Chapter 18

733 29 1
                                    




YOKO


"Wala pa rin kaming balita kay faye, Hayaan mo kapag may nahanap na akong paraan sasabihan kita kaagad". Aniya ni freen na pinuntahan pa ako dito sa condo para lang iinform ako.

"Salamat freen ha? Hindi ko na kasi alam gagawin ko, Tatlong araw ng hindi nag paparamdam sa akin si faye"

"I feel you, Kami din. Miss na namin si faye, Mag tiwala lang tayo sa kaniya okay? Magiging okay din ang lahat"



Talong araw, Isang buwan? At higit apat na buwan na simula ng umalis si faye papuntang Milan, Ni text o tawag wala akong natanggap sa kaniya. Kahit sila charlotte at mga kaibigan niya hindi na rin siya nag paparamdam. Umaasa pa rin ako na sana isang araw makita ko siya at sana ligtas siya.

"Ate yoko? Okay ka lang po ba?" . Kumatok si failyn sa pinto ng kwarto ko at umupo sa tabi ko. "Miss ko na po si ate faye"

"Kahit ako lyn, miss ko na rin si ate mo..Pero mag tiwala tayong babalik siya, okay?"

"Sana nga po ate.."

"Sige na, matulog kana. First day mo bukas as highschool..Huwag kana mag puyat"

Simula kasi ng araw na pinalayas kami sa penthouse ni faye ay wala silang natakbuhan ni tita margaret kundi dito sa condo ko, Napag alaman ko rin na si faye ang dahilan kung bakit napa sa akin tong condo na to, Sabi kasi ni charlotte binili daw ito ni faye para daw may matirhan ako simula ng aksidenteng may nanloob sa Apartment ko.


Nakapag tapos ako sa kursong teacher, Balak ko kasi talagang maging teacher at sa tulong ni faye nagawa ko yun. Bago pa ako makatulog ay biglang nag ring ang phone ko.

"Charlotte?". Sagot ko dito.

"Yoko?.. Free ka ba bukas?, Mag papasama sana ako sayo sa mall, Kailangan ko kasi mamili ng bagong damit para sa trip namin to thailand ni engfa e"

"Sige ba, Anong oras? Daanan mo nalang ako ha?"

"Sige! Mga twelve ng tanghali, Tapos lunch na rin tayo doon"

"Sige noted...nyt nyt"

Binaba ko na ang tawag at nag asikaso na para matulog. Mukhang gagala na namn kami bukas eh, Buti nalang at day off ko rin bukas.









KINABUKASAN ay mariin akong nag hihintay kay charlotte sa labas ng condo, Kasama ko rin si kuya julio, Laging maaga ito pumupunta dito para i check si tita margaret at failyn, Minsan iniisip kong nakakausap niya si faye pero hindi raw matagal na at sadyang binabantayan niya lang daw kami kasi yun daw yung pangakong binitawan niya kay faye.

"Sure ka yoko? ayaw mo akong kasama doon?" . Tanong ni kuya julio.

"Hindi na ho, Tsaka kasama naman po namin yung body guards ni charlotte"

"Osya, kung yan gusto mo..Basta umuwi ka ng ligtas oks na ako doon, Maiwan na kita dito ha at pupuntahan ko muna sila mam margaret sa taas"

Nag paalam na ito at umakyat na muna sa unit ko. Ilang minuto lang din ay dumating na si charlotte.

"Kanina ka pa?".Tanong nito.

"Hindi kabababa ko lang din"

Sumakay na ako at nag drived na kami papunta sa mall na sinasabi niya, Halos tumagal din kami sa pamimili ng mga damit.







"Your so sweet love, next time bring me here again ha? they have pretty dresses like this" . Rinig kong sabi ng babae sa kabilang aisle. Arte.

"Don't worry love, i will.. Let's go?".

Napatigil kami ni charlotte sa pamimili ng damit ng may isang pamilyar na boses kaming narinig.

"I-it can't be!?". Sabi ni charlotte at halatang nag tataka din.

"Boses ni...Faye yun.."

Agad kaming tumakbo at tinignan ang taong nasa kabilang aisle na ngayon ay palabas ng store.

