumawag si freen sa akin. "What?"

"Faye! i locate the man. His name was Sebastian Vouh, Half italian half filipino, Isa sa mga kasosyo ni tito sa negosyo, Napag alaman din naming tumakas ito sa italya dahil pinatay nito ang pamilya ng asawa niya. You better hurry faye, According to my connections, nag reready na daw ito ng Jet palayo ng pilipinas"

"Thank you freen!". Binaba ko ang telepono at siyang hinanda ang baril ko, Im gonna make sure na maibabaon ko siya sa lupa ng buhay. Im gonna make sure he will pay for what he did to my father.















***Goodlover***

The Stranger behind meWhere stories live. Discover now