S-si...Faye.

"FAYE!?" . Agad na nilapitan ni charlotte ang pinsan niya habang ako ay tulala pa rin sa nakikita. Bakit may kasama siyang iba? Bakit...Love ang tawagan nila?

All this time niloloko ako ni faye? Habang ako nag hihintay lang pala sa wala!?

Lumapit ako at hindi pa rin kumikibo habang si charlotte ay sinesermonan si faye. "Alam mo bang halos ilang buwan kami nag hihintay na bumalik ka!? Tapos hindi mo man lang ako sinabihan na umuwi kana pala!? —At ikaw! Sino ka at bakit kasama mo tong pinsan ko!?"

"What the fuck is your problem!?" . Rinig kong sabi ni faye kay charlotte na mas ikina gulat namin. Agad namang lumapit ang mga tauhan ni faye sa amin.

"C'è qualche problema signora?(Is there any problem maam?)" . Tanong ng isang tauhan niya na hindi ko maintindihan.

"Non conosco queste persone! (I don't know this people!)" . Agad kaming hinila ng mga tauhan niya palayo kay faye.

"Sono tuo cugino, stronzo! (Im your cousin, Asshole!)". Binato ni charlotte ang hand bag niya kay faye at hindi yun pinigilan ng mga tauhan niya.

Hindi ko maintindihan ang mga salitang binibitawan nila sa isa't isa pero alam kong nag tatalo sila. Nag labas si charlotte ng cellphone at may ipinakita kay faye.

"Ngayon naniniwala kana!?"

"I-im sorry i didn't know.."

Tumingin ito sa akin pero binalik din ang tuon kay charlotte. "Im sorry cous, but me and my girlfriend need to grab some lunch...I guess i'll see you next time"

Pinigilan ni charlotte ang pinsan niya at hinila ako. "You mean, Wala kang maalala? Bakit!? Tsaka anong girlfriend? Hoy nababaliw kana ba? Si yok—"

Agad kong inawat si charlotte sa sasabihin niya. Marami na rin kasing taong nakaka kita sa amin at nakaka gawa na kami ng scenario.

"Save your words cousin, i need to go.."

Naiwan kaming tulala , habang si charlotte naman ay inis na inis. "Bakit mo ako pinigilan!? Tsaka bakit hindi ka man lang nag salita!?"

"Hindi ako naalala ni faye, Anim na buwan palang ang lumipas pero bakit hindi niya ako maalala?" . Gustong pumatak ng luha ko pero hindi ko magawa, Puno pa rin ng pagtataka ang isip ko.

"Alam mo?! Let's go. Tatawagan ko muna yung tatlo at ibabalita na nakauwi na ang magaling kong pinsan!"







"WHAT THE FUCK!?". Inis na sabi ni Lux.

"So all this time!? —Ano freen?! May nalaman kana ba!?". Tanong ni engfa kay freen na ngayon ay nakaharap sa computer at may kinakausap na tao.

"Confirm, Nung araw na umuwi si faye sa milan, Hindi pinalagpas ng mga alfarez, Nadale daw si faye sabi ni edir.—"

Si edir ay matalik na kaibigan ng kuya ni freen na nag tatrabaho sa mga gonzalez sa milan at napag alaman namin na personal butler ito ni faye.

"—Simula daw noon iilan palang ang nakikilala ni faye, Matindi daw ang tama ni faye simula ng paluin siya sa ulo, At ang nakakainis pa doon ay.....". Tumingin si freen sa akin.

"-Hindi si yoko ang natatandaan niyang girlfriend kundi si Daphne hue, Ang sabi ni edir basta nalang bumisita sa hospital at nagpa kilalang girlfriend siya ni faye"

Hindi na napigilan ng luha ko ang pag tulo nito, Hindi na niya ako maalala.

"Don't worry yoko, gagawa kami ng paraan para maalala ka ni faye, We promise you that". Sabi ni engfa.

Lumapit sa akin si lux at pilit akong kino comfort. "Shhhh...Huwag kana umiyak, Im sure maaalala ka din ni faye"

Sana nga...

Sana...












/goodlover
🥺

The Stranger behind meWhere stories live. Discover now